Previous Page of 3Next Page

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)

Dedicated to
Xian limm
spinner.gif

Chapter 2

"Anak, napakalambing naman ni Andy talaga sa iyo," nakangising tukso ni Nanay Zheny sa anak, habang nagluluto ng umagahan.

"Aba dapat lang 'no! Ninakaw niya ang apo ko sa gusto kong manok. Akala ko talaga kayo na ni Onyx ang magkakatuluyan noong nag-break kayo ni Andy," nagrereklamong sabi ni Lola Amor.

"Nay, ano ka ba? Kita mo naman kung gaano ka-in-love si Andy si Jade. Kulang na lang patayuan ko ng rebulto itong si Andy. Alam mo Nay, masaya ako at sila ni Jade ang nagkatuluyan. Match in heaven iyang dalawang iyan," masayang saway ni Zheny sa ina.

""Nandoon na ako, oks na oks na si Andy sa akin, aba'y love ko na iyan ah," nakaismid na wika nito. "Pero siyempre huwag na niyang uulitin iyong kalokohan niya noon sa apo ko, hindi uubra na iyon. Understand!!! Spell UNDERSTAND!

"Kayo talaga," nakangiting sabi ni Jade sa dalawa habang naglalagay ng mga plato sa hapag-kainan.

"Nasaan na ba ang asawa mo, " tanong ni Zheny.

"Ito na po ako, Nay. Good morning! " masayang bati nito sa lahat. "Nilaro ko lang muna si Sapphire at baka tulog na iyon pagdating ko mamaya dahil mag-oovertime ako. Umiiyak nga po, humahabol na ngayon ang princesa ko. Ayaw sumama kay Annika."

"O maupo ka na diyan para makakain ka ng breakfast bago ka pumasok sa office," masuyong utos ni Jade.

"Babe, sa office na ako kakain mamaya, late na ako sa meeting ko. Alam mo naman si Papa kahit ako na ang CEO hindi pa rin mapigilan ang magdikta."

"Kahit kaunti lang, Andy. Baka magka-ulcer ka niyan," tanggi nito sa asawa.

"Jade, tomorrow promise mag-bre-breakfast ako dito. Huwag lang ngayon please," nagsusumamong wika nito.

"Hmp, bahala ka na nga diyan," nakasimangot na sabi ni Jade.

Naiiling na napangiti lang si Andy sa tinuran ng asawa. Mahilig kasi si Jade sa expression sa hmp, pag naiinis sa kanya. Tumungo ito at hinalikan sa labi si Jade habang masayang nagtitinginan ang mag-inang si Zheny at Lola Amor.

"Oy, ang sweet talaga ni Andy! Anak, hayaan mo na, kawawa naman ang manugang ko. Wala na ngang breakfast nagtatampo ka pa," saway ni Zheny.

"Kita mo, Jade kampi si Nanay sa akin."

"Ewan ko sa iyo, nakahanap ka ng kakampi ha," nakairap na tugon nito kay Andy.

"Aba, good boy yata ito, di ba Lola Amor?" tanong nito sa matanda.

"Oo naman, ikaw na ang manok ko ngayon," ani Lola Amor habang kumakain ng hotdog.

"Sige na Babe, huwag ka ng magtampo. I'm going to be late for the meeting a hindi ako makakaalis hanggang hindi mo sinasabing okay na tayo."

"Babe, lambing ko lang iyon. Sige na, umalis ka na para hindi ka ma-late. "

"I love you, Jade." Sabay yakap sa kanya at saka tuluyan na itong lumakad paalis ng bahay.

Pagpasok ng opisina ni Andy ay nabungaran niya agad ang kanyang amang si Edison na nagbabasa ng mga financial report. Si Edison ang interim COO ng kumpanya habang on leave si Jade.

"Morning Pa," bati ni Andy.

"Kumusta na ang apo ko? Nagsasalita na ba ng lolo? Marami akong pinamiling toys na hindi ko pa nadadala sa bahay ninyo. This weekend kailangang makita ko ang apo ko, aba'y lugi ako niyan. Ang mama mo katabi lang ang bahay sa inyo kaya parating nakikita si Sapphire," tuloy-tuloy na litanya ni Edison sa anak.

Napapailing na lang si Andy sa kinikilos ng ama. Ang laki ng ipinagbago nito mula noon. Dati rati ay panay sermon ang inaabot nila dito ni Trevor.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (12)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended