Chapter 6 - Cold

8.7K 338 35
                                    

#ASAwp
Chapter 6 - Cold

"Oh, god." Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko ng maramdaman ko ang sikat ng araw sa mukha ko. Ni-hindi ko magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko, damn!

Nagtalukbong ako ng kumot para mawala ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinubukan kong gumalaw paikot para malayo ang sinag ng araw sa akin pero mas lumala lang ang sakit ng ulo ko na tila ba pinupukpok ito ng martilyo.

I groaned in frustration. Ano nga ba naman ang inaasahan ko? I basically drowned myself last night with beer, malamang ay magkakaroon talaga ako ng hangover kinabukasan.

Ilang minuto ko pang ipinikit ang mata ko hanggang sa makatulog na ulit ako. I woke up feeling better. Masakit parin ang ulo ko pero hindi na kasing lala ng kanina.

Dahan-dahan akong bumangon, at tsaka ko inilibot ang paningin ko. I'm guessing I'm in Adam's bedroom. But how the hell did I get here?

Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito sa kama ni Adam. Ang huling naaalala ko lang ay noong sinubukan kong tumayo, pero nasalo agad ako ni Adam bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. That's it. After that incident ay wala na akong ideya kung ano ano pa ang mga nangyari.

Nilingon ko ang orasan sa bedside table. Halos mapamura ako sa sarili ko ng makita kong alas-tres na ng hapon. Ganoon ako katagal natulog? Wait, anong oras na nga ba ako nakatulog?

Napangiti ako ng makita kong may Advil sa tabi ng orasan at isang baso ng tubig. Kinuha ko iyon at ininom. This should work. Maya-maya lang siguro ay mawawala narin ang sakit ng ulo ko.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Adam. Wala ng tao sa sala at wala narin ang mga kalat namin doon. Sinubukan kong pumunta ng kusina pero wala din doon si Adam.

Napakunot noo ako at bumalik sa loob ng kwarto. He obviously left me here all alone. I shook my head, baka naman may lakad Mira, masyado ka naman paimportante kung hihintayin ka pa niyang gumising.

Right. Baka nga may lakad siya ngayon kaya iniwan niya na ako dito sa condo niya. I should probably go, too.

Mabilis na kong inayos ang sarili ko at kinuha ko ang mga gamit ko. Sinigurado ko ding maayos kong iiwanan ang kama ni Adam para hindi naman nakakahiya. I also left a sticky note in his bedside table dahil wala naman akong number niya para itext siya at magpasalamat sakanya.

Thank you for last night. Sorry sa istorbo. Iyon lang ang sinulat ko sa sticky note bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ni Adam.

Saktong paglabas ko ng pinto ng unit ni Adam ng may marinig akong boses na pamilyar sa akin. "Hindi ko nga alam nasaan si Mira, Troy. Ang kulit mo. Out of town nga sabi ako kagabi kaya hindi ko alam kung nasaan siya." Malakas ang boses ni Trina at halatang inis na inis ito sa kausap sa cellphone niya. "Wala siya sa condo ko. Wala naman siyang susi doon paano siya makakapunta sa unit ko, ang kulit mo!"

She's obviously talking to Troy. Nang makita kong binaba na ni Trina ang tawag ay tsaka ko lang siya tinawag. "Bes!" Agad naman siyang napalingon sakin.

Sinenyasan ko siya ng wait at isinara ko na ang pinto ni Adam bago ako lumapit sakanya. Medyo hirap ako maglakad ng ayos dahil masakit ang buong katawan ko. I wonder kung nagtumbling ba ako kagabi or what. "Si Troy yung kausap mo?" Tanong ko sakanya ng makalapit ako.

Nagtaas siya ng kilay at tinignan ang pinanggalingan ko. "Saan ka galing? Kaninong unit yon?" Anito. Hindi niya pinansin ang tanong ko.

I shook my head. "Basta. Si Troy nga yung kausap mo? Hinahanap ako?" Tanong ko ulit sakanya.

"Oo, yung magaling mong boyfriend kinukulit ako kung nasaan ka daw. Kanino bang unit--oh my god." Nanlaki ang mata ni Trina kaya naman napalingon ako sa tinitignan niya.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Adam sa may pinto ng condo niya na nakatapis lang ng twalya ang pang-ibabang parte ng katawan at tumutulo-tulo pa ang tubig galing sa basang buhok niya patungo sa ilong niya pababa sa dibdib niya. Oo, napansin ko talaga iyon. Kasi naman! My goodness!

Oh, snap out of it. Ang tanga mo, Mira. Hindi ka niya iniwan mag-isa sa condo niya. Gusto kong batukan yung sarili ko. Hindi ko pala nacheck yung CR kanina.

Napakamot ako ng ulo ng magtama ang mata namin. Naglakad ako patungo sakanya. I stopped just right in front of him, amoy na amoy ko ang bagong ligong si Adam, oh God. Isinantabi ko ang manly niyang amoy na pumapasok sa ilong ko, patungo sa buong sistema ko. I cleared my throat. "Hi. Akala ko umalis ka kaya nag-iwan nalang ako ng sticky note sa kwarto mo. Hindi ko alam na naliligo ka lang pala." Pagpapaliwanag ko sakanya.

He nodded. "Bestfriend mo?" Aniya at sandaling binalingan ng tingin ang kinaroroonan ni Trina bago bumalik ulit sakin ang tingin niya.

Tumango ako. "Oo. Paano nga pala ako nakarating sa kama mo? Hindi ko na maalala yung ibang mga nangyari, eh." Sabi ko sakanya.

Mas nawalan ng emosyon ang mukha ni Adam nang sabihin ko iyon. He looked at me with his cold eyes. "She's waiting for you." Tumindig ang mga balahibo ko sa kawalan ng emosyon ni Adam.

I felt a lump on my throat but I ignored it. Gusto ko sanang magtanong pa pero mukhang wala siya sa mood makipagusap. Mukhang ayaw niya ako makausap. "Uh, yeah. Thank you ulit kagabi. Sorry sa abala." Sabi ko bago ako tumalikod at maglakad palayo sakanya.

Mas lalo tuloy akong nacurious sa nangyari kagabi. Nasukahan ko kaya si Adam? Kaya ba siya parang galit sa akin? O baka naman may nabasag akong gamit niya sa kwarto? May nasabi ba kong mali? Fuck, I don't know. I really have no idea what the hell happened. So much for being drunk, Mira.

Nang makarating ako kay Trina ay tila nakakita ng multo ang itsura nito. "Okay ka lang bes?" Tanong ko sakanya at bahagya ko siyang niyugyog.

Mabilis niya akong hinila papasok sa unit niya. "Okay? What the hell is happening?" Kabado kong tanong kay Trina.

"Oh my god. You!" Tinuro niya ako. "You, oh my god!" Hindi parin nawawala ang gulat sa mukha niya.

Napakunot ang noo ko sa inaakto ni Trina. "Ano? Anong ako?" Naguguluhan kong tanong. Ano daw?

Umiling siya. "You, and that hottie. May nangyari sainyo? Oh my god! Nakipagsex ka sa lalaking iyon? I know he's hot and all, but he's a stranger. And you have a boyfriend! Kahit naman gago si Troy, hindi ka dapat nakipagsex sa iba. Oh my god, Mira!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What?! No!" Mabilis kong sabi. "Officemate ko iyon. Pinatuloy niya lang ako sa unit niya kasi wala ka nga kagabi." Pagpapaliwanag ko kaya naman medyo kumalma na ang bestfriend ko.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Walang nangyari?" She asked.

I shook my head. "Wala." Ata? Hindi ko alam. Damn, Mira!

Nagpalabas siya ng buntong hininga bago umupo sa couch niya. "Good. Kinabahan ako sayo, akala ko nakipagsex ka dun sa hottie na 'yon para gantihan si Troy." Sabi niya.

"You know how much I love Troy. Hindi ko iyon gagawin sakanya." Sagot ko.

She nodded. "Good point." Anito.

Tumabi ako sakanya. Isinandal ko ang ulo ko sa couch niya at ipinikit ko ang mata ko. Wala nga bang nangyari? I mean, mararamdaman ko naman kung meron, diba? At hindi naman masakit yung ibabang parte na iyon. So walang nangyari.

Fuck! Wala nga ba? Baka kaya nga galit at cold si Adam kanina ay dahil may nangyari nga sa amin at sinabi kong wala akong naalala? Pero imposible.

Kahit pa ilang beses na akong niloko ni Troy ay kahit minsan hindi ko siya naisip na lokohin. Kahit minsan ay hindi ko naisip na gumanti. I would never do that to him. I would never cheat on him. Never.

Because I love him. I love Troy more than anyone, and anything in this world.

Pero paano nga kung sa sobrang kalasingan ko kagabi ay may nagawa akong hindi ko dapat ginawa? Paano nga kung may nangyari samin ni Adam na hindi ko lang naaalala dahil sobrang lasing na ako kagabi?

Oh, god. You're in deep shit, Mira. Damn!

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now