Chapter Four: The Heartbreaker

133K 1.9K 89
                                    

Remind ko lang po kayo na ni-revised ko ang NTIFIL magmula chapter three hanggang eight. May ilang mga scenes at event lang akong binago para sa ikakaganda ng story. Sana ay magkaroon kayo ng time na basahin ulit ito para maka-relate kayo sa flow ng story ni Jared. Yun lang!

Enjoy reading...

Chapter Three: The Heartbreaker

<Jared POV>

"I hate you!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa guwapo kong mukha bago pa ako makaiwas. Kung sabagay inaasahan ko na iyon ang magiging reaksyon niya pagkatapos ng mga sinabi ko.

"Makarma ka sana!" Singhal pa nito sabay tayo. Binitbit niya ang bag at madilim ang mukha na lumabas ng restaurant.

Nangingiti na napailing na lamang ako habang hinihimas ang nasaktan na pisngi. Ito na yata ang pang-apat na beses na nasampal ako. And for the record, nangyari lang ito sa iisang araw. Muli kong sinulyapan ang pintuan na nilabasan ni Janine. Sa mga oras na ito, marahil ay sinusumpa na niya ako. Pero mas mabuti na rin na maging honest ako sa kanila kaysa naman paasahin ko sila sa wala.

One more to go at matatapos na rin ang misyon ko. Ngayon ako nagsisisi kung bakit pinagsabay-sabay ko pa silang lima. Hindi sana ako mahihirapan ng ganito kung hindi dahil sa kalokohan ko. 

Anong magagawa ko kung talagang lapitin ako ng mga babae? 

Haist! Ang hirap talagang maging guwapo!

Pero bago pa man ako makipagrelasyon sa kanila, sa umpisa pa lang ay alam na nila na hindi ako ang tipo na one-timer. At pumapayag naman sila sa ganitong set-up. Yun nga lang, kapag dumating na yung time na ayoko na at gusto kong tapusin ang isang relasyon, hindi maaari na hindi sila gagawa ng eksena katulad ng nangyari kani-kanina lang. At kung minsan ay mas malala pa.

Riley was right! Darating ang panahon na kailangan kong magpakatino at magseryoso. And I think this is the right time. I'm getting married very soon.  Although its not yet official, siguradong doon din naman mauuwi ang engagement namin ni Pamela. 

But I'm not doing this because I'm in love wiht her... I'm doing this for my future. Kahit ganito ako kapalikero, wala naman akong balak maging ganito habang buhay. And who knows? Baka matutuhan ko ring mahalin si Pamela and live happily ever after with our kids.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Margaret na pumasok ng entrance. Too beautiful and sophisticated. She was so poised habang naglalakad patungo sa kinaroronan ko. 

"I miss you baby." Yumuko siya at binigyan ako ng banayad na halik na hindi ko matanggihan. "So, what is the important thing that you want to tell me personally?"

"I'm engaged, Margaret." Walang pasakalye na sagot ko.

"With whom?" Kumunot ang kanyang magandang noo. Ngunit nakita kong kumislap ang kanyang mga mata sa pag-aakala na siya ang tinutukoy ko.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon