14

4.4K 180 36
                                    

Lindsey


Letter # 2

Kung Sino Ka Man,

Alam mo bang na-feature ang isang sulat ko, sa isang newspaper sa campus?


Pinasa ko kasi 'yung isa. Napost iyon sa internet ng department nina Mischa. Akala ko kasi kapag nabasa niya 'yun, ipapakita niya 'yun sa iyo. Baka kasi sakaling bumalik ka.


Pero in case na hindi mo nabasa at hindi rin ito nakita ni Mischa, eto na.


Lindsey,

Alam mo ba, ngayong araw na ito, narealize ko na may magic pala. Ang corny 'no? Pero alam mo 'yun? Hindi 'yung magic na parang kay Harry Pottter. Hindi 'yung may wand tapos may spell, tapos bigla na lang iigsi ang buhay mo.


Ibang klase ng magic. 'Yung magic ng first love. O 'diba? Nadouble dead ka na siguro sa kacornyhan.


Kung dito man hihinto ang first love ko, siguro masaya at kuntento na ako dahil nakilala kita. Dahil naiparamdam mo sa akin ang ganitong feeling. Dahil kahit papaano, may masasayang mga memories parin akong babalikan, pero sana bumalik ka parin.


Masaya ako dahil ikaw ang pinili ko. Kung may dadating pa man na sasabihin ng tadhana na mas hihigit pa sa'yo, handa akong makipagdebate sa kanya para lang mapatunayan ko sa iyo na, ano ba?! Wala nang mas hihigit pa sa iyo.


Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakilala kita, kahit ganito ang ending natin.


Lindsey,


Kahit na hindi ikaw ang itinadhana sa akin, mananatili ka paring espesyal sa buhay ko.


Kasi ikaw ang pinakaunang tao na nagparamdam sa akin na may magic.


Kung Sino Man Ako


Dati-rati, halos isumpa ko na ang buwan ng February. Kasi ang unfair naman nun, parang ipinamumukha lang ng buwan na iyon na mag-isa ka at wala kang ka-date at wala kang matatanggap na flowers!


Nung high school kami ni Mischa, inggit na inggit kami sa mga babaeng may dala-dalang flowers at stuffed toys tapos kami, wala kaming dala-dala. Naiinggit kami doon sa mga babaeng hinaharana sa classroom, pati na rin doon sa mga niluluhudan na lang agad sa corridor. Oo, niloloko namin sila na eww ang corny naman nun, pero deep inside, iniisip namin kung ano kaya ang feeling kung kami 'yun.


Dati-rati iniisip ko kung ano ba 'yung feeling nang nakakatanggap ng ganung effort mula sa isang lalake.Hindi ba? Parang nakakaflatter na out of nowhere bigla ka na lang bibigyan ng flowers kahit wala namang occasion? 'Yung bibigyan ka ng teddy bear na gabi-gabi mong yayakapin pag natutulog ka. 'Yung bibigyan ka ng chocolates na pakonti-konti mo pang kakainin para lang hindi agad maubos.

Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now