Chapter Twenty Four: The Past

90K 1.5K 124
                                    

Grabe, dinugo ang utak ko sa mga eksena.. hindi talaga ako sanay mag-drama ! Pang-comedy lang talaga ang peg ko. Anyway, malapit na pong matapos ang story ni Papa Jared, para mag-give way naman sa story ng isa pa niyang siraulong kaibigan.. si Vinci Boy. And I hope you also support my upcoming stories katulad ng pag-support ninyo sa IG at NTIFIL.. (Nu ba yan? Para na akong nagpapaalam nito...)

Enjoy reading everyone ^___- Y



Chapter Twenty Four: The Past

TRISHA

Halos hindi ko maidilat ang mga mata habang kinakapa sa ilalim ng unan ang maingay kong cellphone.

Naman! Umagang-umaga may istorbo.

"S-sino 'to?" Bungad ko sa kabilang linya. Hindi na ako nag-abalang tignan kung anong pangalan ang lumitaw sa caller id.

"Good morning, sweetheart! How's your sleep? Napaginipan mo ba ako?"

Naisubsob ko ang mukha sa unan. Si Jared!

"Alam mo ba kung anong oras pa lang?"

"Yup! Oras na para bumangon ka at sabayan mo akong mag-breakfast."

"Nasaan ka ba?"

"Nandito...sa tapat mismo ng kuwarto mo."

"What?" Napabangon akong bigla at mabilis na lumingon sa pintuan. "D'yan ka lang! Huwag ka munang papasok," nagmamadali akong bumaba ng kama.

"Bakit?"

"Basta!" Pero nang makita kong pumihit ang doorknob ay nagtatakbo ako patungo sa banyo.

Hindi niya ako pwedeng makita. Naka-underwear lang ako.

"Pate!" Tawag ni Jared. Nasa loob na siya ng kuwarto ko. "Nasaan ka na?"

Mablis kong ni-locked ang pinto ng banyo. Mabuti na ang sigurado.

"Pate!" Sunud-sunod ang ginawa niyang pagkatok at pinihit niya ang doorknob. "Nandyan ka ba sa loob?"

"Jared, hintayin mo na lang ako sa ibaba! Susunod na lang ako!" Pasigaw na sabi ko. Hindi ako makakalabas ng banyo hangga't naroon siya.

"Gusto ko sabay na tayo. Hihintayin na lang kita!"

Naman!

"Mauna ka na sabi!"

"Bakit ba ayaw mong lumabas dyan? Alam ko na...ayaw mong ipakita sa akin ang itsura mo na bagong gising," he said playfully. "Kahit na ano pa ang itsura mo, maganda ka pa rin sa paningin ko. I've seen you at your worst. Kaya wala kang dapat ikahiya sa akin."

Binuksan ko ang pinto at isinungaw ang ulo. "Hindi ka rin makulit no? Ang sabi ko hintayin mo na lang ako sa ibaba!" Angil ko. Pinag-iinit ng lalaking ito ang ulo ko.

Ngumiti lang si Jared. "Ano ba kasi ang ginagawa mo sa loob at ayaw mong maistorbo?" Tinangka niyang itulak ang pintuan. Mabuti na lang at napigilan ko iyon."May itinatago ka ba?"

"Jared!" Warning ko. Baka makita niya ang hindi dapat makita.

Nanadya naman na lalo pa niyang itinulak ang pintuan. At wala akong laban sa lakas niya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon