Chapter 4 - Condo Unit

9.4K 389 44
                                    

#ASAwp
Chapter 4 - Condo Unit

Fr: Engineer
Hi, baby. I miss you down there. I can't wait to see you tomorrow, my weekend habit. I love you.

Paulit-ulit kong binasa yung text na pumasok sa phone ni Troy hanggang sa hindi ko na ito mabasa dahil sa mga luha ko. I stayed there, sitting in his bed, letting it all in.

Fuck!

Akala ko okay na kami, akala ko masaya na kami, akala ko finally seryoso na siya sa hindi na mauulit niyang linya.

Dati naniniwala ako sa kasabihang once a cheater, always a cheater, but then I fell in love with him.

I was foolishly in love with him. Kaya noong unang beses niya akong niloko ay hindi ko siya nagawang iwan. Kasi sabi niya hindi na mauulit. Kasi sabi niya nagsisisi na siya. Kasi sabi niya natuto na siya. Kasi sabi niya isang malaking pagkakamali daw yun at iyon na ang huling beses na magloloko siya. Kasi sabi niya hindi niya daw kayang mawala ako sa buhay niya.

He said all the wonderful things, and that is the reason why I stayed. But I wish I didn't.

I wish I didn't stay because every single time na magloloko siya ay alam na niyang papatawarin ko siya. I forgave him once, and again, and another one. He knows I'll always forgive him because I am fucking inlove with him.

Really, Mira? In love, parin? After everything? Di ka ba nagsasawa? Di ka ba napapagod sa mga kasinungalingan niya?

"Special popcorn for my--" Nagulat ako ng biglang pumasok si Troy. I wiped my tears away. Lumapit siya agad sakin, inilapag ang bowl ng popcorn sa lamesa at pinaharap ako sakanya. He cupped my face with his hands. "Hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Aniya.

I looked straight into his eyes. He was concerned, or atleast iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at agad akong tumayo.

"Babe?" He asked me as I stood there in the other side of the room.

I shook my head. "My weekend habit? Really?" Nabasag ang boses ko. Fuck, Mira. Stop crying, damn it!

Agad na nanlaki ang mata niya sa tinuran ko. Yes, darling, I know. Alam ko na nagloloko ka ulit. I wanted to say but I kept mum. "Let me explain." Aniya. Agad siyang tumayo at humakbang palapit sakin pero humakbang ako palayo.

Nagmamakaawa ang mga mata niya sa paraan ng pagtitig niya sa akin. But I know that look already. Kabisado ko na iyan. Every time malalaman ko yung pagloloko niya ay ipapakita niya yang expression niya na yan. Then he would explain, he would say he's sorry, and that he won't do it again.

"Babe please. Please let me explain, it's not what you think it is." Iiling-iling niyang sabi bago humakbang palapit ulit pero humakbang lang din ako ulit palayo.

I kept my straight face on. "Hi, baby? I miss you down there?" Umiling ako. "Really, Troy? Tapos sasabihin mo it's not what I think it is? She misses you down fucking there!" Napalakas ang boses ko pero wala na akong paki.

May tumulong luha mula sa mata niya pero hindi ko iyon pinansin. "Ano sasabihin mo na naman nagkamali ka, na hindi na mauulit, na di mo ako kayang mawala sa buhay ko? Fuck! Ganoon ba talaga kababa ang tingin mo sakin para paulit-ulit mo kong lokohin?" Tuloy tuloy kong sabi.

Umiling siya habang patuloy ang pagragasa ng luha mula sa mata niya. "Hindi, hindi ganon, Mira. I love you." Anito.

"Bullshit!" I groaned. "You love me? So mahal mo ko pero nakikipagsex sa iba? Kasi ano, tawag na naman ng laman? Kasi hindi pa ko pumapayag na gawin natin iyon? Nasaan don ang pagmamahal na sinasabi mo?" I hissed at him.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now