Chapter Twenty Eight: Giving Up

89.3K 1.6K 154
                                    

Chapter Twenty Seven: Giving Up

<Jared POV>

Napahinto ako sa pagpasok nang marinig ang tinig ng mga kaibigan. 

"Are you sure, you can't remember me?" 

"How about me? Can you recognize me?" 

"It's me, Vince."

"And I'm Tyron. The most handsome guy you've ever seen."

Tinignan ng masama ni Vince ang kaibigan.

"Huwag ka nang kumontra. O sige, cute na lang!"

"You're not even cute."

Nangingiti lang na nakamasid si Patte sa dalawa. She also couldn't remember them. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon dahil hindi lang pala ako ang nakalimutan niya.

"Hey! You two, get out of here." Banayad kong asik. Napalingon silang lahat sa may pintuan. "Your visiting hour is over." 

"Kararating lang kaya namin." Sumimangot si Vince nang makita ako.

"At nauna kaming dumating sayo." Katwiran naman ni Tyron. "Just wait for your turn outside. Tatawagin ka na lang namin pagkatapos."

Pero magpapatalo ba ako sa kanila? 

"Pinatatawag nga pala kayo ni Mark sa opisina niya?" Naisip kong sabihin. Kung bibitbitin ko sila palabas ay siguradong mahihirapan lang ako.

"Bakit daw?" Mabilis na tanong ni Tyron.

"Nangangailangan na naman ng blood donor ang pasyente niya."

Mabilis na tumayo si Tyron. "Oo nga pala. May lakad pa pala kami." At hinila nito ang naguguluhan na si Vince palabas.

"Wala naman tayong ibang pupuntahan."

"Mayroon. Nakalimutan mo na ba? O baka gusto mong matusok ng karayom at makapag-donate ng dugo ng di-oras." 

"Ha?"

Hanggang sa tuluyan silang makalabas ng pinto ay hindi maalis-alis ang ngiti ko sa mga labi. Wala na ang mga istorbo. Pagkakataon ko na ito para masolo si Patte. I need to talk with her. We need to talk. Kung kailangang ipaalala ko sa kanya isa-isa ang nakaraan namin ay gagawin ko para lamang maalala niya kung ano ako sa buhay niya.

Nang lumingon ako ay Patte ay tahimik lang siyang nakamasid sa akin. 

"Hi!" Bati ko at marahang lumakad patungo sa kanya. "I guess they already told you who I'am."

"Y-you're Jared?"

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon