My Binondo Girl After Two Years Epilogue

8.2K 67 59
  • Dedicated to Bev Navarro and Lhee Camonino
                                    

Epilogue

   "Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!! Happy Birthday Xian and Xander!," sabay-sabay na kanta at bati ng pamilya at mga bisita ng kambal. Isang taon na ngayon ang napakagwapong si Xian at Xander. Kung ang ate nilang si Sapphire ay mini me ni Jade, marami namang nagsasabing kamukhang-kamukha ang mga ito ng ama nilang si Andy.

   "Mommy, I want the flowers," masayang sabi ni Sapphire na itinuturo ang decoration na bulaklak sa birthday cake ni Xian at Xander.

   "Masyadong matamis iyan, Sapphire," ani Jade.

   "Hayaan mo na, Jade minsan lang naman," nakangiting sabi ni Nanay Zheny.

   "Oo nga apo, pagbigyan mo na," sang-ayon ni Lola Amor.

   "Sige na nga. Sapphire, you can eat only one," utos niya sa bata.

   "Okay po, Mommy," tuwang-tuwa nitong sabi sabay subo sa edible flower.

   "Masarap ba, Princess?" tanong ni Andy ng madatnan ang anak na isinusubo ang icing na bulaklak.

   "Yes po, daddy! Isa pa please," nagmamakauwang hingi nito sa ama.

   "Sapphire, sabi ko isa lang di ba?" saway agad ni Jade bago pa makapagsalita si Andy.

   "Tama ang mommy mo tama na ang isa, Princess. Masyadong matamis masisira ang ngipin mo," paliwanag nito. Hindi na nagpumilit ang bata.

   "Trevor, Amethyst bahala na kayo diyan. Bumalik lang kayo sa buffet table, maraming pagkain doon," anyaya ni Jade sa mag-asawang nag-bubulungan at naglalambingan sa isang sulok ng lamesa. Six months pregnant na si Amethyst at mababanaag ang galak nito sa mukha. Nagniningning ang mga tinging ipinupukol nito sa asawa.  Samantalang bakas naman sa mukha ni Trevor ang pagkakontento sa buhay. Ikinuwento lahat ni Andy sa kanya ang tungkol na one-night stand na nangyari sa kapatid at sa modelong si Clara. Napagkasunduan nilang mag-asawa na huwag ng ipaalam ang nangyari kay Amethyst tutal wala na rin naman si Clara sa buhay ni Trevor. Nabalita rin sa media na nag-asawa na rin si Clara at Deo at namumuhay na ito ng tahimik.

   "Ang dami na ngang nakain ni Amethyst baka naman mahirapan siyang manganak pag masyadong malaki ang baby," tukso nito sa asawa.

   "Ano ka, ikaw nga diyan ang maraming nakain," natatawa nitong tanggi sa sinabi ni Trevor.

   "O sige maiwan ko muna kayo, baka makagat pa ako ng langgam dito. Masyadong nagkalat ang sweetness dito," nalulugod na wika ni Jade.

  Tumalikod na may ngiti sa labi si Jade. Masayang-masaya siya at gumaling na sa matinding depression ng half-sister niyang si Amethyst. Gumana ang mga gamot na ibinigay ng doktor dito at ang weekly session with the psychiatrist. Naging bonus na lang lalo nang malaman nitong magiging ina na rin ito sa wakas. 

   Si Nanay Zheny at Lola Amor ay kapisan pa rin nilang naninirahan sa mansyon. Si Mama Menchu naman ay masaya pa rin sa single life niya, kung hindi nakikipaglaro sa mga apo ay kasama nito si Nanay Zheny sa mga gimikan. Si Papa Chen at Jean Sy ay nag-desisyong maghiwalay na pagkatapos maliwanagan ng isa't isang hindi talaga sila compatible sa buhay.  Kasalukuyang nangliligaw uli si Papa Chen kay Zheny. Habang si Jean ay nababalitang may bago ng boyfriend na puti.

   Si Onyx at Annie ay nag-desisyon ng manirahan sa ibang bansa. At sa huling tawag ng mga ito sa telepono ay buntis na rin si Annie ng tatlong buwan.

   Si Edison Wu ay may bago na ring girlfriend na kasundo ng buong pamilya dahil sa sobrang bait nito.

   At si Naomi ay tuluyan ng naglaho. Ang huling balita nila ay nag-asawa na uli ito ng Italiano. Ikinuwento ni Jade ang nangyari sa park kay Andy noong araw din na iyon. Ayaw niyang maglihim sa asawa lalo na't tungko ito sa pinakamamahal na anak. Nakita niya kung paano tinakasan ng kulay si Andy nang marinig ang nangyari. Gusto nitong ipakulong si Naomi pero napigilan niya ito nang ipaliwanag niya na aalis na si Naomi ng Pillipinas para magbago. Matagal bago niya napakalma ang asawa ng araw na iyon.  Mula noon ay nag-hire na ito ng mga bodyguards para sa pamilya.

   Ang Twin Dragons ay hinirang na pinaka-stable na corporation sa buong Pilipinas. Sa ngayon ay forty branches na ang naitayo sa iba't ibang siyudad. Tulong-tulong pa rin silang lahat sa pamilya sa pagpapalago ng negosyo.

  Si Jessica ay nag-resign na sa pagiging empleyado ng Twin Dragons nang malamang lumayas na ang kakuntsabang si Naomi.  

  "Sapphire, did you brush your teeth already?" tanong ni Jade nang makita niyang pumasok ito sa kuwarto nilang mag-asawa.

  "Yes po mommy. Can I sleep here with you and daddy?" inosenteng tanong ng bata habang hawak ang pink teddy bear at baby blanket.

   "Sure, baby pero tonight lang ha," sagot ni Andy. Napakamot ito ng ulo sabay bulong kay Jade ng, "magaling talaga ang timing ng anak natin. Ayaw yatang magkaroon uli ng ibang kapatid."

   Napangiti si Jade sa ibinulong ng asawa. "Maghanda ka na dahil pag lumaki na iyong kambal, kailangan na nating palitan itong ordinary king-size bed sa  California king-size."

   "Come here sa daddy, Princess," tawag nito sa anak.

   "Daddy, Mommy, I love you."

   "I love you to pieces, Princess," malambing na sabi ni Andy.

   "I love you, too," sabi naman ni Jade.

   Mahimbing na ang tulog ng unica hija nila, naka-puwesto ito sa gitna ng kama nang magsalita uli si Jade.

  "Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na ang kambal at si Sapphire naman ay mag-aaral na pasukan," ani niya kay Andy.

   "Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang pwedeng maging ganito kasaya ng buhay ko. I feel that I'm the luckiest man alive in this planet to have the most beautiful and loving wife and three adorable kids. It's like my heart would burst any minute just by looking at you and our babies, Jade," seryosong sabi ni Andy.

   "Andy, kahit mawala pa ang lahat ng kayamanan ko huwag lang kayo ng mga anak ko. Pagsamasamahin man lahat ang hirap na dinanas ko sa buhay ay kaya kong balikan basta ikaw pa rin ang nandoon sa huli," madamdaming niyang sabi sa asawang nagbigay ng totoong kahulugan ng wagas na pag-ibig.

   "Jade, you and our kids are the true meaning of love for me. The reason for my survival, the joy and passion of my life." 

   Sunod-sunod ang patak ng mga luha sa pisngi ni Jade sa sinambit ng asawa. Walang kibong niyakap niya ito ng mahigpit na ginatihan naman ni Andy ng ubod-tamis na halik. 

******My dearest readers. I had so much fun writing this story and in the process I had the privilege of knowing some of you, creating beautiful friendships along the way that I'm hoping will last forever, beyond MBG ATY.  Thank you for being there during this journey. I totally enjoyed the ride with you.

I have another story, "The Love Story of Xian and Kim" that I'm hoping will also be embraced with the same intensity you did with MBG ATY.  For those of you who will not read any of my stories in wattpad.com anymore.  I will miss your comments, chats and texts. :)

I will choose the winner of MBG ATY next week. I will announce it in Twitter, Facebook and wattpad. I will be busy again starting tomorrow because my father will have a pacemaker done. I just felt that I owe my readers this last chapter that's why I decided to finish it today. Thank you so much!

For my last request, please share your thoughts, comments in Twitter, Facebook and or wattpad. Thanks.

My Twitter account is gidgetwitty. 

   

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Where stories live. Discover now