CAPITULO TREINTA - Ang Gulo

6.1K 91 1
                                    

CAPITULO TREINTA - ANG GULO

GRAY MARTINEZ 

Tsaka ko na lang nalaman na nasa principal's office na kami.

Nakaupo kami ni Mariana sa harap ng desk ni Mam Reyes.

---- Ang TERROR naming principal. ------

"Buti naman at pumasok ka na rin, Mr. Martinez," sabi niya, tapos si Mariana naman ang nilingon niya. "At kaya naman pala lagi kang wala sa Student Council meeting."

Lagi? Kahapon lang naman kami umabsent ah?

Napayuko na lang si Mariana.

"Gray," baling niya ulit sa akin. "Narito ka na naman para manggulo? Bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang school?"

"Eh bakit niyo pa ako tinaggap dito kung paalisin niyo rin ako?" sagot ko.

"Kung hindi lang sponsor ng paaralang ito ang Mama mo, malamang matagal na kitang hindi tinanggap!"

Tssssssssss.

"May mga reklamo na sayo, Gray," patuloy ni Mam Reyes. "Ikaw daw ang nagpapabugbog sa mga first year."

Naalala ko tuloy nung nakausap ko si Marissa sa cellphone ni Mariana.

"Eh kasi Gray... Itinuturo ka ng mga first year. May inuutusan ka raw na mang-bully sa kanila. Hindi nila mabanggit kung sino. Pero alam nila na ikaw ang nagpautos dahil iyon yung sinasabi ng nambubugbog sa kanila."

Bwishet naman oh.

"Madam Reyes naman!" sabi ko. Parang isang araw lang ako nawala, ang dami nang nangyari sa paaralang ito. "Absent ako kahapon? Pa'no namang- at tsaka, para saan kung ipapabugbog ko yang mga patpating first year na yan?"

"Exactly! That's what I wanna know, mister! Magsalita ka na at umamin at baka maawa pa ako at hindi na pabigatin pa ang parusa sa iyo!"

Napatayo ako.

"Ganyan ba talaga ang tingin ninyong lahat sa akin? Pasimuno ng gulo? Sira-ulo? Nananahimik na ako hah? Nagpapakatino na ako! Tapos ako kaagad ang bibintangan ninyo? Sa dami-dami ng kalokohang pinagagagawa ko nung nag-aaral pa ako rito, bakit hindi niyo ako nahuli? Ngayon lang sa isa namang kasalanan na binibintang ninyo na di ko naman ginagawa!"

"Gray~" singit ni Mariana.

"Hindi eh," sabi ko sa kanya. "Hindi na tama ito ha? Nag-iinit na naman ang ulo ko! Gusto kong makasapak!"

Tatamaan na sana ng suntok ko ang principal kung hindi nga lang ako hinila ni Mariana.

"S-Sorry po, Mam Reyes," sabi niya. "Gray, tara na. Late na late na tayo sa klase."

Nagpahila na lang ako kay Mariana palabas ng office.

Baka makapatay lang ako ng principal.

Pero napagdesisyunan ko na rin na ako ang hahanap ng solusyon.

Hahanapin ko ang may pakana nito at kung bakit kailangan pa akong idamay sa kalokohan ng kung sino mang gago na nakaisip na idawit ako sa mga trip niya.

Papunta na kami sa classroom.

"Baka may teacher pa sa loob."

"Eh di mage-excuse tayo, tapos apologize sa pagiging late."

Hinila ko siya sa school garden.

"Patapusin na natin ang third subject."

Naupo kami sa bench doon.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon