Chapter Twenty Three: What if?

93.9K 1.5K 81
                                    

Chapter Twenty Two: What if?

<Trisha POV> 

"Hi!" Bati ko nang sumungaw sa pinto. Kasalukuyang nakayuko si Jared sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa nito nang dumating ako. Saka lamang siya nag-angat ng mukha nang marinig ang boses ko.

"Sweetheart!"

Napangiwi ako. Parang hindi yata maganda sa pandinig ko ang endearment na ginamit niya sa akin.

Nakangiting tumayo si Jared at lumapit. He raised his hand and pulled me closer. Nakulong akong bigla sa mga bisig niya.

"Babatiin mo lang ba ako ng hi'?" He said pouting his lips. "Don't girlfriends kissed their boyfriends when they come to his office unannounced?"

At bago pa maglanding sa akin ang mahaba niyang nguso ay nasalo na iyon ng palad ko. "I'm not your girlfriend!" I snapped. Wala man lang pasakalye. Kiss agad-agad!

Sumimangot si Jared. "Naman, Patte! Kiss lang ipagdaramot mo pa? Tiniis kong hindi ka makita dahil ayaw mong maistorbo kapag nagtatrabaho ka sa talyer. Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin iyon? Tapos ako hindi mo man lang mapagbigyan!"

Aba! Nangonsyensya pa ang loko.

"Oo na! Ang dami mo pang sinasabi." Napipilitan na sagot ko. "Isang kiss lang ha?"

Napangisi si Jared at mabilis na tumango. Ngunit bago pa maglanding ulit ang ang mga labi niya sa akin nang biglang bumukas ang pintuan.

"Jay-" Napamulagat sina Tita Olivia at Mommy sa nadatnan. Naitulak ko tuloy si Jared sabay layo. Nasapo naman ng binata ang batok at bubulong-bulong.

"S-sorry for the interrupt. Sige, ituloy nyo na." Nangingiti na sabi ni Tita Olivia at hinila palabas si Mommy. Pero wala pang isang minuto nang muling bumalik si Mommy.

"T-trisha, in five minutes ay aalis na tayo. Hihintayin ka na lang namin sa may receiving room. Enjoy!" Iyon lang nagmamadali na siyang lumabas.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jared.

"Ang we-weird ng mga nanay natin."

"Sinabi mo pa!" Sang-ayon ko. At bigla na lang kami naging awkward sa isat-isa.

"I-I got to go. See you later in the party."

"Aalis ka na?" Pinigilan niya ako sa braso. "Paano na yung kiss ko?"

Lumapit ako sa kanya para sana bigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi. But the next thing I knew, naglanding ang nguso ko sa nguso niya. At inabot pa kami ng mahigit dalawang minuto bago niya ako tuluyang pinakawalan.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now