Chapter Twenty One: Unexpected Confession

97.9K 1.7K 122
                                    

Chapter Twenty: Unexpected Confession

<Trisha POV>

"Turn around, Trisha!" Utos ni Mommy sa akin. At napipilitan na sumunod ako.

"Turn around again!" Utos naman ng mommy ni Jared. Umikot ulit ako while rolling my eyes. 

"Olivia, I think the last one is better than this."

"For me Elvira, this is the best. Its simple but elegant."

Ito na ang panlabindalawang beses na nag-fit ako ng wedding gown. Nahihilo na nga ako sa kakaikot sa harapan nila. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkasundo. Palagi na lang magkaiba ang mga gusto at taste nila. And I'm so bored. Kanina ko pa gustong tumakas pero hindi naman ako makawala sa kanila.

Hindi ko akalain na maiisahan ako ni Mommy. Kanina bago ako umalis ng bahay ay tinawagan niya ako. Naiwan niya raw ung pouch niya sa sala set at inutusan niya ako na dalhin iyon sa boutique na kinaroroonan niya. Pagdating ko ay naroon din ang mommy ni Jared. At wala akong nagawa nang hilahin nila ako sa fitting room at sapilitan na pinasuot sa akin ang mga sample gown. Sigurado akong nagsabwatan na naman silang dalawa.

"What do you think, Trisha?" Tanong sa akin ni Mommy pagkaraan.

"Which one do you prefer?" Si Tita Olivia.

Sumimangot lang ako. Anuman ang sasabihin ko ay siguradong pagtatalunan din nila. 

"Mam' we have two more gown to fit. Do you want to try them?" Sabat ng babaeng nag-a-assist sa akin. 

"Oh really? We want to see them!" Excited na sagot ng dalawa, with spakle in their eyes.

Tinignan ko tuloy ng masama ang babaeng assistant. Pahamak naman ito!

"Hey! What's going on here?" Bigla na lang sumulpot si Jared sa boutique. "Whoa!" Napahinto siya nang makita niya ako. His eyes widened and his jaw dropped. 

"Jayjay why are you here?" Sinugod ni Tita Olivia ang anak. "Hindi ka dapat nagpunta rito?"

"Oh my god! Hindi mo pwedeng makita si Trisha in her gown. Not now!" Eksaherada na sabi ni Mommy na hinarangan nito ang paningin ng binata. 

"Oo nga! Baka hindi matuloy ang kasal ninyo. Iyon ang pamahiin!"

Pinigilan kong matawa. They're acting weird again. At habang abala sila sa pagpigil kay Jared ay sinamantala ko ang pagkakataon na makapuslit sa fitting room.

"Ma, I just want to see my bride!"

"No! Get out of here now, Jayjay! Huwag matigas ang ulo." Patuloy pa rin si Tita Olivia sa pagpapaalis sa makulit nitong anak.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now