Previous Page of 3Next Page

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)

Dedicated to
WeLoveXianLim
spinner.gif

Chapter 4

Pagbaba ni Jade ay inabutan niyang pinapakain ni Annika si Sapphire sa may covered porch sa likod ng mansyon malapit sa olympic- size swimming pool.

"Ma'am Jade, tingnan mo si Sapphire ang lakas kumain," natutuwang bida nito sa amo. "Ayan naubos na." Pinunasan nito ang bibig ng bata kung saan naiwan ang ibang pagkain.

Na-distract si Jade sa sasabihin kay Annika nang makita niyang naliligo sa pool si Andy sa di kalayuan.

"Oy, Ma'am Jade para kayong namatanda. Hanggang ngayon super in love pa rin kayo kay Sir Andy," tudyo nito sa magandang amo.

"Ano ka ba, Annika," namumulang sabi nito.

"Ma'am, siguro kahit ako pag ganyan kapogi at katikas ang asawa ko ay naku ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo," madramang wika nito habang nakatingin din sa among lalaki na kasalukuyang paahon sa pool.

Biglang natigil ang usapan nila nang biglang tinapon ni Sapphire ang bote ng gatas sa sahig para magpapansin. She was trying to get out of the high chair. Nang hindi makaalis sa seat belt ay bigla itong umiyak ng malakas. Nataranta si Annika kaya kinuha niya ang bata sa mataas na silya pero noong karga na niya ay gusto na mang magpababa nito sa sahig. Nang maibaba na niya si Sapphire ay bigla itong lumakad na parang mabubuwal. Dali-daling sinundan ito nila Jade at Annika.

"Andyyyy, tingnan mo si Sapphire naglalakad na," excited na sigaw ni Jade sa paparating na asawa na nagpupunas ng basang ulo at katawan.

"Wow, first baby step! Annika, dali pakikuha ng video ko sa den," masayang utos nito sa katulong na natataranta.

"Babe, naglalakad na ang princesa natin," galak na galak si Jade.

"Siguradong matutuwa silang lahat mamaya pagnapanood nila ang video."

Patuloy sa paglakad si Sapphire habang nakaalalay ang mag-asawa. Dumating si Annika na bitbit ang video cam saka inabot kay Andy.

"Sir Andy, isama na ninyo ako sa video para sikat," nakangiting pakiusap nito sa amo.

"Sige ba, pagkatapos ko kayong kunan, ikaw naman ang mag-take ng video Annika para kasama ko ang mag-ina ko sa video.

After they finished video recording the baby steps of Sapphire, unang tinawagan ni Andy ang mama niya para ibalita ang nangyari.

"That's good news, anak. Pupunta ako ako diyan mamaya para mapanood ko ang video."

"Ma, I'm so happy. Ganito pala ang may baby masarap ang pakiramdam pag may nakikita kang milestone sa buhay nito," maramdaming sabi nito sa ina.

"Yes, Andy. Alam na ba nila Zheny at La Amor? Tiyak kong matutuwa rin ang mga iyon. And please don't forget your Papa Edison baka sabihin na-left out naman siya."

"Tumawag na rin si Jade para ibalita. Nasa opisina si Nanay Zheny nagyon. Sige, Ma we will wait for you later, dito na kayo mag-dinner okay? I invite Papa for dinner also."

"That's a good idea! Bakit nga pala na sa bahay ka ngayon? It's only Friday, did you take a day off?" sunod-sunod na tanong ng ina.

"Yes, Ma. Babawi sa mag-ina ko. I've been really busy lately sa office medyo nagtatampo na si Jade sa akin so I decided to take a day off from work. It so happened that Sapphire took her first step so timing lahat talaga,"

"Well, that's good. Don't take Jade for granted."

"NEVER Ma," pagtatapos ni Andy. "Okay, we will see you later."

It was a successful dinner, everybody enjoyed the dishes prepared by Twin Dragons chef na pinatawag ni Andy para magluto sa mansyon nila Jade that night. Dumating din sila Trevor at Amethyst na inimbitahan ni Jade.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (15)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended