Chapter 25 - Time

11.4K 417 69
                                    

#ASAwp
Chapter 25 - Time

Warning: SPG!!!

Lumabas ako sa terrace ng place na tutuluyan namin. I could wake up to this view everyday for the rest of my life, I thought to myself. Sandali pa akong nagstay sa terrace para mamangha sa ganda ng lugar bago ako magpasya na ayusin na ang mga gamit ko.

Isa isa kong inilabas ang mga gamit ko galing sa maleta na dala ko. "Ako na dyan, love." Nilingon ko si Adam ng bigla niyang kuhanin ang mga damit na nasa kamay ko.

I smiled. "Ako na, kaya ko naman na 'to. Ano sabi sa reception?" Sabi ko. Kakagaling lang kasi niya sa baba dahil nagkaproblema ata sa pagpapareserve namin ng rooms. Sabi namin ay tatlo kaming magchecheck-in for this room, so for 3 din dapat yung breakfast, lunch and dinner buffet namin. And unfortunately, for two lang daw ang nakalagay system nila.

He grabbed a few of my clothes in my luggage. "Okay na daw. Nailagay na si Trina din sa breakfast, lunch and dinner buffet." Anito at nilagay ang mga ito sa cabinet.

"Sobrang ganda magpicture sa baba guys! Kailangan natin makadami ng magandang pictures pang instagram!" Pasigaw na bungad ni Trina pagpasok na pagpasok niya ng room.

Napatawa ako at napailing. "Di ko talaga magets kung bakit effort na effort ka magayos ng feed mo sa Instagram. May contest ba yan? May award ba pag maganda feed mo?" Natatawang sabi ko dito.

Sumimangot siya bago umupo sa kama niya. "Nakakatuwa kaya tignan yung feed mo pag maayos! Parang feeling ko ang ayos din ng buhay ko ganon." Pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Parang lang. Eh kung sinasagot mo na yung si Marco, edi totoong maayos na sana." Panunuya ni Adam sakanya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Trina kaya hindi ko napigil ang tawa ko. "Sorry sorry." Sabi ko ng samaan niya ako ng tingin.

Kumuha siya ng unan at hinagis niya iyon sa amin. Tatama na sana sa mukha ko ng saluhin iyon ni Adam. "Alam niyo kayong dalawa na talaga ang pinakabully na couple." Sabi ni Trina.

Ngumisi ako at kinuha ang unan mula kay Adam. "Bakit ba kasi ayaw mo pa sagutin si Marco?" Sabi ko bago ihagis pabalik ang unan kay Trina.

I saw Adam put my luggage down. Ang alaga talaga ng boyfriend kong 'to. Napangisi ako sa naisip.

Yes, boyfriend.

It's funny how my life turned a 360 in just a year and few months. Ang bilis bilis ng panahon na tila ba kahapon lang nangyari yung gulo between me, Adam and Troy.

I have to admit that the first couple of months was hard. I tried to live up with everything that happened between us three. The cheating, the confrontation, the ring, Troy leaving, everything.

It was hard. Lalo na nung sinabi sa akin ni Troy na aalis siya. He said he wanted to get as far away from me as possible for him to heal. And, it pained me knowing that I am the reason why he has to leave, but I can't really blame him. Nasaktan ko siya. I would do the same if it was me.

Eventually my life started falling back together. Time heals all wounds, indeed.

A few months after Troy left, Adam asked me formally to be his girlfriend. Sabi niya, he just waited until our timing was finally right. So I said yes. Because yes, our timing was indeed right. And the rest was history.

"Di pa nga ako ready guys. I like being free, di pa ko ready magpasakal like you." Ani Trina sabay irap sa akin.

Kahit nagalit sa akin si Trina dahil sa panlolokong ginawa ko dati, ay hindi niya naman hinadlangan ang relationship namin ni Adam. In fact, masaya ito para sa akin dahil nakahanap daw ako ng lalaki na mamahalin ako ng buong buo. Kahit mali ang naging umpisa namin ay naghintay ito, at nagtyaga hanggang sa maging tama na ang oras namin.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now