Capitulo Cuatro - Balik Eskwela

14.9K 235 2
                                    

CAPITULO CUATRO

GRAY SANCHIO'S POV

Hindi ko na nalaman pa ang mga sumunod na pangyayari.

Nagkagulo na simula nang dumating si Miss I-Don't-Know-Who para pigilin ang kasal.

Umiiyak siya.

Great actress.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa na magalit.

Nag-chime in pa ang Papa.

Tila kumbinsido na ito yung girl sa bachelor's party ni Luisito.

I admit.

Hindi ko na rin maalala yung saktong hitsura nung babae sa bachelor's party na naka-bunny costume. Pero kahit pinapasok siya ni Papa sa party nung lasing na kaming mga lalake. I'm sure hindi ito'ng aktres na iyon ang babae.

Dahil kung siya iyon.

Malamang ikinama ko na.

Naawa naman sa kanya si Luisito at nilapitan siya. Pero umiiyak na tinabig ni girl ang kamay niya at humahagulgol na kumaripas ng takbo palabas ng simbahan.

Si Cassandra naman ang sumunod na nag-walk out. Galit siya dahil nag-bachelor's party si Luisito. At dahil na rin sa babae.

Tinitigan ko naman si Luisito. Naaawa siya, nalulungkot at nalilito na rin at the same time.

Haaaaaay. Buti na lang hindi ako naging si Luisito.

Hindi na natuloy ang kasal kaya heto ako after one week. >_<

SHIT. Balik-aral na naman ako habang si Luisito naman ang taga-manage ulit ng Power Corporations at ng hacienda.

May free access ako na pumunta sa hacienda para gamitin ang mga kabayo pero hanggang doon lang. Tsk. Badtrip.

At lumipad na raw sa States si Cassandra. Not literally na lumipad siyempre.

>___< --- at ngayon na ang pasukan matapos ang one week na enrollment schedule sa aking bagong school. Nag-stop pa kasi ako ng isa pang taon kaya heto. Lulubusin ko na talaga, para lang mapasaakin ang Hacienda Verona, named after my lola by my dead lolo. Magtatapos na ako ng pag-aaral.

Sinukbit ko na si bag at agad akong sumakay ng kotse papunta sa school.

__________

MARIANA'S POV

^______________^ Pasukan naaaaa!!

Ang dami kong kinaka-excite ngayong pasukan!

My friends.

Less-boring days.

My crush xD HAHAHA.

Ang saya-saya ko'ng naglalakad papasok ng school gate ng magulat ako ng malakas na busina sa likuran ko. O_______O

Lingon agad ako.

WOW. Red na Ferrari. XO May rich student pala dito sa public school. *sigh*

Nainggit ako sa pulang car because it's my favorite color.

Agad naman siyang pinagbuksan ng gate kaya pumasok na yung car. Ako naman ay sumabay na lang sa pagpasok.

Hmmm... Ano kaya ang mangyayari ngayon? Fourth year high school na ko so, hindi na siguro gagawin yung introduce yourself to the class. Maliban na lang kung bagong transfer sa klase.

Pagpasok ko ng classroom nakita ko kaagad si Marissa, my only BFF. Actually, mas malapit ako sa boys kasi may sa boyish ang ugali ko most of the time. xD Naroon siya, parang nakikitsismis sa iba pa naming mga classmate. Hinila ko siya palayo sa kanila.

Hindi nagbago si Marissa after summer vacation. Petite pa rin at cute cute. xD HAHA.

"Marissa, bakit ka nakikitsismis? Ano'ng meron?"

"May bagong classmate daw tayo."

"Oh really?" Hindi talaga ako interested. XD HAHA.

 "Mula sa mga Martinez."
O______________O Whoa. Now that's bigtime!! Naalala ko tuloy ang huling kasal na ginulo ko.

MARTINEZ - AYALA NUPTIAL.

O_______________O

"R-Really?" sabi ko.

"Kanina ka pa really ng really. Oo nga! Tsaka mas matanda raw sa atin. So, may instant kuya tayo sa klase."

Hindi kaya nabaliw sa ginawa ko si Luisito Martinez kaya nag-aral sa school ko? Ang weird ko naman mag-isip. Mas matanda raw. Marahil kaapelyido lang nila yun o kamag-anak nga niya.

O_____O OH NO. Paano na kung makilala niya ako??

"So what's the big deal?" sabi ko na lang para hindi halata saka ako umupo sa armchair ko.

"Ewan ko nga eh. Sikat na sikat siya rito pala sa school. Dito kasi siya nag-aral din dati nung second year high school pa lang tayo, nag-stop lang siya and now, he's back daw."

"Whatever," sabi ko saka nilingon si Marissa na naupo na sa tabi ko.

Napalingon na lang ako sa pinto nang may STRANGER na pumasok.

Well, not totally stranger.

Kasi ang familiar ng mukha niya.

Siya yung guy na naninigarilyo sa simbahan na ngumisi sa akin.

At ang nagtakip ng bibig ko bago ako nakasigaw na itigil ang kasal ni Luisito Martinez.

*GULP* PATAY.

___________________

GRAY SANCHIO'S POV

Pinagtitinginan na nga ako habang naglalakad sa hallway nang naka-school uniform, hanggang sa loob ba naman ng classroom pagtitinginan pa rin nila ako?

Iba na talaga pag artistahin. Tsk.

But that thought didn't lighten up my mood.

Makikisama na naman ako sa mga underage na di ko ka-level sa maturity.

Poker face ko na iginala ang paningin sa bago ko'ng classroom. Neat naman. Yung mga kaklase ko, nagkalat sa buong classroom. Halos grupo-grupo sila at nagdadaldalan. Tapos nagawi ang tingin ko sa dalawang babae na malapit sa front row.

O______O

--- mukhang gulat na gulat siya na makita ako.

Si babaeng wedding crasher.

HAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Is this a nightmare? 

This brat is the reason why I'm here now.

Napangisi na lang ako. Pagkakataon nga naman.

She will pay. 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon