CAPITULO BENTE-UNO - Excused

7K 96 4
                                    

CAPITULO BENTE-UNO

GRAY'S POV

"Yaya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

"Dyaskeng bata to!" sabi ni Yaya Matilda nang pumasok siya sa kwarto ko. Medyo gulo pa ang buhok niya. Hehe. Naabala ko yata siya sa mahimbing niyang tulog. "Bakit ke aga-aga eh maingay ka?"

Alas-dos pa lang kasi ng madaling araw.

"Yaya, pakipasundo naman si Mariana sa school mamayang 8 am ha?"

"Aba, bakit?"

"Eh, wala akong nurse dito. 'Di ako makakapasok ng school at masakit pa itong pilay ko."

Napailing na lang si Yaya Matilda. "Puro kalokohan ka kasi. Lagot ka sa nanay mo pag-uwi niya galing ng Batangas. Lalo na sa tatay mo!"

Nasa China kasi ang Papa para sa isang business trip. Si Luisito naman nagpunta raw ng States kaya si Mama muna ang tumitingin-tingin sa Hacienda Verona sa Batangas.

"Eh, basta mamaya ha, Yaya? I-excuse mo muna sa klase si Mariana."

"Aba, eh anong sasabihin kong dahilan para ma-excuse yun sa klase?"

"Sabihin mo utos ng nanay ko. Basta ikaw na ang bahala."

"Nandito naman ako hahanap ka pa ng nurse. :( "

Uinks. Mukhang nagtatampo na si Yaya Matilda. Halos lumaki na rin kasi ako sa kanya.

"Hehe. Ang yaya naman. Siyempre, gusto pa rin kita dito. Iiskor lang ako kay Mariana-"

UGH! UMHF!!

Napatulala na lang ako kay Yaya Matilda.

Grabe! Pinalo ba naman yung pilay kong binti!!

"Aba, loko ka, bata pa yung girlfriend mo ah, ikakama mo na?"

"Yaya!" Napakamot tuloy ako  ng ulo. "Hindi yung ganung ISKOR ang ibig kong sabihin. Tsaka pilay ako ngayon kaya di ko mae-enjoy na i-"

"Nakuuu! Tahimik na! Oo na, ako na ang bahala. Babantayan ko na lang kayong dalawa."

Natatawa ako kay Yaya, Hehe. Ang protective niya kay Mariana. 

"Ang bait talaga ng Yaya Matilda ko!"

"Tse! Nambola ka pa! Pwede na ba ako matulog ulet?"

HAAAAAAAAAAAAAY. Uminat ako tapos nag-relax na sa kama ko.

"Sige po, Yaya. Sleep tight!"

Pagkaalis ni Yaya Matilda ay hindi ko pa rin maalis sa kukote ko si Mariana. Hehe. Panigurado hindi niya matatanggihan si Yaya Matilda mamaya.

Gusto ko siya makasama eh, kaya lang masakit pa ang pilay ko. Kaya kung hindi ako makakapunta sa school para sa kanya, siya ang papapuntahin ko sa akin.

MARIANA'S POV

*hours later*

Nakakapanlambot. Parang nakakawala ng energy ang umaga ko. 

Si Tita Mia kasi parang hindi pa rin nagbabago yata. Tahimik pa rin siya at medyo ilag sa akin.

Siya na ang naghanda ng breakfast. Tapos nung paalis na ako para pumasok sa school ang sinabi lang niya sa akin, "Ingat ka."

Naglakad na ako papunta ng school. Malamig talaga. Brrrrrr... Medyo maaga pa kasi.

Pagdating ko ng school wala pang flag ceremony so pumunta muna ako sa room para ilagay ang bag ko sa armchair ko. Halos walang tao sa room kasi mga nakatambay sila sa covered court. 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon