Epilogue - Part I

6.2K 215 39
                                    

#ASAwp
Epilogue Part I

ADAM

"You look good, anak." Narinig kong sabi ni Mommy sa likod ko habang inaayos ni Daddy ang toga ko.

Tumawa ang nakakabata kong kapatid. "You know that Mom's just saying that because it's your graduation, right? By the way, where's Ate Hannah?" Sabi ni Arabelle.

Umiling ako at tumawa. "Hahanapin ko lang si Hannah, Mom." Pagpapaalam ko dito. "Bye, brat." Sabi ko sa kapatid ko.

Arabelle's my sister, she's 16 at bratinella talaga ang kapatid ko na iyon but I love her. And besides, walang makakasira ng araw na ito. Ngayon yung araw na matagal kong inasam-asam. Matagal naming inasam-asam ni Hannah. Ang makagraduate kami ng sabay.

Hannah, she's my long term girlfriend. Nagkakilala kami sa organization namin sa school, turns out matagal na daw pala siyang may gusto sa akin tuwing magkakasalubong kami sa corridor. I have to admit, noon pa man ay napapansin ko na siya tuwing magkakasalubong nga kami, but I wasn't in the mood to enter any relationship that time, kaya siguro wala din akong panahong magkaroon ng crush sa mga babae sa school namin.

But then I met her and I fell for her. Power couple kami kung tawagin sa school. They kept on saying that our relationship is so perfect. Because indeed, it is.

Or was.

Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko si Hannah. Nakabukas ang toga nito at nakababa ang kalahating dress na suot nito habang nakikipaghalikan sa isang kabatch namin. Her brassiere was exposed and she didn't even care. Tila wala ito sa sarili dahil panay ungol lang ang naririnig mula rito.

Nanatili akong nakatulala sakanila. Nagtatago sila sa bandang likod ng PICC, sa paggaganapan ng graduation namin.

Nabalik lang ako sa sarili ko nang magsalita si Hannah. "Baby, baka may makakita satin at magsumbong kay Adam. A—And wait, I have to tell you something." She moaned, while her eyes are closed.

Nang magmulat ito ay nagtama ang mata namin. Mabilis itong lumayo sa lalaki. "A—Adam. B—Babe. It's not what it looks like." She stuttered.

It's not what it looks like? Damn it.

Napayukom ako ng kamao. "Gaano na katagal." May diin ang bawat salitang binitawan ko.

She shook her head. "Babe please. Let me explain." This time ay may luha ng tumulo sa mata nito.

Wala akong maramdamang kahit ano. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa nakita ko. "Gaano na katagal." Inulit ko ang sinabi ko pero this time ay mas madiin ito. I almost shivered with my own voice but I didn't care.

"T—Three months. I'm sorry. I'm sorry." She cried. Sinubukan nitong lumapit sakin pero mabilis akong humakbang palayo dito.

I shook my head in disappointment. "Nakakadiri ka." I spat out before I left her.

Mabilis ang naging takbo ko palayo sakanya. Palayo sa pangarap kong umakyat sa entablado para kuhanin ang diploma ko. Palayo sa inakala kong perpektong buhay ko.

Isang linggo akong hindi nagpakita sa kahit na sino. Walang nakaalam kung nasan ako. Not even my parents, nor my sister or my friends.

Nagmukmok ako sa condo ng pinsan ko sa Quezon City. Sa akin niya pinagkatiwala ang condo niya mula nagmigrate ito sa US kaya naman malaya kong nagagamit ito tuwing kailangan ko.

Pupungas pungas kong binuksan ang pinto ng condo ng may kumatok dito. Ito na yata yung delivery ng pagkain na inorder ko. But to my dismay, hindi pala.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now