Previous Page of 2Next Page

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)

Dedicated to
@chellera_17
spinner.gif

Chapter 6

 

 

Nang araw na iyon ay abalang- abala lahat ang mga tao sa mansyon nila Andy at Jade sa pag-aasikaso ng first birthdy party na magaganap mamayang 4 pm. Mararamdaman ang excitement ng bawat isa. Tatlong chefs ng Twin Dragons ang na-assign sa celebration na iyon. At ang mga waiters sa dalawang branches nila ay pinasara ni Andy para tumulong sa party. Sa kasaluyan ay busy ang mga ito sa pag-aayos ng mga lamesa. Ang party planner ay busy rin para masiguradong lahat na gusto ng mga Wu ay masunod. Alas dos na nang hapon noon.

 

Samantalang ang mga Wu at Dimaguiba ay nagbibihis nang time na iyon. Si Sapphire ay binibihisan ni Jade ng lavander gown na desenyo ng Tita Amethyst nito sa kuwarto nila ni Andy. Si Andy ay katatapos lang gumayak at kasalukuyang kinukunan ng mga litrato ang mag-ina niya.

 

"Ngiti nga sa daddy, baby," utos ni Jade sa anak habang inaayos ang korona na parte ng bigay ni Amethyst bukod sa dalawang gowns.

 

"Da-da da," nakangiting sabi nito sabay turo kay Andy.

 

Tuwang-tuwa si Andy habang kinukunan ang anak. "Ang ganda talaga ng princesa ko mana sa mommy,"

 

"Sus, nangbobola na naman ang daddy mo," napapangiting sabi nito sa anak.

 

"Babe, I always mean what I say to you. You and Sapphire are the most important treasures I have in this world," seryosong wika nito.

 

"Naniniwala naman ako sa iyo, Babe. Ikaw naman todo mag-emote," patuloy pa rin sa pagngiti si Jade. Hanggang nagyon ay kinikilig pa rin siya sa mga sinasabi ni Andy.

 

Lumapit si Andy sa dalawa sabay yakap ng mahigpit sa mga ito. Biglang nag-protesta sa pagkakayakap ang bata, tinulak ang ama sabay sigaw ng "'Yawww da-da."

 

Natawa si Andy sa inasal ng anak. "Anak, sorry napahigpit ang yakap ko sa inyo ng mommy mo."

 

"Ayan, ikaw kasi," biro ni Jade.

 

"Bata pa lang suplada na itong anak natin, Jade. I think mahihirapan din ang lalaking mangliligaw dito balang araw. Baby, huwag mo masyadong pahirapan ha, gaya nang ginawa ng mommy mo sa akin," pagpaparinig nito kay Jade.

 

"Naku, Baby make sure iyong magiging boyfriend mo ay hindi ka lolokohin. Hindi titingin sa ibang babae, " ganting parinig nito.

 

"Faithful yata ito. Ang mommy mo lang ang babaeng minahal ko at ang para sa akin," patuloy nito sa seryosong boses.

 

Naputol ang pag-uusap nila nang biglang may kumatok sa kuwarto nila. Binuksan ni Andy ang pintuan. Si Annika ang nasa kabila ng pinto.

 

"Sir Andy, nandiyan na po silang lahat sa baba. Nagkasabay-sabay nga po silang dumating halos eh."

 

"Sige Annika, susunod na kami sa baba."

 

"Okay po Sir Andy. Si Sapphire po kukunin ko na po?"

 

"Huwag na, kami na lang ni Jade ang bahala."

 

"Sige po, bababa na po ako uli," paalam nito sa amo. Sabay biglang lumingon at sinabing," Sir, ang pogi ninyo talaga. kaya na-inlove sa inyo si Ma'am Jade," kinikilig na sabi nito. Umarte pa itong parang kinikilig.

 

 

Naabutan ni Andy at Jade pagbaba ang buong pamilya sa sala na masayang nag-uusap. Kalong ni Andy si Sapphire na napakaganda sa suot na princess gown.

 

"Ang ganda-ganda talaga ng apo ko," naunang sumalubong si Menchu para halikan ang bata.

 

"Siyempre naman nagmana yata sa anak ko," pagmamalaking sabi ni Papa Chen.

 

"Tumpak," masayang singit ni Lola Amor.

 

"Ano naman ang nakuha ng apo ko sa anak kong si Andy," birong tanong ni Papa Edison sa lahat.

 

"Pa, wala yata. Kasi pati pagka-suplada nakuha rin sa mommy niya," tukso ni Andy habang nakatingin kay Jade.

 

Natawa lahat sa tinuran ni Andy. Si Jade ay kinurot ang asawa sa tagiliran. "Ikaw ha kanina mo pa ako inaasar."

 

"Bro, sana ang sunod na baby ninyo ay sa iyo naman magmana para patas na," ani Trevor.

 

"Meron na ba?" tanong ni Amethyst kay Jade.

 

"Wala pa kaming planong sundan si Sapphire. Mahirap naman, lalo lang akong matatagalan bumalik sa trabaho pagnagkaanak uli kami agad ni Andy."

 

"Hindi pa ninyo susundan agad si Sapphire? Dapat may lalaki na kayo," naguguluhang tanong ni Jean Sy.

 

"Tita, hindi pa ready si Jade," kaswal na wika ni Andy.

 

"Jean, hayaan mo na silang mag-asawa. Basta ako ay nandito para i-spoil ang apo," masayang saway ni Papa Chen sa asawa.

 

"Nagtatanong lang naman," sabi ni Jean.

 

"Tara na sa garden parang may naririnig na akong mga bisitag dumadating," suggestion ni Zheny sa grupo.

 

Nasalubong nila si Onyx at Annie na kararating lang.

 

"Onyx, Annie mabuti nakarating kayo," nakangiting bati ni Jade.

 

"Pwede ba namang ma-miss namin ang first birthday ng inaanak namin," ani Onyx.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended