Epilogue

102K 1.8K 257
                                    

EPILOGUE

TRISHA

                "Bakit ang tagal mo?" Banayad na angil sa akin ni Jared sabay hablot ng bitbit kong knapsack. "Ginawa na akong hapunan ng mga lamok dito."

                "Bakit naman kasi ang aga mo? Ang usapan natin mamaya pang alas dose. Hindi ka rin excited?" Ganting angil ko sa kanya. Alas diyes pa lang nang tumawag siya. Kasalukuyan akong nagliligo noon. Sa pagmamadali ay hindi ko tuloy napunasan ng maigi ang buhok na hanggang ngayon ay tumutulo pa. Kung anu-ano na lang din ang mga damit na inempake ko sa bag.

                "Ano ba ang laman ng bag mo? Ang bigat-bigat naman," reklamo niya ulit.

                "Kung nabibigatan ka, huwag mong bitbitin. Nakakainis ka na. Ang dami mong reklamo!" Babawiin ko na sana ang bag ngunit mabilis niyang iniiwas sa akin.

                "Nagtatanong lang naman ako."

                "Ano ba ang pinagtatalunan ninyong dalawa?" Bigla na lang sumulpot si Nanay Ising kung saan ako nanggaling kanina. "Malayo pa lang ay naririnig ko na ang mga boses ninyo. Baka may ibang makakita sa inyo rito at mapurnada pa ang lakad ninyo."

                Inirapan ko lang si Jared. Parang gusto ko na tuloy magback-out. Nakakabadtrip kaya! Kung ako ang masusunod hindi ko gugustuhin na magtanan kami. Siya lang naman ang may idea nito. Bigla na lang siyang nagpanic nang malaman niyang hindi pumayag si Daddy na hindi ako matuloy mag-aral sa Australia. Inisip agad niya na baka paghiwalayin kaming dalawa. Syempre, dahil mahal ko siya, sinuportahan ko na lang kung ano ang kanyang plano. Besides, hindi ko rin naman siya kayang tiisin.

                "Pate, naiwan mo itong cellphone mo sa kuwarto. Mabuti na lang at naabutan ko pa kayo." Iniabot iyon sa akin ni Nanay Ising. Bigla tuloy akong napaisip. Baka may mga gamit pa ako na nakalimutan kong bitbitin.

                "Pate, umalis na tayo at baka maabutan pa tayo ng daddy mo.."

                "Tama si Jared. Umalis na kayo agad. Gising pa si Patrick nang madaanan ko siya sa study room. Baka bigla kang hanapin ng daddy mo."

                "Nanay Ising, kaya na po ang bahala kina Mommy at Daddy. May iniwan akong sulat para sa kanila."

                "Huwag kang mag-alala, anak. Maiintindihan ka ng mga magulang mo."

                Niyakap ko ng mahigit si Nanay Ising at mabigat ang loob na bumitiw. Parang hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Siguradong matatagalan bago kami ulit kami magkita.

                "Mauna na po kami. Salamat ulit, Nay." Hinila na ako ni Jared sa puno na madalas kong akyatin.

                "Mauna ka ng umakyat para maalalayan kita," sabi ko sa kanya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now