CAPITULO BENTE-NUEBE - Plan B

6.1K 93 1
                                    

CAPITULO BENTE-NUEBE - PLAN B

MARIANA'S POV

Ang haba ng ginawa ko na explanation kay Luisito.

Lahat-lahat ng tungkol sa racket ng pagtigil ng mga kasalan sinabi ko.

Wala akong iniwan na detalye.

In the end, tumango-tango lang si Luisito. Nakapatong ang mga kamay sa table ng library ng bahay nina Gray. Si Gray naman, nakatayo sa gilid ng pinto. Mukhang naninigurado na makaka-eskapo siya agad kapag nagwala si Luisito.

"Sixteen. Isip-bata ka pa talaga," nasabi na lang ni Luisito.

O______O ISIP-BATA AKO?

Tumingin siya sa akin.

"Alam mo ba kung gaano kaimportante ang isang kasal?"

"O-Oo, este, opo~"

"Kapag ikakasal na kayo ni Gray, gusto mo may pumigil nun?"

"Aba, aba," singit ni Gray. Lumapit na rin siya sa lamesa at tinukod doon ang mga kamay niya. "Napag-utusan lang naman siya, Luisito."

"Ikaw, engot, bakit hindi mo ito pinaalam sa akin?"

Napakamot siya ng ulo. "Eh, ipapaalam ko rin naman. xD hehe. Nasa States ka pa tsaka, bumubwelo ako, hehe."

Tumayo na si Luisito.

"Siya," tapos tumingin siya kay Gray, then sa akin na naman. "Babayaran kita, katumbas ng bayad sayo ng kung sino mang nag-utos na guluhin ang kasal namin ni Cassandra, basta ba pipigilan mo ang kasal niya next month."

O___O "Huh?" sabi ko. "Di ba nasa States siya?"

"Oo, pero dito raw sila magpapakasal sa Pilipinas."

Tumango-tango ako.

"Ikaw," tingin naman niya kay Gray. "Wala kang pagsasabihan nito?"

"Aba! Oo naman!"

Tumango si Luisito tapos lumabas na. Naiwan na lang tuloy kami ni Gray sa loob ng library.

"S-Sige, Gray," sabi ko. Papalabas na ako ng pinto pero pinigilan niya ako.

"M-Mariana... "

Parang tensed yata siya

"O?"

"A-Ano... masakit ba?"

"H-Hindi. Mabait naman si Luisito eh. Ako ang dapat magtanong kung masakit ba ang suntok niya sayo-"

"Ano ba? Hindi iyon!" angil niya. Impatiently. "Yung kagabi! Nasaktan ka ba kagabi?"

Yung kagabi?

Ito ba yung kwento niya tungkol sa nakaraan niya?

"Ayos lang," sabi ko na lang. "Oo, masakit pero..."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"M-Mariana, ayoko mag-sorry kung nasaktan kita kagabi. Akala ko hanggang panaginip na lang yun. Totoo na pala. Mariana, I love you!"

Yumakap siya sa akin.

O______O Ano'ng meron?

Weird na naman siya.

GRAY'S POV

 "M-Mariana... "

"O?"

"A-Ano... masakit ba?"

"H-Hindi. Mabait naman si Luisito eh. Ako ang dapat magtanong kung masakit ba ang suntok niya sayo-"

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon