Chapter 4: National Bungguan Day

238K 6.7K 490
                                    

"Ash, tara, bilis!"

Hindi pa man din ako nakakamove on sa nalaman ko ay bigla na lang ako hinila papasok ni Marga sa classroom.

May lahing pagkabastos din ‘tong bestfriend ko e. Hindi man lang ako hinayaang makapagpaalam ng maayos sa kausap ko.

Wala na akong nagawa kaya napatingin na lang ako kay Phoenix. Tinanguan naman niya ako saka kumaway. Bilang ganti, tumango na lang din ako.

"Ano na naman ba ‘yang problema mo? Makahila ka akala mo naman wala akong kausap doon sa labas."

"Meron ka bang kausap kanina?"

Minsan talaga hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan lang ba o medyo tanga talaga 'tong si Marga. Kakasabi ko nga lang tapos itatanong pa.

"Ay, basta! Kung sino man ‘yang kausap mo, hindi ‘yan importante. May news ako! Mas importante 'to!" tuwang tuwa siyang niyuyugyog ako habang ang poor brain ko, nahilo na sa ginawa niya.

 Kaya lang dahil chismis 'to.. ibang usapan na. Hinawi ko ang kamay niya na nakalagay sa balikat ko at ako naman ang yumugyog sa kanya, "Ano? Dali. Go!"

"Sandali pwede? Makayugyog. Ganito kasi.." tiningnan niya ako at ngumiti na parang kinikilig.

One. Two. Three. Four. Five. Five seconds at hindi pa rin siya nagsasalita kaya kinurot ko siya sa braso, "Ano ba! Wag ka kayang pabitin! Ayan na e! Dali na!"

“Kasi ano.. Kasi.. Kasi.. Kasi.. OMG.”

"Hi, Marga!"

Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil dumating ang napakagaling na boyfriend niya, "Yo, Ash!"

"Bwisit ka, Rocco! Lumayas ka nga lang sa harapan ko! Kitang nagchichismisan kami dito tapos iistorbo ka! Layas! Doon ka sa upuan mo! Shoo!"

Sa halip na umalis ay mas lumapit pa siya saka umakbay kay Marga at bumulong, "Ano na naman ba ang pinakain mo kay Ash? O baka may dalaw ba ‘yan? Highblood masyado."

Highblood pala ha. Sige, tingnan natin kung paano ang highblood.

Kinuha ko ang bag ko saka ‘yun pinagpupukpok sa kanya, “Layas sabi! Layas! Layas!”

Natatawa siyang tumayo at saka nagpaalam para pumunta sa upuan niya which is sa harap lang naman namin ni Marga.

Hindi sila magkatabi kasi sabi ko huwag silang magtabi. Ako kako ang bestfriend kaya dapat ako ang katabi ni Marga. Utang na loob na nga nila sa akin na pinaghiwalay ko sila e. Paano na lang kasi kung magkatabi sila sa upuan tapos palagi pa silang magkasama? E ‘di malakai ang tendency na magkasawaan sila at magbreak. Kaya dapat matuwa sila sa ginawa ko. Ang bait ko kaya sa kanila.

"Ayan, wala na. Ano na? Bilis.”

"Ganito kasi.. nagtransfer na sila sa school na 'to," bulong niya habang kilig na kilig pa.

"Sino?"

"’Yung isa, ‘yung pinakagwapong student nung kabilang school. Tapos ‘yung isa naman, ‘yung famous sa mga social networking sites. Paano kasi ang galing maggitara. Hindi nga lang naririnig pang kumanta."

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now