Previous Page of 3Next Page

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)

Dedicated to
@itsmeeNayumi
spinner.gif

Chapter 5

"Nay, Lola Amor mag-di-dinner date lang kami ni Jade tonight then watch a movie after," paalam ni Andy, katatapos lang nilang magsimba nang umagang iyon at kasalukuyang bumababa sila sa black BMW ni Andy. "Bahala na kayo sa princesa namin."

"Andy, next time na lang wala ako sa mood lumabas para diyan. At saka ayaw kong iwanan si Sapphire," tanggi nito sa asawa.

"Babe, every time nagyayaya akong mag-date tayo tumatanggi ka. You have a lot of excuses," medyo naiiritang sabi ni Andy.

"Anak, pumayag ka na. Hindi ka na lumalabas, ayaw mo ring mag-shopping, sa simbahan ka lang hindi pumapalya. Ano ba ang nagyayari sa iyo," tanong ni Zheny.

"Apo, go ka na," sinigundahan pa ni Lola Amor.

"Ayaw ko talagang iwan si Sapphire," nagmamaktol na sabi ni Jade sa lahat.

"Jade, walang mangyayaring masama sa anak natin kung iiwan mo paminsan-minsan," mahinang saad na nito sa asawa, halatang iritado pa rin.

"Sige na nga pero dinner lang, dito na lang tayo sa bahay manood ng movie pagkatapos," nakasimangot na sabi ni Jade kay Andy.

"Okay, fine! ," naisuklay nito ang kanang kamay sa buhok tanda ng frustration sa asal ni Jade.

Dinala siya si ni Andy sa paborito nilang Italian restaurant sa Tomas Morato. Napansin ni Andy na ganado sa pagkain si Jade ngayon. Pati sa Tiramisu ay dalawang slices ang naubos.

"Babe, ngayon lang yata kita nakitang kumain ng ganyan, " nakangiting tudyo nito.

"Masarap kasi," ganting biro nito. "Andy, I'm actually thinking of studying culinary arts someday pag malaki na si Sapphire.

"Okay iyon, related pa sa business natin," sang-ayon ito sa plano ni Jade.

Habang tinatapos ni Jade ang huling piraso ng cake ay isang itim na kahita ang iniabot nito sa kanya ni Andy.

"Para sa iyo, Babe, " masuyong sabi nito.

Sinunod niya ang asawa. Ternong necklace, bracelet at earrings ang laman ng kahon. Sa kinang at laki ng mga brilyate na nakapalamuti sa mga iyon alam niyang malaking halaga ang nagastos ni Andy dito. May card na nakakabit sa labas ng kahon.

To Jade, my one and only love.

Na-touch siya sa ginawa ng asawa. Napakamaalalahanin talaga nito. Hindi pa rin ito nagbabago, minsan ay may dadating na lang na mga bulaklak sa bahay kahit walang okasyon. Minsan naman ay bigla na lang itong magpapadala ng mga pagkain sa tauhan pagnasa-work ito.

"Para saan naman ito," nagtatakang tanong niya.

"Just for being my beautiful wife, for giving me Sapphire, for inspiring me in life," simpleng sagot nito sa tanong niya.

"I love you so much, Jade. At hinding-hindi ito magbabago kahit kailan," masuyong tugon nito.

"I love you, too. And thank you sa regalo mo. Baka sa laki ng halaga nitong mga alahas mawalan na ng pang-college si Sapphire," tudyo nito habang nakangiti.

"Don't worry, rich itong napangasawa mo, " pagmamayabang nito kay Jade. Magsasalita pa sana ito nang biglang namataan ang isang babaeng pamilyar sa kanya.

Si Naomi at ang kasama nitong gwapo at matipunong lalaki ay kasalukuyang inaasikaso ng Maitre d' sa kabilang lamesa.

Kinabahan at pinagpawisan bigla si Andy. Hindi pa niya naipagtatapat kay Jade ang pagtawag ni Naomi noong isang araw. Humahanap pa siya ng tamang timing para sabihin at ma-assure si Jade na wala itong dapat ikabahala dahil matagal na silang break ni Naomi bago pa sila nagkakilala ni Jade. In fact, nabanggit niya ito noong nangliligaw pa siya kay Jade. At sa dami na ng naging girlfriends niya ay wala kahit isa sa mga ito ang inalok niya ng kasal noon. Si Jade lang ang babaeng inalok niya ng kasal. Pinagdadasal niya na sana'y hindi sila makita ni Naomi pero wala sa kanya ang suwerte noong gabing iyon dahil nakita sila ni Naomi paglingon nito sa gawi nilla. Nagningning ang mga mata nito, bumulong sa kasamang lalaki at sabay tumayo papunta sa lamesa nila.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (19)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended