Special Chapter:

109K 2.6K 327
                                    

Dahil na rin sa mga makukulit kong frenship na halos araw-araw nang pinupuno ang message box kaya ako napilitan na gawin ito. (Napilitan talaga? hehe..) Pagbibigyan ko sila dahil magnew-new year na naman. At saka na-miss ko rin sina Jared at Patte. Lalo na si Papa Jared ^______^

Special chapter lang po ito at hindi na po magkakaroon ng part 2. Tapos na po talaga ang story nila. Pero promise ko na minsan ay e-extra din silang dalawa sa story ni Vince para naman malaman ninyo ang development sa kanilang buhay mag-asawa.

Once again, here is Jared and Patte's love story.

Special Chapter:

<Jared POV>

Kanina pa hindi maipinta ang pagmumukha ko. Badtrip! Lahat na lang yata ng kamalasan ay nasalo ko. Magmula nang umalis kami ni Patte ay wala ng nangyaring maganda sa akin.

"I bought you a drink." Inaabot sa akin ni Patte ang hawak nitong cup ng softdrink. 

"No thanks!" At nag-iwas ako ng tingin. "Bakit ang tagal mo?"

"Ang haba ng pila sa restroom. At saka nahirapan akong maghanap ng mabibilhan ng napkin."

Isa pa iyon sa pinagsisintir ng kalooban ko. Paano naman ako makakaiskor sa kanya kung "meron" pala siya? Sa pangalawang pagkakataon bigo na naman ang plano ko.

"What's with that face?" Nangingiti na tanong niya.

I ignored her and looked the other way. Wala ako sa mood na makipagkulitan sa kanya.

"Sungit! Meron ka rin ba?" Nanunukso na sinundot-sundot pa niya ng daliri ang pisngi ko.

"Patte!" Saway ko sa kanya. At saka pinihit ang ignition ng kotse.

Sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko at pilit na iniharap sa kanya. "Huwag ka nang magtampo. Promise babawi ako sayo sa susunod." At paulit-ulit niya akong hinalikan sa mga labi. At sa isang iglap ay nagbago ang mood ko.

"Don't worry. We can make it together. No one can seperate us." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Patte bago kami pumasok ng bahay nila. Naihanda ko na rin ang sarili ko sa pagharap sa mga magulang niya. At kahit anong mangyari ay hindi ko isusuko si Patte. Lalo na ngayon na kasal na kaming dalawa.

"Ready?" Tanong ko sa kanya bago ko pihitin ang doorknob.

"Ready." Sagot niya na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napamulagat kami ni Patte sa nadatnan sa loob ng bahay nila.

"Surprise!"

At may mga confetti pa na lumilipad sa paligid.

Nagtataka na nagkatinginan kaming dalawa ni Patte. May party?

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now