PROLOGO

30K 491 18
                                    

PROLOGO

Heto na naman ako.

Nakatayo sa tabi ng napakalaking pinto ng simbahan. 

In fairness, bongga ang wedding na ito. Puro white, red carpeted pa... white flowers at ang wedding march ay nagsimula nang patugtugin sa organ ng simbahan. Isa-isa nang nagsipaglakaran ang mga abay hanggang sa makarating na nga sa bride.

The bride is very pretty. In fairness. Ako nga ang nanghihinayang dahil hindi siya mahal ng gwapong groom na hayun at naghihintay sa harap ng altar.

Sayang din kasi hindi niya mahal yung magandang bride.

Tsk. Tsk. Sayang na sayang.

Hanggang sa nakarating na sa altar ang bride at groom. Mula sa gilid ng pinto, naglakad na ako papasok ng simbahan. Naupo ako sa tabi ng isang guy na hindi ko kilala. Tulad ko nakahiwalay din siya mula sa mga abay at bisita sa kasalang ito. Ewan ko kung bakit... and I don't care.

What I care about is my mission why I am here.

I am here to...

"Kung sino man ang tumututol sa kasal na ito ay magsalita na o habangbuhay na lamang na panghawakan ang inyong katahimikan."

Nabalot ng katahimikan ang kapaligiran.

At ako naman ay binalot ng kaba.

It's my second time doing this job... Just my second time. So, hindi pa ako sanay.

And hello? Kailan ko pa in-ambisyon na maging wedding crasher?

Pero no choice. Naibigay na sa akin ng groom at ng bride ang bayad nila sa akin.

Ten thousand. Tig-five thousand sila.

Malaki na rin iyon. Tama na para sa pang-enrollment ko this upcoming fourth year in high school.

Tumayo na ako at madramang ini-extend pa ang isang kamay. Kulang na lang ay kumendeng ako at bumirit ng "Stop! In the name of love!!"

"ITIGIL ANG KASAL!!!!!!" sigaw ko.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon