Chapter Twenty Seven: Forgotten

82.8K 1.5K 93
                                    

Chapter Twenty Seven: Forgotten

JARED

                Pagkatapos kong mapirmahan ang mga papeles ay agad kong inabot iyon kay Lannie. Tumayo na ako at kinuha ang aking bag.

                "Aalis kayo, Sir?" Nagtatakang tanong ng EA. "The board meeting will start in five minutes."

                Inilagay ko ang hintuturo sa tapat ng aking bibig. "A-absent muna ako. Hinihintay na ako ng ka-date ko."

                Nangingiti na tumango na lang si Adrian. "Kayo po ang bahala." Kinuha niya ang pinabili kong mga bulaklak kanina at inaabot sa akin.

                "Thanks." Nagmamadali akong lumabas ng opisina bago pa mapurnada ang lakad ko.

                "Where do think you're going?"

                Napahinto ako nang marinig ang boses ni Papa. Patay!

                "Pupuntahan mo na naman siya?"

                "Yes," sagot ko at pumihit paharap sa kanya. "At hindi ninyo ako mapipigilan." Dahil kung pipilitin niya akong um-attend nang board meeting, siguradong magtatalo lang kaming mag-ama.

                But to my surprised, tinapik ako ni Papa sa balikat. "Send my regards to Patrick and Elvira," he said as he walked away.

                Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin. Nang hindi matuloy ang kasal namin ni Pate ay naputol ang ugnayan ng pamilya ko sa mga Alejos. Tuluyang hindi natuloy ang merging ng dalawang kumpanya. Bukod doon ay nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ni Papa at Tito Patrick na naging dahilan ng hindi nila pag-uusap hanggang sa mga panahog ito.

                "Sorry, I'm late." Bungad ko nang maabutan sa loob ng silid ang mag-asawang Alejo.

                "Jared, akala ko ay hindi na makakapunta," nakangiti na sinalubong ako ni Tita Elvie at kinuha mula sa akin ang bitbit kong mga bulaklak. "Kumain ka na ba?"

                Tumango ako. "Kumain na po ako bago magpunta rito," sabi ko na sinulyapan si Tito Patrick na bahagya lamang akong tinanguan.

                "Ang totoo ay kanina ka pa namin hinihintay," si Tita Elvie ulit. "May importante kaming lakad ng Tito mo at hindi namin siya maiwanan."

                "Ako na po ang magbabantay sa kanya," mabilis kong sagot. Iyon naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako araw-araw na naroon.

                "Thank you, dear." Pagkatapos ay niyaya ni Tita Elvie ang asawa na umalis. Palabas na sila nang bigla akong akbayan ni Tito Patrick. "Thanks for being there for her after what she did. We owe you a lot."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now