Chapter 16 - Girlfriend

10.1K 446 46
                                    

#ASAwp
Chapter 16 - Girlfriend

"Alam niyo kayo kung wala lang boyfriend 'tong si Mira na naghahatid sakanya tuwing umaga, iisipin ko ng may something sainyo." Sabi ni Tine sa amin nang yayain ako ni Adam para maglunch.

Nagpeke ako ng tawa sabay batok sakanya. "Ano bang sinasabi mo? Something ka dyan." Natatawang sabi ko pero agad namang umusbong ang kaba sa dibdib ko.

It's been a couple of months since my secret affair with Adam started. At hindi ko naman maikakaila na talagang iba ang naging kilos naming dalawa sa office mula noon.

Pagdating ko ng office ay yayayain ako agad ni Adam magbreakfast, tapos ay sabay din kaming naglulunch. Paminsan-minsan ay may mga kasama naman kami, pero mas madalas na kami lang dalawa ni Adam.

Maraming nakapansin ng closeness namin but this is the actual first time na may naghinala na may something kami. Damn it. Siguro ay dapat medyo dumistansya na muna ako kay Adam para hindi na sila mas maghinala. Pero pag umiwas ako ay mas lalo nilang iisipin na may something kasi naapektuhan ako sa sinabi ni Tine.

Dapat ay pag-usapan namin ito ni Adam mamaya. It's Friday at katulad ng nakaugalian namin for the past two months ay doon ulit ako matutulog sa condo niya ngayong gabi.

Tumawa si Lou kaya naman napatingin kami sakanya. "Alam mo akala ko din may something sila. Pero may boyfriend nga si Mira. Tapos itong si Adam may girlfriend din pala." Anito.

Napalunok ako sa sinabi nito. Girlfriend?

"Girlfriend? Aba, akala naming lahat single and ready to mingle ka Adam. Yun pala may girlfriend ka. Sino naman yan? Ipakilala mo naman samin." Ani ng isa pa naming kateam.

Nilingon ko si Adam at kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Girlfriend? Saan naman nanggaling yan, Lou?" Ani Adam na tila ba walang ideya sa sinasabi ng kateam namin.

"Oo, yung kahalikan mo kanina sa parking. Ang ganda, guys. Ang puti, at ang sexy pa." Sabi ni Lou at nagtaas baba pa ng kilay.

Humalakhak ang mga kasamahan namin sa trabaho. "Kaya naman pala ayaw ipakilala satin ni Adam, baka takot na magkaron siya ng kaagaw sa girlfriend niya." Panunuya nito kay Adam

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nagpatuloy sila sa asaran tungkol sa sinasabi nilang girlfriend ni Adam.

At ano daw iyon, kahalikan niya kaninang umaga sa parking? What the hell.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Troy para yayain siyang maglunch. Eh nakakahiya naman kasi sa girlfriend ni Adam kung sabay kami maglulunch, diba? Tangina talaga.

Ilang linggo na akong binabagabag ng sinabi niya na mahal niya ako kaya okay lang na number 2 ko siya. Pinagiisipan ko na nga na makipaghiwalay kay Troy para piliin si Adam, iyon pala ay may girlfriend ito?

Pinagiisipan ko palang naman. I'm not sure yet, dahil malaking move iyon pag nagkataon. Itatapon ko ang ilang taong pinagsamahan namin pag ginawa ko iyon.

Pero parang malaking parte na sa akin ang gusto makipaghiwalay kay Troy at piliin si Adam dahil parang wala na talaga akong kahit anong maramdaman kay Troy nitong nakaraang dalawang buwan.

Mas madalas na okupado ng isip ko si Adam kaysa kay Troy. Mas masaya ako pag kasama ko si Adam. Mas kinikilig ako sa simpleng pagbigay ng long stem rose ni Adam kaysa sa pagbigay ng bouquet ni Troy. Aminin ko man o hindi ay malayo na ang lamang ni Adam kaysa kay Troy sa puso ko.

Tapos malalaman ko may girlfriend pala siya? Na kahalikan niya pa kaninang umaga? Ano yun, diba?

Nagulat ako ng hablutin ni Adam ang phone ko sa kamay ko at pinatay nito ang tawag. "Ewan sainyo. Nagugutom na ko, kakain na kami." Aniya at mabilis akong hinila palayo sa mga kaopisina namin.

Nang makarating kami sa elevator ay marahas kong hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dito. Maamo ang mata niya ng tignan niya ako. "Miracle." Malambing niyang sabi.

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero iniiwas ko ito. "Shut it. Just give me back my phone." Inis na sabi ko dito.

Umiling siya at ibinulsa ang cellphone ko. "Let me explain." Malambing parin ang boses niya.

Tumawa ako at humakbang palayo sakanya. "Wow, hiniram mo ba kay Troy yang linyahan mong ganyan? Favorite line niya kasi yan eh. Nagpaalam ka ba na gagamitin mo?" Sarcastic kong sabi dito.

"Miracle naman." Aniya.

Pagbukas ng elevator ay mabilis akong lumabas doon. Sumunod naman si Adam agad sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila patungo sa resto na madalas namin pagkainan. Sa may likod ito ng Ayala kaya naman hindi gaanong pansinin ang resto na ito.

Dito kami madalas dahil baka may makakita sa amin na kumakain na kaming dalawa lang na kakilala ko. Patay kung nagkataon.

Umorder si Adam ng usual naming order bago niya ako hilahin ulit patungo sa lamesa namin. Ang hilig manghila ng gagong 'to.

"Hindi ko iyon girlfriend." He sighed and held my hand tighter. "She's my ex and her name is Hannah." Pagpapaliwanag nito.

Bahagyang kumalma yung loob ko sa sinabi niya. "So hindi mo na siya girlfriend pero naghahalikan parin kayo?" I'm still pissed though.

Sabihin na nating ex girlfriend niya nga ang babaeng tinutukoy ni Lou kanina. Pero naghalikan parin sila. May mag-ex ba na naghahalikan?

"Lou was exaggerating, hindi kami naghalikan, she tried to kiss me pero itinulak ko siya agad. Kahit silipin natin ang CCTV sa parking kaninang umaga just to prove na totoo yung sinasabi ko." Mahabang sabi niya.

Tinitigan niya ako in a way na talagang makikita mo na nagsasabi siya ng totoo. I sighed. "Why didn't you tell me?" Magkasama naman kami kanina nagbreakfast.

"Hindi naman mahalaga, eh. I told her to stay away from me because I'm already in love with someone else. Pero dapat nga sinabi ko sayo. Don't worry, I won't keep things like this to you, para hindi ka nagseselos." Aniya pero may ngisi sa mukha niya.

Sumimangot ako. "Sino naman nagsabing nagseselos ako?" Pagtataray ko dito.

Tumawa siya at halos malaglag ang panty ko sa tawa niya. Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko. Madalas kami magkasama ni Adam, kung tutuusin ay dapat sanay na ako pag tila ba nangaakit yung tawa niya pero hindi parin ako masanay-sanay.

"Yung mukha mo. Tsaka yung kilos mo. Sabi nila nagseselos ka daw kasi akala mo may girlfriend ako." Anito at nagtaas baba pa ng kilay na tila ba nangaasar siya.

Napakagat labi ako at sumandal sa upuan ko. "I'm not jealous!" Iling-iling kong sabi.

Nagtaas baba ulit ito ng kilay. "Sabi mo eh." Panunuya niyang sabi.

"Fine! Nagselos ako, konti." Inulit ulit niya yung ginawa niya sa kilay niya. "Oo na, nagselos na, sobra! You're enjoying this, aren't you?" I give up! Hindi ako mananalo sa pangaasar nitong lalaking 'to.

Tumawa siya at kinuha ang kamay ko. Lumapit siya para mahalikan ang kamay ko bago siya magsalita ulit. "I just love the fact that you're jealous. You're falling for me, aren't you, Miracle?" This time ay wala ng hint ng pangaasar sa boses niya. This time, he is damn fucking serious.

Adam has been very vocal about his feelings for me. Palagi niyang sinasabi kung gaano ako kaimportante sa buhay niya. Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako kaya wala siyang pakialam kung may Troy man ako. And he's not all talk. Hindi lang niya basta sinasabi iyon, kundi pinaparamdam niya rin.

Huminga ako ng malalim bago tumango. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya sa simpleng pagtango ko sakanya.

"Really?" Malaki ang ngiti niya ng sabihin niya iyon.

I kept mum, but I nodded anyways.

"Fuck, yes. Damn, yes!" Sigaw niya na tila ba nanalo siya sa lotto.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now