Darn That Reality Show: PROLOGUE

9.7K 157 23
                                    

Year started: 2014
-------------------

Ayoko na.

Ayoko na.

Ayoko na!!

Kasalukuyan akong nakaupo sa inidoro at nagllunch sa loob ng isang cubicle.


Ang sasama ng mga ugali nila! Akala mo naman mga wala kaming pinagsamahan! sigaw pa ng mga brain cells ko sa sobrang inis. Halos ma-murder ko na ang baon kong hotdog gamit ang tinidor.

Oo, lunch na pero hotdog ang ulam ko, alam nyo kung bakit? dahil hindi ako makabili sa canteen ng Company namin. Paano ba naman kasi, pinagcchismisan ako! Kaw ba naman pagchismisan ng harap harapan?!


Nakakainis!! Shit! Kung wala lang talaga akong kontrata, magreresign na ko! Pag nagresign naman ako, makakasuhan pa ko ng breach of contract!! Double shit!

Sinubo ko na lang ang hotdog ng may marinig na pumasok sa banyo. Tinakpan ko ang bibig ko at itinaas ang mga paa ko.

"Hay nako girl ha, naiinis na talaga ako jan kay Andrey."

What the hell?!! Pati ba naman dito sa kubeta ako pa rin?! isip isip ko

"Right Sis, ewan ko nga ba jan kay Andrey, makikipagbreak na nga lang, dun pa sa leading man natin! Nawalan tuloy tayo ng artista!"

Napafacepalm na lang ako habang nakikinig sa usapan nila.

Oo, totoo yun.. ako yung Andrey na pinaguusapan nila... Queen Andromeda Santorca... aka Andrey. Im also that same Andrey who broke up with the hottest dude in today's generation.

Matapos ang ilang flush, narinig kong lumabas na ang dalawang bruha at naibaba ko na ang mga paa ko.

Napatingin na lang ako sa kawalan habang inaalala ang mga nangyari sa amin ni Percy.


Si Percy na naging buhay ko mula nun limang taong gulang pa lang ako.

Natauhan na lang ako ng may tumulong luha sa baong kinakain ko. Pinunasan ko ito at lumabas na ng cubicle.


Tumingin ako sa salamin at tumitig sa repleksyon ko.

Siguro nga nakakainis talaga ako.. I'm so worthless that I failed this Network.

Its because of me kaya maraming empleyado dito ang nawalan ng trabaho.

Its also because of me kaya nagbubunyi ngayon ang mga matatandang naglalaro ng chess dahil tumaas ang TV ratings nila. Imagine? Naungasan pa kami ng mga matatandang nagcchess?!

We are a laughing stock in today's showbiz business!! Lahat ng teleserye at game shows namin nilalangaw! Darn this! dapat pala inisip ko muna ang ibang tao bago si Percy!


Napabuntong hininga na lang ako at matapang na lumabas ng banyo. Oh well, nandito na eh.

Pwes! magharap harap na tayo! kung ayaw nila sakin, mabuti ng sabihin nila sa pagmumukha ko! di na ko magtatago! ayoko ng mastress!!!

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now