Chapter Sixteen: Girl In The Shore

108K 1.6K 91
                                    

Chapter Sixteen: Girl In The Shore

JARED

"Are you alright, Jared?"

Mabilis akong nag-angat ng paningin upang makita na sa akin nakatingin ang lahat ng naroon sa conference table.

"Kanina pa nagsimula ang meeting. And its seemed you're not in yourself, son."

"I'm sorry, Pa. I'm not feeling well today," pagsisinungaling ko. Hindi ko magawang makapag-concentrate at kanina pa lumilipad ang isip ko.

Nagdududa na tinignan ako ni Papa. "You are excuse to step out of the room kung hindi talaga mabuti ang pakiramdam mo," wika niya na parang nagtaboy lang ng batang paslit.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng conference room. Pagkatapos ay dinukot ko ang cellphone sa bulsa at mabilis na nag-dial ng number.

"Come on, answer the phone."

Tatlong araw na ang nakakaraan nang iwanan ko si Pate sa beach house. At sa tatlong araw na iyon ay patuloy akong tumatawag sa cellphone niya ngunit hindi naman niya ako sinasagot. Nakaramdam ako ng pagkainis. May palagay ako na talagang sinasadya niyang hindi sagutin ang mga tawag ko.

"Aileen, cancel all my appointment for today," mabilis utos ko nang madanaan ang kanyang table at tuluy-tuloy na pumasok ng opisina. Pagkaraan ay lumabas din ako bitbit ang aking bag.

"Sir, saan po kayo pupunta?" Hinarangan niya ang daraanan ko. "Baka hanapin po kayo ng Papa ninyo."

Ngumiti ako. "Pakisabi na lang na mag-a-out of town ako."

"P-pero Sir..."

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ako patungo ng elevator.

Pagdating ko sa beach house ay kaagad kong hinanap si Pate. Ang sabi ni Aling Lydia ay naroon raw siya sa kanyang kuwarto at natutulog. Nasanay na raw kasi ang mga ito na tanghali na lumalabas ng silid niya ang dalaga. Ngunit hindi ko naman siya nadatnan doon. Bakante ang magulong kama na hindi man lang niya pinagkaabalahang ligpitin.

Nakita ko sa side table ang kanyang cellphone at dinampot iyon. At hindi na ako nagulat nang makita na mayroon siyang mahigit limangpung missed call at text messages. Mukhang hindi lang ako ang binabalewala niya. Bigla akong napalingon sa veranda nang maramdaman ang malamig na hangin na pumasok sa loob ng kuwarto. Nakabukas pala ang glass door. Lumapit ako para sana isara iyon nang may mahagip ang mga mata ko sa ibaba.

Naroon na naman si Pate sa tabing dagat kung saan ko siya huling nakita. Nakaharap siya sa karagatan at malayo ang kanyang tingin. Sa tuwing makikita ko siya na naroon ay isa lang ang naaalala ko. Alam kong imposible pero hindi ko maiwasan na isipin na maaaring iisa lamang sila.

"Nandyan na naman pala siya."

Pusang gala! Halos mapalundag ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Mang Ambo sa tabi ko.

"Papatayin n'yo ba ako sa gulat?"

Napakamot siya ng ulo. "Pasensya na, Sir. Hindi ko sinasadya," nangingiti na muli niyang sinulyapan si Pate. "Alam n'yo ba noon unang araw niya ay tinakot din ako ng batang iyan? Buong akala ko ay siya ang multong nagpapakita rito. Muntikan na akong mapatakbo sa sobrang takot. May pagkakahawig kasi sila. At saka doon pa siya nakatayo kung saan madalas magpakita ang multo. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Lydia na si Pate nga iyon ay hindi ako maniniwala."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now