My Binondo Girl After Two Years Chapter 13

7.9K 46 26
  • Dedicated kay Mirasol Lilo and Pipay R3
                                    

Chapter 13

   "Andy, ang bilis talaga ng panahon. Imagine, December na," sabi ni Jade. Lulan sila ng kotse ni Andy. Kagagaling lang nila sa clinic ni Dr. Fernandez for check-up.

   "Oo nga mabilis ang araw. Babe,I'm really worried sa sinabi ng doktor mo kanina," may halong pag-aalala ang boses nito.  

   "Caesarian section is so common naman, Andy," kaswal na sagot ni Jade. "At least we get to pick the date of our twins, di ba?" nakangiting biro nito sa asawa na nakakunot ang noo.

   "You know what! This is it! I don't want any more kids after this, Jade! Ayaw kong mahirapan ka sa panganganak," madiin na sabi nito.

   "Ikaw talaga! Relax ka lang. Akala ko ba gusto mo ng maraming anak. Ngayon naman suko ka na," natatawang tudyo nito kay Andy.

   "That was before we found out that we are going to have twins tapos ngayon naman kailangang caesarian section pa," angal nito.

   "Ay naku, huwag ka ngang praning diyan. Okay lang ako sabi. Actually maganda na lately ang pakiramdam ko."

   "Basta Jade, take it easy sa bahay ha. Huwag mong bubuhatin si Sapphire, masyadong mabigat na ngayon ang baby natin," seryosong bilin nito.

   "Alam mo ba kanina, sabi niya "ako baby" sabay turo sa sarili niya," natutuwang kuwento ni Jade.

   "Kailangang dahan-dahanin na natin si Sapphire tungkol sa twins para hindi magselos later on pagnakita na niya ang mga kapatid niya. Sanay pa naman na siya ang center of attention."

   "I guess you are right, Babe," sang-ayon ni Jade.

   "By the way, may naisip na akong names for out twins," excited na deklara ni Andy.

   "Hindi na pwedeng Andrew Jr dahil dalawa sila. So ano ang naisip mo?" nakangiting tanong ni Jade.

   "Xian at Xander, what do you think, Babe?"

   "I like it, Andy!  Hmm, maganda," tumango-tango si Jade.

   "Talaga, Jade! Payag ka sa mga names na napili ko?" masayang bulalas nito.

   "Ansolutely! 100% agree ako," natatawang niyang sabi.

    Lately ay parating masaya ang pakiramdam ni Jade.  Hindi na siya bugnutin gaya noong unang mga buwan.

   "Siyanga pala, I have two weeks vacation coming up this month. Do you want to spend it in New York? Doon tayo mag-Christmas lahat. Pwede nating salubungin ang New Year doon. I'll book the hotel sa may midtown Manhattan para centro tayo sa lahat ng  mga activities. What do you think, Babe," tanong nito.

   "Andy, two weeks na lang Christmas na! Sinong kasama natin na pupunta?"

   "Bukod kay Sapphire, si Nanay, La Amor, Mama. Si Papa baka magpaiwan, para may mamahala sa Twin Dragons. You can ask Papa Chen and Tita Jean pero ang alam ko they are planning to go to China this Christmas."

   "Seryoso ka talaga, Andy?"

   "Babe, kailangang maiba naman ang Christmas natin this year. I'm sure mag-eenjoy tayong lahat lalo na si Sapphire pagdinala natin sa F.A.O. Schwarz." Ang binanggit ni Andy ay isang upscale na toy store sa Manhattan. "At siyempre mag-shoshopping tayo sa 5th Avenue, karamihan doon ay signature shops. Imagine, si Mama!"

   "O sige payag na ako pero sa Dec. 26 na tayo umalis para may kasama naman si Papa Edison sa Christmas tapos 10 days lang tayo doon," ani Jade.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon