CAPITULO CUARENTA'Y SIETE - Disgrasya

6.1K 76 1
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y SIETE - DISGRASYA

MARIANA'S POV

"Oh, tapos dito na yang mga balloons," sabi ko sa isang CAT officer tsaka nagmamadaling nagtago sa likod table na napapatungan ng mga trophies at flowers para sa mapipiling Prom King and Queen.

Nagdaratingan na ang mga estudyante.

Ang gaganda at ang kikisig sa mga suot na formal at semi-formal attire.

"Hoy!"

"AY! HOY!" sigaw ko sa gulat, tapos napalo ko si Ino.

"Grabe kayong mag-best friend hah? Mga mamamalo ng braso." *himas braso*

"Nanggugulat ka kasi eh!" sisi ko sa kanya tsaka inilibot ang paningin sa mga parating na students.

"Bakit ka naman nagtatago rito?"

"EEEE. Wala ka na run!"

"Huwag mo na pagtaguan si Gray. Kahit anong gawin mo eh mahahanap ka pa rin nun pag ginusto nun."

HMPH. Yun nga ang mahirap eh. Halos lahat ng magustuhan niya nakukuha niya. >_____<

"Si Marissa?" tanong ni Ino.

"Wala," simangot ko. "Hindi raw siya aattend ng Prom Night."

O_______O "ANOOOOOO?" OA reaction ni Ino. "Madaya yun ah! Sandali lang hah?"

Umalis na si Ino, tumakbo palabas ng gymnasium.

*THIRTY-MINUTES AFTER*

Asar naman.

Itong mga ito naririto na sa sayawan mga ayaw pa magsipag-sayawan. Nanghihila na lang tuloy ako basta-basta ng babae tapos pinapartner ko sa lalaking walang kasayaw.

"PAG DI MO YAN SINAYAW LAGOT KAYO SA AKIN!"

Natakot naman sila sa akin at nagsayaw. Nagkahiyaan na rin siguro kasi nariyan na eh.

Naku, kung hindi lang kailangan ang Student Council officers sa party na ito, hindi na talaga ako um-attend ng Prom Night tulad ni Marissa.

Kasi naman eh,

hindi rin naman a-attend si Gray.

Nakanguso na lang ako dito sa isang sulok.

Ako na lang yata ang natatanging nagbubutas ng bangko.

AY! HAMOSYA!

GRAY'S POV

Biglang may humarang sa minamaneho kong kotse papuntang school.

Shet. Kung kelan nagmamadali ako, oo!

Binaba ko nga!

May mga lalaking may itim na maskara sa ulo ang nagsipagbabaan ng itim na van.

"Iyan yung anak ni Gregorio Martinez," sabi nung isa.

"Tara, kunin na natin."

"Mga gago! Di niyo ako kaya!" angil ko sa kanila. Pinag-iinit ng mga ito ang ulo ko eh.

Sinugod na nila ako.

Pero hindi ako nagpatalo.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakabulagta sa sidewalk.

Shet.

Bangon ulet.

Inundayan ko yung palapit sa akin ng suntok.

Tapos umikot ako para makabwelo ng sipa sa kasamahan niya na susunod sa paglusob sa akin.

Ini-straight punch ko yung isa pa na nasa kaliwa ko, pero hindi umabot ang kamao ko dahil umatras siya.

May biglang sumigaw at humambalos sa likuran niya kaya bumulagta siya.

Napatingin ako kay Ino na may hawak na piraso ng kahoy.

"Ano, pababagsakin ba natin ang lahat ng ito, tol?" tanong sa akin ni Ino.

Nilingon ko yung natitira pang tatlo, tapos si Ino naman ang binalingan ko ng tingin.

"Patayin kung kailangan," ngisi ko.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon