My Binondo Girl After Two Years Chapter 24

8.2K 47 38
  • Dedicated kay Justine Asican and Yan Lanne
                                    

Chapter 24

   "Alam mo ba, Andy masayang masaya si Saphhire kanina sa park! Gusto ba naman habulin ang mga ducks!," natatawang kuwento ni Jade.

   "Talaga? Ang batang iyan talaga nakakatuwa!" nakangiting sabi ni Andy.

   "Talaga! Pero minsan sutil din," ani Jade.

   "Hmm, mukhang alam ko kung saan nagmana ng ugali," kunwari'y nag-iisip si Andy pero nakangiti ang mga mata nito.

   "Hindi naman ako sutil," tanggi ni Jade.

   "May sinabi ba ako? Guilty ka yata eh," tukso ni Andy.

   "Ikaw ha," inis na sabi ni Jade sabay pingot sa tainga ng asawa.

   "Aray, ano ba masakit iyon,"natatawang iwas ni Andy.

   "Ako na lang kasi parati ang sinasabi mo pag may ginawang kasutilan ang anak mo," ismid niya.

   "Peace na. Kahit naman suplada kayong mag-ina sobra-sobra naman ang pagmamahal ko sa inyo," simpleng sabi nito.

   "Alam ko naman, Babe. Kaya naman in love na in love ako sa iyo," madramang sabi niya.

   "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag-isa sa inyo ng mga anak ko ang nawala. Baka dalhin na ako sa mental facility," ani Andy.

   "Ang drama mo naman, Mr. Wu!" natatawang puna ni Jade.

   "Anong drama? Seryoso ako, Jade. Dapat parati kayong mag-ingat kahit saan, okay? Promise me that you will always take care of yourself and our babies" seryosong wika nito.

   "Ano ba, oo naman," nakangiti pa rin si Jade sa asawa. "Andy, masyado ka namang emo."

   "No, please say it," utos nito.

   "Promise, Babe. Cross my heart. Happy ka na?" tanong niya.

   "I love you so much, Jade. Without you and the kids my life is nothing," seryoso ang boses at mukha nito.

   "I love you back, Andy. Ikaw at ang mga anak lang natin ang buhay ko rin," ganti niyang sabi.

   

   "Jade, I should be home early tonight. Wala akong mga meetings today. May gusto ka bang pasalubong mamaya pag-uwi ko?" tanong ni Andy habang nagbibihis ng pang-opisina.

   "Wala akong maisip ngayon. Manood na lang kaya tayo ng sine mamaya, iyong last full show," suggestion niya.

   "Sige, no problem," sagot nito habang nagsusuot ng medyas.

   "Anong plano mo with the kids today?"

   "Mamasyal uli kami sa park, favorite kasi ni Sapphire doon," sagot niya.

   "Bukas na lang, tutal weekend na so I can go with you," mungkahi nito.

   "Sige, baka mag-swimming na lang kami ni Sapphire," nakangiti niyang sagot sa asawa.

   "Tara na sa baba, mag-breakfast na tayo. Sasabay uli yata si Nanay at Mama sa iyo ngayon." Kadalasan kasi ay sabay pumapasok sa office ang mag-balae kaya lang ay hindi pa nagagawa ang kotse si Menchu  dalawang araw na ito sa talyer. 

   "Okay, let's go," tango ni Andy.

   "Sama ko, daddy," habol ni Sapphire sa ama nang makitang paalis na ito.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon