My Binondo Girl After Two Years Chapter 20

8.1K 57 40
  • Dedicated kay Joan Dela Cruz and Joana Medrano
                                    

Chapter 20

   Nagdaan ang mga araw at buwan ay naging matiwasay ang pagsasama ni Andy at Jade. Kung may iyak mang maririnig sa manyon ay nagmumula ito sa kambal na sa gulang na tatlong buwan ay nakakakitaan na ito ng malaking pagkakahawig sa kanilang amang si Andy. Hindi lang sa mukha kung hindi pati sa personalidad, nabihag agad ng dalawang bata ang puso ng mga taong nakapaligid sa mga ito. Si Sapphire ay lalong gumaganda at nagiging mini-Jade and itsura. Sa eded na twenty months old ay nakakakitaan na ito ng pangbihirang katalinuhan. Marami na itong alam sabihin at ang isang paborito nitong pinagagawa sa magulang bago matulog ay basahan siya ng libro. 

   "Hay, salamat at makakatulog na rin sa wakas, ang kulit na ng anak mong babae, Andy," bahagyang napangiti si Jade habang nagkukuwento sa asawa. Kahihiga lang nila sa kama ni Andy pagkatapos ng mahabang oras na ginulgol sa kuwarto ni Sapphire. Ang tagal kasi nilang nag-spend ng time ni Andy kay Sapphire dahil ayaw nitong matulog. Si Annika na may kama rin sa loob ng kuwarto ni Sapphire ay pinuyat din ng bata. Si Xian at Xander naman ay magkasama sa isang kuwarto kasama ang mga yaya nilang si Anna at Bella.

   "Nakakatuwa na talaga ang princesa ko. Masyadong malambing," sa halip na mainis at natutuwa pa si Andy sa kakulitan ng anak.

   "Andy, remind lang kita ha, masyadong spoiled na si Sapphire sa iyo," nakangiting sabi ni Jade.

   "Ano namang masama, only daughter lang natin iyan," ani Andy.

   "Hmm, kaya pala kahit na puro graffiti ang ginawa sa dingding mo ay hindi ka kumibo," tudyo ni Jade.

    Nadatnan kasi ni Andy na puro mga drawings ni Sapphire ang naging decoration sa dingding ng opisina sa bahay. Nahuli niya kung gaano  nadismaya ang mukha ng asawa pagpasok sa home office dahil kasalukuyan niyang pinapagalitan ang bata nang dumating si Andy. Nang makita ni Sapphire ang ama ay tumakbo na ito at yumakap sabay iyak ng malakas. Nagsumbong pa ito na pinalo siya ng mommy niya. Akala ni Jade ay pagagalitan nito ang anak dahil sa ginawa pero namangha pa siya nang sinabi nitong, "May talent pala ang princess ko sa drawing. Gusto mo bang maging artist paglaki?" Nang dalawa na lang sila ni Andy ay sinita niya ito na bakit kinukunsinti si Sapphire sa maling ginawa. Sinagot naman siya nito na walang kasalanan ang bata dahil dapat ay may nakabantay dito para hindi nito ginawa ang pag-dra-drawing sa dingding. 

  "Jade, bata iyon kaya natural mahilig magdrawing sa mga dingding," tanggol nito sa anak.

   "Ay naku, Andy kayang-kaya ka paikutin ng princesa mo sa mga daliri niya," iiling-iling na sabi ni Jade.

   "Gaya mo, Mrs. Wu. Talong-talo ninyo akong mag-ina," nakangiting biro nito.

   "Ako?? Hindi  'no!!! Ang bait ko yata sa iyo ngayon," nakairap na tanggi nito sa asawa.

   "Aminin mo na, Babe. Alam mo kung gaano kita kamahal kaya kinakayakaya mo ako minsan," tudyo nito. 

   "Kung makakalusot lang naman," nakangiting pag-amin nito.

   "Jade, baka naman pwede na nating ulit bigyan ng kapatid si Sapphire para mas marami ng kalaro para hindi na pakialaman ang opisina ko sa baba?" nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa asawa ng malagkit.

   "Hayan ka na naman, Andy," nangdidilat ang mga mata ni Jade.

   "Sige na, Babe. Na-miss na kita ng sobra," masuyo siya nitong niyakap mula sa likod.

   "Andy, antok na ako," ani ni Jade sa mahinang boses.

   "Babe, I love you so much," mahinang bulong nito. Iniharap siya nito at sinuyo ng maliliit at padampi-damping halik sa noo, pisngi, tainga at sa mga labi na punong-puno ng pagmamahal. Pagkaraan ng ilang secondo ay lalo itong naging mapusok. Nagsisimula ng madala si Jade sa masidhing damdaming ipinadadama ng asawa nang biglang may narinig siyang iyak sa may labas ng kuwarto nilang mag-asawa.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon