Chapter 5 - Drunk

9.8K 344 37
                                    

#ASAwp
Chapter 5 - Drunk

"Wait, hindi ba may lakad ka tonight? Kaya ka din nagmamadali, diba?" Tanong ko ng maalala ko na may TGIF lakad nga pala siya dapat ngayon.

He nodded as he opened his door. "Meron, sana. But I saw you." Anito at pumasok na sa loob ng unit niya.

Sumunod ako sakanya hanggang sa makarating kami sa sala. "Ano ka ba, ayoko makaistorbo, may lakad ka pala, maghahanap nalang ako ng hotel talaga." Sabi ko sakanya habang inililibot ang paningin ko.

Wow. That's the only term I'd use. Nakakaamaze yung ayos, at linis ng condo unit na tinitirhan ni Adam. Malaki din yung unit. Siguro ay mayaman iyong pinsan ni Adam na nasa US.

Nang magtama ang paningin namin ay agad akong tumigil sa pagtingin-tingin sa paligid. Mukhang tuwang tuwa siya sa naging reaksyon ko ng inilibot ko ang paningin ko dahil ang laki ng ngisi nito.

"Maganda?" He asked me and I nodded in response. "Ako interior designer nito. I handpicked everything from the couch set, tv, the counter top, the high-chair, the paintings, down to the color of the wall." Tila proud na sabi niya.

Halos napanganga ako sa sinabi niya. "Wow." Yun nalang ang nasabi ko. Edi si Adam na talaga ang lalaking pinagpala sa lahat. Gwapo, maganda boses, gentleman, masipag at talented. Idagdag lang natin yung pagiging misteryoso niya at ang paminsan-minsan niyang pagsusungit.

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Inlove ka na sakin ng lagay na yan?" Tila nangaasar na sabi nito.

I raised my eyebrow. "Kapal. Pero teka ano? TGIF mo diba?" I asked him once again.

Tumango siya. "Yes, TGIF. With you. Here." He said using his deep and serious voice. "I'll go get some beer, make yourself at home." Anito at lumakad na papunta sa kusina ng unit niya.

Ibinaba ko yung bag ko sa couch niya bago ko siya sundan sa kusina niya. Umupo ako sa isang high chair doon sa bar ng kitchen. "So TGIF? With me?" Tanong ko at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa pisngi ko habang pinapanuod ko siyang kumuha ng mga bote ng alak sa fridge niya.

He nodded as he placed four bottles in front of me. Tapos ay pumunta ito ulit sa may fridge para kumuha ng dagdag pang alak. Mukhang mahaba-habang gabi ito, I said to myself.

May apat ulit siyang bote ng alak sa kamay niya but this time ay hindi niya iyon nilapag sa harap ko. "You wanna drink here, or gusto mo sa couch? Mas masarap uminom doon. Just saying." Anito at nginuso ang couch niya.

Kinuha ko ang apat na naunang bote na nilagay niya sa countertop. "Couch." Sagot ko sakanya at nauna na akong maglakad patungo doon.

Nang mailapag na namin ang mga bote ng alak sa lamesa ay tsaka kami nagsettle pareho. Umupo ako sa mahabang couch habang nasa pang-solo na couch naman si Adam. He opened two bottles, one of me, one for him. "So, your boyfriend..." He paused, I kept mum waiting for him to continue. "He, uhm, cheated on you?"

I nodded. "He cheated on me, again." Sinubukan kong ngumiti pero nag-init lang ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas. I drank the entire bottle right there and then. "Fuck." I hissed as I finished the entire bottle of beer.

Nakatitig lang siya sa akin habang umiinom ako, I know dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin. "Please, don't stare at me." I asked him. I wanna drink, pero hindi ako makakainom ng ayos kung tititigan niya ako na para bang nakakaawa ako or what. I don't need his pity, I need his beer, and I need to get drunk to forget all these even for just a few hours.

He didn't move, not one bit. Hindi niya inalis ang titig niya sa akin. "Adam, please. Hindi ako makakainom ng maayos kung tititigan mo lang ako buong gabi. I want to drink." I pleaded.

Nang mag-iwas siya ng tingin ay tsaka lang ako nakahinga ulit ng maluwag. "Sorry, iniisip ko lang, kung paano ka niya nagagawang lokohin, sa ganda mong 'yan." Sabi niya bago siya sumimsim sa bote ng alak niya.

Kumuha ulit ako ng isa pang bote ng alak at binuksan ko ito. "Cause he can't keep his junior to himself, that's why." I smiled, a bitter one.

Kung bakit ba naman kasi hindi magawang kontrolin ng mga lalaki yung lintek na libido nila?

"Eh, bakit binabalik-balikan mo parin? Eh, bakit gusto mo paring siya yung makatuluyan mo? I remember you saying that you want him to be your last. Why? If he cheated on you before, why do you still want him?" Iyon ata ang pinakamahabang sinabi ni Adam sa tagal naming magkakilala. Well, hindi naman masyadong matagal dahil mahigit isang buwan pa lang, but still.

Nag-umpisa ng magbagsakan yung mga luha ko. I tried wiping them pero walang silbi iyon. "Kasi mahal ko?" Tumawa ako, kasabay ng pagbagsak ng panibagong batch ng luha sa mata ko. "Siguro iniisip mo na ang tanga ko. Well, tama ka naman, tanga nga ako. Pero diba ganon naman talaga pag nagmamahal ka, nagpapakatanga ka?" Nabasag ang boses ko.

Love isn't blind. It sees but it doesn't mind. Alam ko na nagloloko siya, na nagkamali siya, na wala siyang pakialam kahit masaktan niya ako ng paulit-ulit dahil lang sa tawag ng laman niya, alam ko iyon.

Alam ko ding katangahan na paulit-ulit ko siyang pinapatawad at binibigyan ng isa pang pagkakataon. He probably don't deserve all the chances I gave him. But I love him. Iyon lang ang tanging rason ko. Mahal ko siya.

Napatingin ako kay Adam ng magsalita siya. "So you love him enough to give him all these chances, but you don't love yourself enough to walk away from him?" Napailing siya.

"I'm on my third beer now, ikaw hindi mo parin ubos yang isa mo." Iniba ko yung topic. Iniba ko yung topic dahil ayoko ng makarinig pa ng kahit ano mula kay Adam. Ayoko na dahil kahit anong pagtanggi ko sa sarili ko, alam kong tama siya.

I love Troy enough to give him all those chances, but I don't love myself enough to let him go.

Habang mas lumalalim ang gabi ay mas lumalalim ang usapan namin. Panay sa akin ang ikot ng pag-uusap namin, my childhood, my hobbies, practically everything about me except my relationship with Troy. At mabuti nalang din na hindi na inungkat ni Adam ulit iyon dahil gusto ko ngang makalimutan muna kahit saglit lang si Troy at ang mga kagaguhan niya. "Kaya mo pa?" He asked me.

I nodded as I emptied another bottle of beer. I lost count kung nakailang alak na kami. Adam has been going in and out of his kitchen para kumuha ng alak tuwing mauubusan kami. "I'm drunk, I know, but I'm fine. I can still drink a few more bottles." Sagot ko sakanya bago ako sumandal sa balikat niya.

Lumipat na siya kanina sa tabi ko dahil nakagaanan na naman namin ang loob ng isa't isa. Tumawa siya at inalalayan ang ulo ko sa balikat niya. "No, you're off to bed." Anito.

I shook my head. "Gusto ko pang uminom. Kaya ko pa, wait tignan mo." Sabi ko at sinubukan kong tumayo pero agad din akong bumagsak pero mabilis akong nasalo ni Adam.

"Shit, Miracle." I heard him say nang masalo niya ako.

Napatawa ako sa reaksyon ni Adam. "Oops. Chill." Sabi ko at hinampas ko ng mahinang mahina ang pisngi niya. "Ang gwapo mo pala talaga, noh? No wonder maraming nagkakacrush sayo sa office." I said out of nowhere.

Napapikit ako ng bigla akong buhatin ni Adam. "Bed time." Narinig kong sabi niya. Isinandal ko yung ulo ko sa dibdib ni Adam dahil antok na antok narin talaga ako.

Umiling ako kahit na halos makatulog na ako habang buhat buhat niya ako. "Inom pa tayo, please." Sabi ko.

Mas idiniin pa niya ako sa katawan niya. "Hindi. Matutulog ka na." Firm niyang sabi.

Nang nakahiga na ako sa kama ay tsaka lang ako nagmulat ng mata. Everything was blurry at first pero nang luminaw ang paningin ko ay hindi si Adam ang nakita ko. I saw Troy, his eyes looking straight into my eyes down to my lips. Nakaupo siya sa kama at napirmi ang mga tingin niya sa labi ko. "Kiss me. Please." I whispered.

"Miracle."

"Just kiss me, please."

He leaned in. And then I felt it, I felt his lips against mine. I felt Troy's lips against mine. Pero may iba. There's something different about this kiss but I guess I'm just too drunk to notice what it is.

Or the kiss was just too good for me to notice what's wrong.

"I love you, Troy." Sabi ko sakanya bago maging blanko ang lahat.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now