CAPITULO CUARENTA'Y DOS - Bala at Kutob

6.1K 79 7
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y DOS - BALA AT KUTOB

 GRAY'S POV

Dinala ko si Mariana sa special place.

Special place yun ng hacienda dahil ako lang ang nakakaalam sa lugar na iyon.

Sayang at hindi nila nadiskubre yun. Hehe.

Nasa likuran iyon ng mga puno-puno sa likod ng kwadra ng mga kabayo.

Pinatigil ko na ang kabayo. Tapos bumaba na ako para masalo si Mariana sa pagbaba niya mula sa kabayo.

Lumingon-lingon siya sa paligid na puno ng halaman, puno, may mga bula-bulaklak at may maliit pa na batis.

"Wow, ang ganda naman dito," ngiti niya.

Hinila ko siya sa may bandang damuhan. Doon kami naupo.

"Alam mo ba itong lugar na to?" panimula ko. "Walang nakakaalam nito kundi ako... at ngayon, pati ikaw."

"B-Bakit naman?"

"Hindi naman kasi masyadong binibisita ng Papa ang hacienda. Malay ko naman kay Lolo kung alam niya itong lugar na ito. Sakop pa ito ng hacienda namin pero hindi na sinama ni Lolo sa binakuran niya dahil siguro sa batis na ito na dumadaloy patungo sa kalapit na lupa rito na iba na ang may-ari."

"Hmmm... Ang ganda talaga rito."

"Tago, pero maganda. Mahirap makita kaagad kung hindi mo pa susuyurin ang buong hacienda."

"Parang ikaw lang, Gray."

O_____O

Napatitig ako kay Mariana.

"Parang ako? Bakit?"

Ngumiti siya, tapos sumandal sa balikat ko.

"Kasi, kung hindi ka kikilalaning mabuti ng mga tao, hindi nila malalaman kung gaano ka kabait."

O__________O

HUH?

"Ha?" maang ko. "A-Ako? Mabait? T-Tingin mo sa pagmumukha kong ito, mabait ako?"

Natawa siya.

"Siguro hindi ganun ang tingin nila sayo pero mabait ka naman eh."

Matatawa ba ako sa kanya?

"Mabait ako?"

"Kulit oh."

"Hindi naman ako ganun ah."

"Neknek mo."

"Hehe. Ikaw lang siguro, para sayo mabait ako. Pero para sa lahat? Tsss."

"Bakit sasama sa iyo si Ino kung hindi ka mabait?"

"Sus. Eh kasi nga may plano kami nun kaya sumama."

"Tsaka pano mo magiging girlfriend si Alice kung hindi ka mabait?"

>___< "Ayoko nang pag-usapan yun."

"Mabait ka naman eh. Kahit may topak minsan."

Hinila ko siya palapit sa akin.

"Mariana," bulong ko.

"G-gray~"

Dahan-dahan ko siyang inihiga...

BANG!

O_____________O

Napabilis tuloy ang pagdapa ko. nakatukod ang mga braso ko sa magkabilang gilid ni Mariana.

"G-Gray! Ano yung putok na yun?" parang takot na tanong ni Mariana.

Pamilyar ako sa ganung putok.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon