My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)

Dedicated to
Xianatics Ako
spinner.gif

Prologue

 

  Two years after magpakasal si Andy and Jade Wu sa isang engradeng kasal na dinaluhan ng mga malalapit sa puso nilang dalawa, kasama na rin ang mga kapitbahay nila Jade sa Binondo, lahat ng empleyado sa Twin Dragons, lumipat sila sa pinatayong mansyon ni Andy para kay Jade at sa one year old baby girl nilang si Sapphire sa Ayala Heights.

  Masayang masaya si Jade dahil bago sila ikinasal ni Andy ay magkasundo na sa wakas ang Nanay Zheny niya at si Mrs. Sy. Na-realized ni Jean Sy na wala siyang dapat ikatakot at ika-insecure sa dating katipan ng asawa niyang si Chen Sy. 

  Si Onyx ay girlfriend na si Annie at nagplaplano na ring magpakasal sa sunod na taon. Tanggap na ni Onyx na si Andy talaga ang mahal ni Jade kaya nag-desisyon siyang mag-move on. Na realized din ni Onyx na kay Annie ang mga qualities na hinahanap niya sa mapapangasawa. Si Annie ay best friend nila ni Jade na matagal ng may gusto kay Onyx.

  Ang kababatang kapatid ni Andy na si Trevor ay nag-asawa na rin kay Amethyst Sy, ang half sister ni Jade sa ama na si Chen Sy.

  At si Lola Amor at si Nanay Zheny ay kasama pa rin nila Jade at Andy na lumipat sa bagong bahay. Ayaw nga sana pumisan ni Nanay Zheny para bigyan ng privacy ang mag-asawa pero ayaw pumayag ni Andy dahil alam nitong malulungkot ang asawa pag hindi kasama ang nanay at lola niya. Noong medyo alanganin pa sila Nanay Zheny at Lola Amor, ang dinahilan ni Andy ay gusto niyang lumaki si Sapphire na close ito sa mga lolas. Kahit na nga si Menchu, ang mama ni Andy ay bumili ng bahay katabi lang ng bahay nila Andy at Jade para parati din niyang nakikita ang kaisa-isang apo.

  Si Mr. Edison Wu ay malaki na rin ang ipinagbago sa pakikitungo sa mga anak. Kahit sa ex-wife niyang si Menchu. Tinutukso nga nila Andy at Trevor na baka madevelop na naman ito kay Menchu.

  Si Sapphire ay kamukhang kamukha ni Jade kaya spoiled ito sa mga lolas at lolos, lalo na sa amang si Andy. Suwerte nga ang yaya nitong si Annika dahil halos wala siyang ginagawa sa bata dahil parati itong karga ng magulang at mga lolas pwera pa pagdumadalaw ang mga ninong at ninang nito na sila Onyx, Trevor, Amethyst at Annie. Kahit na si Jean Sy na medyo alanganing hawakan si Sapphire ay hindi rin napigilan ang pagkaaliw sa tuwing ngingitian siya ng bata.

  Tuloy pa rin sa pagtaas ang Twin Dragons, 30 na ang branches nito sa buong Pilipinas. Si Jade ay pansamantang nag leave of absence para matutukan ang anak nila ni Andy. Si Andy na ang pumalit na CEO ng kumpanya mula nang magpasiya si Chen Sy na mag early retirement para maka-travel sila ni Jean sa iba't ibang parte ng mundo.

 

 

Chapter 1

 

  "Babe, late akong uuwi mamaya ha, mag-oovertime ako," sabi ni Andy habang nagbibihis ng pang-opisina.

"Madalas yata ang overtime mo ngayon," nakasimangot na sagot ni Jade habang kalong si Sapphire. "Ano ba ang nangyayari sa office?"

"We are trying to put up another branch sa Mindanao so I have to make sure that everything will go smoothly," patuloy sa pag-aayos si Andy.

Hindi kumibo si Jade, nakatingin lang ito sa natutulog na anak sa kandungan.

"Jade, may problema ba tayo?" nagtatakang tanong nito.

"Andy, baka iba na naman iyan! Sigurado ka overtime talaga iyan," nakakunot ang noong reklamo ni Jade. Sumagi sa alaala ni Jade three years ago noong mag-break up sila ni Andy nang anim na buwan dahil sa inakala ni Jade na niloko siya ni Andy. After 6 months of trying to win Jade back, naawa na rin ito sa lalaki. Malaki ang ipinayat ni Andy at naapektuhan talaga ang trabaho nito. Lagi itong distracted. Na-realized din ni Jade sa bandang huli na talagang walang kasalanan si Andy at ito'y na-set up lang ng girl na may gusto dito para paghiwalayin sila ni Jade. Mula nang pumayag siyang makipagbalikan kay Andy ay halos hindi na ito humiwalay sa kanya. Hanggang sa yayain siya nitong magpakasal. Pabiro pa nitong sabing, "mahirap na baka maunahan pa ako ni Onyx."

"Babe naman, hanggang ngayon ba naman may duda ka pa rin sa akin," naglalambing nitong yakap sa kanya at sa baby nila na hawak pa rin niya sa kandungan.

"Naku Andy basta huwag ko lang malalaman na may ginagawa ka na namang kalokohan, lagot ka talaga sa akin," banta ni Jade sa asawa.

"Ako pa, takot ko lang sa iyo," nakangiting biro nito kay Jade.

"Promise ikaw lang ang babae para sa akin. I love you, Babe," this time seryoso na ang mukha nito.

"I love you, too Andy," ganting ngiti ni Jade.

 

****Please follow me on Twitter @gidgetwitty to get an update. Please also vote, like and leave me a comment so I will be more inspired to write better. Salamat po sa suporta ninyo. :))

My dear readers please vote per chapter if you are happy with it. It' on the left side of the computer screen.  To be my fan please go to my profile by clicking my username on the upper rigth side of your computer screen and it will show u the fan gallery, click become my fan on the upper right side.

Thank you,

GIdgetwitty

 

 

 

Comments & Reviews (59)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended