CAPITULO CUARENTA'Y SAIS - Paghahanda

6K 76 0
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y SAIS - Paghahanda

MARIANA'S POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin, three days after nung umalis ako sa bahay nina Gray.

Nakasuot ako ng magandang asul na cocktail dress at kulot ang buhok.

Hinagod ni Mama ang balikat ko.

"Cheer up, hija," ngiti niya. "Prom night niyo na mamaya. You should be happy. Make the most of it. Huli mo yang Prom Night."

Napayuko na lang ako.

Hindi yata pupunta ng Prom Night si Gray eh.

"Hindi ako mahilig sa ganun, Ino! Sa tuxedo pa lang nga kating-kati na ang balat ko eh!"

Narinig kong sabi ni Gray kay Ino.

Hindi na kasi niya ako pinapansin eh. TT^TT

Pero itong si Ino naman asar pa ng asar.

"Isasayaw ka raw ni Gray sa Prom ha?"

"Tengene mo, Ino!" batok sa kanya ni Marissa. "Kitang may tampuhan pa nga yung dalawa, pinaglololoko mo pa."

"Sige lang, Marissa. Batuk-batukan mo lang ako. Umaabuso ka ah, porke alam mo lang na mahal kita."

Tapos sa kanilang dalawa naman mapupunta ang asaran.

Hay.

May dinala sa akin si Mama na box.

Complete set siya ng pearl necklace, pearl earrings and pearl bracelet.

Ngumiti ang mama habang nakatitig doon.

"Sabi daw nila, huwag pearls ang isusuot sa kasal," sabi niya tsaka isinuot sa akin ang mga hikaw. "Kasi kapag ganun ang sinuot ng bride, lagi raw siyang luluha pag nagbubuhay-mag-asawa na sila."

Sunod naman niyang nilagay ang bracelet sa wrist ko.

"Pero anak," dugtong niya, "ganun talaga ang pag-ibig. Luluha ka kung luluha ka."

Isinuot na niya sa akin ang kwintas.

"Kasi ganyan ang pag-ibig. Hindi puro masasayang sandali. Hindi sa lahat ng oras ay nagkakaunawaan."

Nagkatitigan kami ni Mama. Pinigilan ko ang maiyak. Sayang ang make-up niya sa akin. At... ayoko nang umiyak tulad nung mga nakaraang gabi dahil sa pangi-isnab sa akin ni Gray.

Mula sa bulsa niya, may inilabas si Mama na diamond ring.

Kinuha niya ang kamay ko.

"Pero huwag ka tumulad sa akin, anak," patuloy niya habang nilalagay sa daliri ko ang singsing. "See this diamond ring? Maging kasing-tibay ka nito, anak."

Nginitian ko siya.

"Alam ko ang nangyayari sa inyo ni Gray. Hindi nga lang ang saktong kwento dahil sa last chapters na ako isiningit ng author,"

Sabay kaming natawa.

"... pero anak kita. Kaya nararamdaman ko pag may probleman ka."

Niyakap ko siya.

Hinagod naman ni Mama ang likod ko at ginantihan ako ng yakap.

"O," bitaw niya sa akin, "tara na at ihahatid na kita sa school mo."

Tumango-tango ako saka binalingan ang wall clock sa kwarto ko.

Seven-thirty na.

Thirty minutes na lang at magsisimula na ang Prom night.

Pero dapat naroon na ako bago mag-eight dahil Student Council officer ako. 

GRAY'S POV

Naka-ekis lang ang mga braso ni Mama habang nakasandal siya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko.

Shet naman. Bakit kasi hindi ko pa ini-lock.

"So, hindi ka talaga pupunta sa Prom night?" mataray niyang tanong.

"Hindi nga," sagot ko habang nakaunan ang ulo ko sa mga braso ko sa kama.

Ang kulet. Paulet-ulet. Ilang araw na niyang tinatanong kung aattend ba ako ng Prom night eh sabi nang hindi.

"Alam mo, Gray, matanda ka na. You're already twenty-four."

"Oo na,matanda na. Bakit ikaw, hindi ka rin ba matanda na para magbunganga sa akin?"

"Exactly!" ismid niya. "Ikaw? Hindi ba ang tanda-tanda mo na para bungangaan ka pa ng nanay mo, hah, Gray Sanchio?"

I rolled my eyes.

"Pumunta ka na ng Prom night. Ayusin mo na nga yang away ninyo ni Mariana."

"UGH."

"You're so immature, Gray. Papiliin mo ba naman si Mariana kung ikaw o ang nanay niya eh. Don't even have any utak, anak?"

"HMPH. Hindi niya ako ganung kamahal."

"Oh my God, Gray! You can't be more childish than that!"

O___O Nagulat na lang ako dahil nasa paanan ko na si Mama.

"Listen, anak. This is just another new challenge sa pag-ibig ninyo ni Mariana. Don't tell me, sa simula pa lang ng pagsubok eh, susuko ka na?"

"Pagsubok, pagsubok," bulong ko.

"Gray naman! Hinagilap ko lahat ng magagaling at sikat na coutures para sa tuxedo mo, so please! Pumunta ka na sa Prom night ninyo!"

"Ayoko," tanggi ko tsaka tinalikuran ng higa si Mama.

Malakas na napabuntong-hininga siya.

"Naku, Gray! Kaya ka isuko ng lahat ng nagmamahal sayo eh! Kaya walang makatagal sayo! Ang taas ng pride mo, anak, grabe! Kung hindi lang kita anak, Gray, sa kung saan ka na pinulot dahil sa pride mo na iyan!"

Naramdaman ko na tumayo na siya at dahan-dahang sinara ang pinto.

Hmm...

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon