Chapter Eight: Rescue Her

124K 1.6K 62
                                    

Chapter Seven: Rescue Her

<Trisha POV>

"Trish, nakakarami ka na. Baka magulat na lang ako at bigla kang bumulagta dyan sa sahig."

Doon lamang ako nag-angat ng mukha. "I know my capacity, Boni. Don't worry, mataas ang alcohol content ko."

"The last time na uminom ka dito sa bar ko, ganyan din ang sinabi mo sa akin. Pero anong nangyari? Halos halikan mo na ang semento sa sobrang kalasingan mo. And worst, pinagbuhat mo pa ako. Akala mo ba magaan ka?"

Ngumisi lang ako. Ang totoo hindi ko na maalala ang tungkol doon. And besides, alam ko naman na hindi niya ako pababayaan. Boni was my classmate way back in High School and he is also a good friend of mine. Kaya nga nagkaroon ako ng lakas ng loob na yayain siya na magpakasal kaming dalawa. Iyon na lang kasi ang naisip kong paraan para matakasan ko ang kinasusuklamang kasunduan. 

Akala siguro ni Boni ay nagbibiro lang ako. Tinawanan niya lang ako na para bang nakakatawa talaga ang sinabi ko. Pero bigla rin siyang humirit. Kung babayaran ko raw siya ng one million ay baka sakaling pumayag siya sa gusto ko. Saan naman ako kukuha ng ganong kalaking halaga?

"Boni... sige na!"

Ngunit tila wala siyang narinig at tinalikuran ako sabay alis. Nanlulumo na isinubsob ko ang mukha ko sa ibabaw ng counter. 

Kung manghila na lang kaya ako ng kahit na sinong lalaki rito sa loob ng bar at yayain kong magpakasal? Pero sino naman ang matinong lalaki ang papayag sa gusto ko?

Hayst! Option number one... failed!

Nagulat na lang ako nang may biglang umagaw sa hawak kong baso. "What the hell are you doing here?"

Napatuwid ako ng upo at mabilis na lumingon. Awtomatikong sumimangot ako.

"Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka naman mahilig magpunta sa ganitong lugar?"

"T-they organized my birthday party here." Sagot ni Mark na napakamot pa ng ulo.

Birthday niya ngayon? Anong petsa na ba? Sa dami ng kinaharap kong problema kaya siguro nakalimutan ko ang tungkol doon. Pero may party pala siya, hindi man lang nag-abala na mang-imbita! Wala na talaga akong halaga para sa kanya.

"Now, tell me young lady what are you-" Napahinto si Mark sa pagsasalita at hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon. "Where do you get that?" Ang tinutukoy niya ay ang sugat sa labi ko. "Huwag mong sabihin na nakipagbasag-ulo ka na naman?"

Ngunit imbes na sagutin siya ay iniiwas ko sa kanya ang mukha. Halos nakalimutan ko na nga ang tungkol doon, pinaalala pa niya.

Nagkaroon kami ng matinding pagtatalo ni Daddy kanina. Pinal na ang desisyon niya na ipagkasundo ako sa Monreal na iyon bilang kapalit ni Ate Pamela at hindi na mababago iyon. But knowing me, hindi ako magpapatalo sa kanya. Pero aminado naman ako na lumagpas ako sa limitasyon ko. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung napagbuhatan niya ako ng kamay. Iyon ang unang pagkakataon na sinaktan ako ni Daddy ng  pisikal. Masakit dahil pumutok ang labi ko. Pero mas masakit pala ang naidulot nun sa akin emotionally. 

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon