CAPITULO SAIS - Parusa

13.5K 200 10
                                    

CAPITULO SAIS - PARUSA

MARIANA'S POV 

Umaga. Another school day na naman. Pero this time hindi si crush ko o si Marissa ang nasa isip ko.

Si Gray Sanchio Martinez.

Ang mokong na yun. Biruin mo ang tanda-tanda na niya para magkaroon ng mindset na pang-telenobela. Kasi naman, pinagpapanggap ako na girl friend niya?  Abno na ba ang lalaking yun? O dahil sa gusto na maging tagapagmana ng ganito at ganyan kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa kukote? Tsaka bakit ako, hindi ba?

Haha. Oo nga pala, ako rin naman kasi ang dahilan kaya hindi natuloy ang kasal ng pinsan niya. Pinsan niya pala si Luisito Martinez na iyon. Oo nga pala. Bakit kaya hindi pinakausap sa akin ni Tita Mia yung kliyente namin? Yung nag-utos sa amin na pigilin ang kasal ni Luisito? Sabi ni Tita malaking tao raw. Siguro six-footer hahaha xD

Hindi nga pala ako dapat tumatawa ngayon at nagna-narrate ng mga nangyari last month dahil I think I am going to be in a BIG BIG trouble. Nasa tapat na ako ng school gate, pero nagtago muna ako sa pader na gilid ng gate at sumulyap through the metal grills ng gate. Abot-tanaw ang parking lot kaya doon ko unang ini-pokus ang mga mata ko. May nakita ako na itim na sasakyan at isang puting van. Sa pinakadulo naman ay may itim na motorsiklo ng Kawasaki. Single lang yung motor. Walang pulang kotse. WALA! xD YEHEY! Ibig sabihin, hindi pa dumadating sa school si mokong- este- Gray pala. Agad-agad akong pumasok ng school gate. Sana absent siya, ayoko ng presence niya ngayon. Kinakabahan ako dahil sa nangyari kahapon. Sana kinabahan din siya at hindi na muna pumasok ng school dahil sa sobrang takot. Aba, matakot talaga siya. Utusan din ba naman niya ako na halikan siya? Seduction na ang tawag dun ah! At kinukulong yun!

Umakyat na ako sa building namin at feeling ko mailalaglag ko ang bitbit ko na envelope ng mga papel-papel ko nang makita ko ang mga nakatambay sa tapat ng pinto- ang ilan sa mga lalaki kong classmates...

... at si Gray.

Takte na yan! Wala naman yung kotse niya sa garahe ah? Pa'nong narito ngayon ang lokong ito? Oo nga pala, pwede palang mag-commute papasok ng school- pero kahit na! Parang may pinaplano ito kaya hindi niya ginamit ang kotse niya ah. Parang alam niya na titignan ko sa garahe kung naroon para mapaghandaan ko ang presensya niya. *gulp* Pero nasa tapat sila ng pintuan ng classroom namin. There's no way out. Dadaanan at dadaanan ko pa rin sila.

I stepped forward, medyo nakayuko.

Anothe step. Nakikiramdam pa rin ako.

Tumatawa lang sila habang nagkukwentuhan.

I guess hindi niya napansin ang pagdating ko dahil busy siya sa mga bago niyang kaibigan.

Yes! Malapit na ako sa pinto!

Papasok na ako ng classroom!

"Mari!" narinig kong tawag ni Gray.

Ako? Ako ba yung Mari na tinatawag niya? O___________O

No one ever called me like that before. Si Tita Mia, Mar ang tawag sa akin. Sina Mama at Papa, Mariana, Hija o Anak ang tawag sa akin. Ang mga nakakakilala naman sa akin, Toni ang tawag sa akin. Mga lokong yun. Kaapelyido ko raw kasi si Toni Gonzaga. At si Marissa naman, Mar, best friend o Mariana ang tawag sa akin pero hindi pa ako tinatawag na Mari.

Pero sa ngayon, parang nagyelo ang mga binti ko sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin at pinihit ako paharap sa mga lalaki na nakatambay sa tapat ng pinto.

"Wag ka na magtampo sa akin, honey, sorry na about sa nangyari kahapon."

Ang lokong si Gray! Nilingon ko siya. Eh nakaakbay siya sa akin at ang baba niya nakapatong sa balikat ko kaya halos centimeters na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't-isa. Agad ko na inalis ang braso niya balikat ko.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon