Chapter 2: Meeting of Dusk

1.6K 41 10
                                    

----A/N-----

This is dedicated GuitaristYui na mas super excited pa kesa sa author sa mga nangyayari sa fantasy action na ito. At siyempre! Para sa inyo, sana magustuhan niyo rin ang story na ito!

This is where everything will start.

Sit back, enjoy, and be sucked in sa mga cliffhangers and twists na maibibigay ko sa inyo.

Alam na! Don't forget to share and vote ok? Thank you thank you!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Adrian's POV---

Isang babae ang nakikita niya na nakatayo sa isang malawak na kapatagan, nakatingin sa langit. Mahangin at ang sumasabay sa hangin ang mga halaman at ang bulaklak sa pag ihip nito. Nakatingin ang babae sa langit habang ang mahaba at pulang buhok nito ay sumasabay sa hangin.

Kung titignan mong mabuti, hindi siya babae pero isang lalake, isang napakagandang lalake ngumiti ito sa akin at may sinasabi siya. Hindi ko marinig nang may parang malakas at matinis na ingay ang bumalot sa lugar. Ang sakit sa tenga, hindi ko mapigilan na magbago ang kulay ng mga mata ko. sumasakit narin ang ulo ko parang sasabog nang. . . . . .

Naririnig ko ang aking alarm na tumutunog. Nagising ako sa harap ng aking computer. Nakatulog pala ako doon habang naghahanap ng impormasyon sa mga bagay-bagay sa boung mundo. Ito na ang naging gawain ko sa mga nakaraang taon. Ilang taon na ba ako sa mundo ng mga mortal at ilang taon narin ako narito sa organisasyon na ito? Parang ang tagal na. Matagal na nga ba? Hindi ko na inisip pa iyon, nararamdaman ko na may magsisimula ngayong araw.

May naramdaman akong ilang parang anino na dumaan sa aking bintana. "Hindi na sila mapakali sa mga nangyayari" Natawa nalang ako dahil hindi man lang nila napansin ang dalawa sa kanilang mga target ay nadaan lang nila.

Nirinig ko ang speakers ko na may nag message:

Rust: They started.

Nel: So you felt it too?

Rust: They are not acting like a true assassin anyways, they are revealing too much presence.

Nel: Would you like to play a little? I'll call the others.

Rust: I suggest that you would lay low for a while.

Nel: Ugh, you're such a bull at times you know.

Alam ko na tumatawa ngayon ang lalakeng iyon. Pero hindi ko nalang pinansin at napag isipan ko na lumabas nalang muna. Hindi pa oras ng klase ko dahil umaga palang. Nag ayos na ako ng pamporma. Tumngin ako sa salamin at nakita ko na maayos naman ako tignan.

Tinignan ko ang isa pang chat room

*Nel Entered the Chat room*

???: You're awake early huh?"

Nel: Yeah, so class is over?"

???: Yeah, I was just about to head home.

Nel: Great! And I was just about to head out on a mall.

???: Can I ask you something?

Nel: Sure anything. What is it?

???: Can we meet?

Anong kahibangan ito? Bakit ngayon pa? Pero, makikipag kita lang naman diba?

???: I really want to see you. It's just, I feel real comfortable when I am talking to you. Looking for your messages. I feel rather incomplete in a day when you don't talk to me and all.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon