CAPITULO TRES - AFTER FORTY DAYS

16.2K 278 4
                                    

CAPITULO TRES

MARIANA'S POV

Forty na na numero sa kalendaryo ang namamarkahan ko ng ekis. It means ngayon na magaganap ang aking third assignment. Sabi ni Tita Mia ay mag-iingat daw ako. Tumakbo kung kinakailangan at huwag sasabihin ang pangalan ko sa aking drama.

Ewan ko kung bakit worried siya bigla.

Marahil naiisip na rin niya na baka masira ang image ko. Haaay....

Anyway, yung kalahati pa lang ng 500 thousand ang ini-down nung kung sinumang kliyente kay Tita pero nakatulong na rin iyon para maka-enroll ako. And if you are going to ask kung nasaan na ang mga parents ko...

Well, nasa Manila sila. Nagbabanat ng buto. Si Tita Mia na lang ang tumutulong sa akin dito. Siya ang nag-aalaga at heto nga, tumutulong sa akin sa mga raket.

Bukas na rin ako ie-enroll ni Tita Mia sa school. xD Tapusin daw muna namin itong raket kasi pag nagpasukan na raw eh ititigil daw muna namin ang mga raket na ito. Si Tita na lang daw ang bahala. Kapag daw saktong available ako sa time ng kasal ng magiging kliyente namin eh baka ipatrabaho niya sakin. Teka, teka? Child labor ito ah? HAHAHA. Ako? Child? HAHA.

Kaya heto, nakaupo ako sa tabi ni Tita na nagmamaneho na naman ng SUV niya.

"Mag-iingat ka lang," sabi niya, "okay, Mar darling?"

Mar ang tawag niya sakin.

"Yup, Tita. "

Itinigil na ni Tita yung kotse sa gilid ng simbahan. O__________O

It's a big beautiful church. We are somewhere in Cavite. St. Benedict Church.

"Hihintayin kita sa likod ng simbahan," sabi ni Tita bago ako bumaba ng kotse.

Tumango lang ako saka naglakad palapit sa pinto ng church, through the thick mass of people.

Sa tingin ko mga mayayaman talaga ang mga ito.Mula sa mga ayos nila, hanggang sa mga pananalita.

Pero head's up lang ako.

Feel na feel ko kasi ang suot ko'ng heels at itim na dress.

__________________

GRAY SANCHIO'S POV

Nangangati na ako sa suot ko.

I'm not the kind of guy kasi na nagsusuot ng mga tuxedo na 'to. Itim na tuxedo ngayon ang suot ko na may bow pa. Tsk. Pero sabi nila ang gwapo ko raw. Nagmukha na rin daw ako'ng tao sa wakas.

Bakit ba naman kasi ako ang napili ni Luisito na best man?

Hindi naman kami close.

Marahil dahil ako ang pasadong best man na kamag-anak niya.

Nawala na iyon sa isip ko nang may makita akong babae through the crowd.

Isang very familiar girl.

O__________________O

Ano'ng ginagawa nito sa kasal ni pinsan?

"ITIGIL ANG KASAL!"

Tama. Siya nga yung naglupasay na babae noon sa simbahan. 

Why is she in here?

Masama na ang kutob ko.

Then, tinawag na ako ni Papa para sabihin na pumunta na ako sa altar kasama ni Luisito at magsisimula na ang kasal.

Hayun si Luisito. Nasa altar na. Excited na excited ang loko.

Nakasimangot ako na pumuwesto sa tabi niya at heto na naman ang boring na wedding march.

Grabe ha? Nangalay ako sa pagkakatayo ko. Bakit kasi ako na nga ang best man, ako pa ang tatayo na tatay nito'ng si Luisito. Oo nga pala, nasa ospital pa ang tatay niya. Hindi kasi inaasahang aatakehin siya sa puso kahapon. Gawa naman iyon ng makulit na kapatid ni Luisito na si Luis. Fifteen years old pa lang pero nagtanan na. Pero isinantabi muna ngayon ang problema para sa okasyon na ito.

Iyon nga. Nagtuloy-tuloy na ang seremonyas. I admit, may taste si Luisito sa babae. Maganda rin naman kasi si Cassandra. Ang classy-classy pa tingnan.

Until I managed to escape. HEHE. Hindi ako naupo sa seat ko. Instead, lumakad ako papunta sa malapit sa pintuan ng simbahan para magsindi ng sigarilyo. May narinig ako'ng ubo sa likod ko.

Siya.

Yung babaeng hindi ko talaga nalimutan ang mukha simula nung maglulupasay siya sa simbahan.

Mukhang gulat pa siya nang titigan ko siya at ngisihan. Nasa gilid na tuloy ng bibig ko yung Marlboro ko.

Umiwas siya ng tingin at akmang sisigaw siya nang takpan ko ang bibig niya.

Just as I thought.

Pero natadyakan niya ako saka siya gumitna sa daanan at sumigaw ng, "ITIGIL ANG KASAL!!" 

Ano ba talaga ang gusto ng babaeng ito?

Bitter ba siya sa pag-ibig?

Bakit pati kasal ng pinsan ko?

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon