Prologue

20.2K 511 108
                                    

#ASAwp
Prologue

"There's this new restaurant sa Greenbelt, we can try there next time. Masarap daw yung food, eh." He said, and he went on and on about this new restaurant he was talking about.

This is our usual setup. Susunduin niya ako ng umaga sa bahay para ihatid sa office, tapos tsaka siya papasok sa opisina niya. After work naman ay susunduin niya ulit ako, magdidinner kami, at ihahatid niya ako sa bahay. Ganoon kami, araw araw.

But tonight, something's not right. Nanatili ang tingin ko sa pagkain ko habang pinapaikot-ikot ko ang kubyertos sa steak ko. Halos hindi ko pa ito nagagalaw. For some unknown reason ay hindi ko magalaw yung pagkain ko. Hindi naman ako busog, kaninang tanghali pa nga yung huling kain ko, and its almost 9 in the evening pero bakit parang wala akong gana?

Really, Mira? Hindi mo alam? Napailing ako. Truth is, alam ko kung bakit wala akong gana. I lost my appetite dahil sa nalaman ko. Wala na naman akong gana dahil may nalaman na naman ako.

I flinched as he touched my hand. "You okay? May problema ba?" He asked.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang tanungin niya iyon. Dahan-dahan akong umiling. "I'm fine. Pagod lang." Sagot ko sakanya.

And that wasn't a complete lie. I am tired. I'm tired of all these bullshits. I am tired of all his bullshits.

"You're not okay. I know you. Anong problema? Masama ba pakiramdam mo?" Akmang hihipuin niya ang noo ko nang ilayo ko mula sa kamay niya ang mukha ko. Ibinaba niya ang kamay niyang naiwan sa ere bago siya humugot ng malalim na hininga. "May problema ba tayo, Mira?"

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sigawan at sampalin dahil nasasaktan na naman ako pero pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan niya. Pagod na akong makinig sa mga kagaguhan niya. Pagod na akong magpakatanga. "Sino si Kim?" Pagod kong sabi.

Nanigas siya sa kinauupuan niya. And right there and then, alam ko na. Niloloko na naman niya ako. Nagloloko na naman siya. Nambababae na naman siya.

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko para hawakan pero inilayo ko iyon. "Let me explain." Napangiti ako sa sinabi niya.

Of course, that line again.

Tuwing mahuhuli ko siya ay gagamitin niya ang linyang iyon. Let me explain. Then I'll let him explain, tapos papatawarin ko siya at magpapakatanga ulit ako, tapos aakalain ko na mag-aayos na siya, na titino na siya, na magseseryoso na siya, pero balik ulit sa umpisa. It's a cycle. And I'm tired of it.

I shook my head but I didn't utter a word. I fished my phone out of my bag. Nagbook ako ng Grab, pero walang driver na tumatanggap ng booking ko. God! Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit hindi ko nalang tinanggap yung offer nila Mommy na kuhanan ako ng sasakyan before.

After a few tries, nag-give up na ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Magtataxi nalang ako. Mabilis niyang nahablot ang palapulsuhan ko. "Pagusapan natin 'to. Please, babe." Anito.

"Yes. Pero wag ngayong gabi. Pagod ako, Troy." Malamig kong sabi bago kumalas sa pagkakahawak niya.

Mabilis ang naging lakad ko hanggang sa makalabas ako kung saan may mga dumadaang taxi. Pero dahil rush hour nga, ay halos lahat ng dumadaan ay either puno na, or may nauunang pumara sa akin.

Oh, the struggle of working in Makati!

Papara na sana ako ng taxi ng may humarang na itim na sasakyan sa harap ko. Inis kong binaba ang kamay ko. "Fuck!" I hissed. Nakasakay na sana ako kung di dahil sa lecheng sasakyan na ito.

Akmang lalakad ako palayo sa sasakyan na iyon para makapara ulit ng taxi ng bumukas ang pintuan ng sasakyan. "Mira, hop in." Sigaw ng nagmamaneho ng sasakyan. His voice was deep and husky. At mukhang alam ko na kung kaninong boses iyon.

Dahil madilim sa loob ng sasakyan ay kinailangan ko pang dumungaw sa loob para kumpirmahin kung siya nga iyon. "Hop in, ihahatid na kita." Sabi niya ng sumilip ako.

"Wag na, nakakahiya. Magaabang nalang ako ng taxi." Pag-tanggi ko kay Adam.

"Mahirap makahanap ng taxi. Rush hour. Ihahatid na kita, on the way ka naman, eh." Aniya. Adam, always the gentleman he is.

Napailing ako ng bahagya bago pumasok sa sasakyan niya. He's right. Baka hating gabi pa ako makasakay kung tatanggihan ko ang offer niya. Pagsaradong pagsarado ng pinto ay agad siyang lumapit sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil akala ko ay hahalikan niya ako pero ikakabit niya lang pala ang seatbelt ko. Wait, did I say akala ko hahalikan niya ako? What the hell, Mira?

Habang nasa byahe ay panay ang tunog ng cellphone ko. Tawag ng tawag si Troy. Umiling ako at pinatay ang cellphone ko. I just don't want to hear any of his lies anymore. Nakakasawa.

"LQ?" Napatingin ako kay Adam ng magsalita siya. Hindi pa man ako nakakasagot ay may follow up na siya. "Nambabae na naman?"

I slowly nodded and looked away. Alam kasi ng mga kasamahan ko sa trabaho yung ilang beses na pambababae ni Troy dahil tuwing mambababae siya ay humahagulgol ako bigla sa cube ko, tapos ay tsaka ako magkkwento sakanila.

Tumahimik ang buong sasakyan after ng eksenang iyon. Nang mahinto kami sa stop light ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa lap ko. "Cheat." Nanlamig ako sa sinabi niya.

Oh, no. Fuck, no.

"Cheat with me." There. He dropped the bomb.

Mabilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon. I looked at him and he was looking at me with fire in his eyes. Nakakapaso ang mga tingin niya. He's on fire. And right there and then, parang gusto kong magpapaso sa apoy niya.

And I did. I gave in.

I kissed him.

And I gave my all to him, while I'm committed to someone else.

--------
So hi, I'm officially back, Wattpad. Sabi ko di ko muna to ipupublish hangga't di ko pa tapos but since maraming nagsabi na ipublish na, edi g! Hahaha!

I also deleted WBT dahil wala na talaga, hindi ko na siya maituloy-tuloy.

But! But! But rest assured na tatapusin ko tong ASA.

I'm back on track, babies. 💙

PS. Hindi Fanfic yung category dahil Wattpad na mismo nagbabago ng category ng mga stories ko, they changed it to Romance, and Teen Fics. So yun. But Kathniel parin characters nito, para masaya. 💙💙💙

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now