Chapter Eleven: Dedma

117K 1.6K 95
                                    

Chapter Eleven: Dedma

TRISHA

                "Good morning Mrs. Monreal!"

                Sunud-sunod na pagbati ang bumungad sa amin simula ng dumating kami. Nagkibit balikat lang ako at dire-diretso sa paglalakad. Lahat ng madaanan ko ay nakasunod ang tingin sa akin. Marami ang namangha at nagkataka sa biglang pagdating ko. At halos lahat ng atensyon ng mga naroon ay sa akin nakatutok.

                "Sino siya?"

                "Kamag-anak ba siya ni Boss?"

                "Baka bagong empleyado."

                "Maganda sana siya kaya lang mukhang suplada. Parang ayaw niyang ngumiti."

                Awtomatikong umangat ang kilay ko. And so? Bawal ba ang nakasimangot sa opisina nila?

                "Are you okay, Iha?" Tanong sa akin ni Mrs. Monreal.

                Pilit akong ngumiti. Siya ang dahilan kung bakit ako sa nasa lugar na iyon. Nanahimik ako sa bahay at nasa kasarapan ng pagtulog nang bigla na lang siyang dumating. Ang sabi niya noong una ay magpapasama raw siya sa akin mag-malling. Gusto raw kasi niya akong makilala ng lubusan. Pero hindi ko akalain na dito lang pala niya ako dadalhin para lamang makita ang kanyang unico hijo. Now I know, this is a set-up!

                "M-mam?" Isang babaeng empleyado ang sumalubong sa amin.

                "Is my son there?"

                "O-opo!" Nakakapagtaka ang pagkataranta niya. Pero tuluy-tuloy si Mrs. Monreal sa pintuan at binuksan iyon. Napamulagat kami sa nadatnan.

               

                Kaya pala hindi mapakali ang sekretarya dahil may babaeng bisita ang kanyang boss. And take note, nakaupo pa ang bisita sa kandungan niya.

                "Jayjay, what is the meaning of this?" Halos dumagundong ang boses ni Mrs. Monreal sa buong silid.

                Jayjay? Muntikan na akong mapabungingis. Mama's boy na mama's boy ang pangalan.

                Natataranta naman na tumayo si Jared na halatang nagulat sa pagsulpot namin. "M-ma? What are you doing here?" At lumipad ang tingin niya sa akin.

                "Who is she? Kailan ka pa nagdala ng babae mo rito sa opisina?"

                "My name is Margaret, Mam. And I'm his girlfriend," matapang na sagot ng babae. I like her confidence. And her poise, panalong-panalo.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now