The Beginning - White

1.8K 46 4
                                    

A/N

Ayan, Medyo, heavy ang magiging english ng mga conversation ng mga puti! O, baka naguguluhan kayo sa ibang bagay tungkol sa nakalipas na chapter? Wag kau mag-alala, gagawa ako ng one sot tungkol sa mga bagay na iyon!

Well, As usual, vote vote din pag may time! Isang click lang naman ang kailangan eh. Haha. 

Enjoy lang, after nito, medyo bibilisan ko na ang mga pangyayari.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Alex's POV----

Bumangon na ako ng kama ko, tulog parin si Kidd. Pinakiramdaman ko ang bahay kung may gising na ba o wala pa, mukhang wala pa dahil tahimik ang boung paligid. Hangin lang ang makikita at at ang mga sasakyan lang sa labas ang naririnig ko.

Bumangon na ako at nagpalit ng pang bahay. Shorts at sando lang ang sinuot ko dahil naiinitan ako sa klima dito sa bansang ito. Lumabas na ako ng kuwarto ko at nakita ko si Rose na nakatayo sa may hagdan kung saan ko siya nakita kagabi. Hindi parin nagbabago ang kanyang emosyon mula kagabi, hindi rin bakas sa kanya na natulog siya.

Binati ko siya at tumingin naman siya sa akin. "Good Morning young master" Ani nito, malamig parin ang boses pero bakas parin ang pagka neutral nito. Hindi ko maintindihan at patuloy nalang akong bumaba papunta sa kusina. mukhang siya lang ang gising dito sa bahay na ito sa oras na ito.

Natapos ko na ang pag luluto at pag hahanda sa lamesa namin. Mga simpleng agahan lamang na nailuto ko dahil narin ito lang ang available sa kusina at kaunti lang naman kami na kakain.

Ilang sandali pa ay bumaba na ang lahat. Si Rachel ay inaalalayan si Kidd. Nakalimutan ko pala siya sa aming kuwarto. Si Mikhael ay nagsalita. "What a good Breakfast we have today! you prepared this young master?" Tumango lang ako at sinimulang kunin ang pitchel ng juice. Kumpleto na kami sa hapag kainan, maliban nalang si Rose.

"Rose! Come eat with us!" Sigaw ko patungo sa hagdan kung nasaan parin siya.

"It's useless" Sabi ni Albert na halatang natatakot o nahihiya.

"Huh?" Napatingin nalang ako sa kanya na may pagtataka.

"Well, Rose doesn't need to sleep or eat. She is constructed that way." Sabi ni Rachel na biglang nalungkot. Hindi na ako nakasagt nang makita nang mag iba ang timpla nilang lahat. Kasama narin ang dalawang bata sa kabila ng lamesa.

sinubukan kong baguhin ang mood sa kainan. "So," tingin ko sa batang babae na katabi ni Kidd, tumngin naman ito sa akin habang may nginunguya na pagkain. "You still don't have a name do you?" Tumango lang siya.

"Are you thinking to give him a name Master?" Sabi ni Mikhael na parang natuwa naman sa narinig niya.

"Yes, And I am thinking, how about Lamia?" Sabi ko habang nakatingin ako sa mata niya, napaka ganda at nakakaakit.

"Lamia? One of the cursed being?" Pagtataka naman ni Rachel.

"Instead of bearing it as a curse, then why not treat is as a blessing. After all, names to us makes us who we are. I decided to name her Lamia because of the natural beauty she had. Strong personality and the flexibility." O I pointed out.

"Well, the only way that we could agree to that is if the kid will accpet that." Singit ni Albert, Tumnin siya sa batang babae at napatingin kaming lahat. Nakangiti lang siya.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingWhere stories live. Discover now