Chapter 17 - Jealous

10.1K 415 71
                                    

#ASAwp
Chapter 17 - Jealous

"Ang tagal niyo naman kumain!" Salubong ni Tine at Lou sa amin ni Adam pagbukas na pagbukas ng elevator.

Napakunot ako paglabas ko ng elevator. "Inabangan niyo talaga kami? Bakit ano meron?" Tanong ko dito dahil parang pareho silang naiihi na ewan na hindi mapakali. Did something happen?

Tine stomped her feet. "Kanina pa kayo hinahanap ni Miss Rica! May emergency meeting daw." Aligagang sabi nito.

Mabilis naman akong hinila ni Lou. "Bakit ba kasi hindi kayo pareho sumasagot ng phone? 30 minutes na atang paulit-ulit na nagtatanong si Miss Rica samin! Natataranta na kami sa tagal niyo." Sabi naman ni Lou.

Agad akong kinabahan. 30 minutes?! Oh fuck! Isa pa naman sa ayaw ni Miss Rica ay iyong nahuhuli sa meeting. Pero hindi naman kasi namin alam na bigla bigla siyang magseset ng meeting. Patungkol kaya saan yung emergency meeting na iyon?

"Emergency meeting?" Tanong ni Adam sa likod namin.

Nilingon naming tatlo si Adam dahil parang wala man lang sense or urgency ang tono ng pananalita nito. Parang bigla kong gustong hatakin ang mga labi ni Adam. Ang lapad ng ngiti niya! What the hell is wrong with this guy?

Kanina ay sumigaw ito ng malakas sa resto, at mula noon ay hindi na naalis yung malawak niyang ngiti. I told him to stop freaking smiling pero mas lalo lang lumapad ang ngiti niya nang sabihan ko siya kanina.

Lumapit si Tine kay Adam at nagulat ako ng hawakan nito ang pisngi ni Adam. I literally froze. Gusto kong sumigaw para sabihing wala siyang karapatan hawakan si Adam, pero naisip ko, wala din naman akong karapatan pagbawalan siya.

We're basically in a no strings attached commitment, Adam and I. I can't call him mine and I can't own him, because I'm still committed to Troy. Because I still have all my strings attached to Troy.

"Gosh! Sobrang mas gwapo ka pala pag nakangiti ka ng ganyan." Tine said in awe.

Tumawa si Adam at inilayo ang mukha niya mula sa pagkakahawak ni Tine. "May magseselos." Anito at nilagpasan na kami. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung pasimple niyang pagkindat sa akin.

Nakita kong napanganga si Tine sa inasal ni Adam. "Magseselos? Sino yung girlfriend niya? Paano naman magseselos yun? Hindi naman niya nakita! May spy ba yung girlfriend niya dito sa office, ha?" Inis na sabi nito bago magmartsa patungo sa cube niya.

Tumawa si Lou at sabay na kami naglakad papunta sa mga cube namin. "Mahal na mahal naman ata masyado ni Adam yung girlfriend niya. Miski magpahawak ayaw?" Tawang tawang sabi nito. Gusto kong maubo sa sinabi niya.

Kung alam niyo lang.

"Tara na, sa Tarlac na tayo!" Agad na sabi ng isang kateam namin ng makarating kami sa kanya kanya naming cube.

Akmang kukuhanin ni Adam ang laptop ko ng pigilan ko siya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Kaya ko na." Sabi ko at bahagya siyang sinenyasan na baka may makakita.

Halos mapuno ang conference room dahil pati pala ang kabilang team na under sa product na hinahandle namin ay nandito. Siguro ay mahigit 20 katao kaming nasa conference room ng mga oras na iyon.

Nang magumpisa na ang meeting ay tahimik kaming lahat. Mukha kasing seryoso ang pag-uusapan namin para sa meeting na ito dahil mukhang seryoso ang aura ni Miss Rica at ng iba pang team leads na nandito ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napuno na ng ingay ang loob ng Tarlac conference room. Samu't saring ingay ang maririnig dahil lahat ay excited para sa team building na gaganapin daw next week. Iyon pala ang dahilan kaya nagpatawag ng urgent meeting itong mga team leads.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now