4

3.1K 135 38
                                    

PRINCE

"Anyare pre? Akala ko okay ka na? Na nakamove on ka na? Bakit parang babae ka naman diyan kung makapagsalita ng masama tungkol kay Lindsey?"sabi ni Kenji. Andito kami sa rooftop ng bago naming boarding house. Dito kami halos laging tumatambay, kasama na 'yung isa pa naming roommate na si Hiro.


Sa totoo lang wala akong masabi kay Kenji kasi kahit ako hindi ko alam kung paano ko ieexplain sakanila ang pinagdadaanan ko na hindi nagmumukhang babaeng may PMS. Hindi ko alam bakit ganun ang naramdaman ko nang makita ko si Lindsey. Parang gusto ko siyang i-confront na ewan. Parang gusto kong malaman ang lahat ng sagot sa mga tanong ko. Parang naging mas masaya kasi siya nung umalis siya. Parang ang laki kasi ng ipinagbago niya.


"Ayaw kitang suwayin kasi baka naman ano pa ang magawa mo pag hindi mo nailabas 'yan pero alam mo 'yun, lahat may limitasyon, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya sayo at kahit gaano pa kabigat ang galit mo sakanya."


Gusto kong tumawa ng malakas. Alam ba ni Kenji ang pinagsasabi niya? Naramdaman na ba niya itong naramdaman ko? Alam ba niya 'yung ganitong feeling?


"Wag kang magsalita ng ganyan hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko."


Nagulat si Kenji at napatingin sa akin, "Oy, medyo serious mode na. Ang gusto ko lang namang iparating sa'yo e kahit gaano pa kalaki ang ipinagbago ni Lindsey, sana naman 'wag kang makisabay dahil lang galit ka."


"Alam mo ang solusyon diyan?" Biglang singit naman ni Hiro. "Labas tayo! Foodtrip ganun! Mas masarap maglabas ng sama ng loob pag may laman ang mga tyan natin!"


Mas mabilis pa kay The Flash ang pagtayo ni Kenji at pagbibihis niya para lang makatikim uli ng isaw sa may kanto. Pero bandang huli, nagtake out rin lang kami ng isaw, barbeque, one day old at paa ng manok habang si Hiro ay may bitbit na palang alak galing 7/11.


"Ano 'yan?"


"Soju, pre! Nakita ko kasi to sa pinapanood na telenovela ng kapatid ko. Mukhang masarap. Maiba naman!"


"Wag ka nga diyan! Kung alam ko lang ikaw nanonood ng mga koreanovela e! Rinig na rinig kita sa pagtulog mo! Hanggang sa panaginip mo nag sasaranghae ka!"


Nagbangayan si Hiro at Kenji hanggang sa makarating ulit kami sa rooftop. Naglabas ng tatlong maliliit na baso si Hiro habang si Kenji naman ay pinaghiwalay-hiwalay at biglang nag-categorize nung mga pinamili namin. Huli raw namingkakainin ang isaw. 'Yun kasi 'yung pinakamasarap.


"First time tayong iinom a! Akalain mong third year na tayo, pero ngayon lang tayo iinom!" excited na sabi ni Kenji.


"Umiinom ako, pre! Hindi niyo lang alam!" sagot naman ni Hiro.


Ako? Sa sobrang pagfocus ko sa pagsulat ng isang milyong sulat e halos nakalimutan ko na ang mga hobbies ko. Pati nga sarili ko, hindi ko na naalagaan. Nagkapimple tuloy ako sa may ilong! My handsome face!


"Para saan ba 'yung mga sulat mo, pre?" tanong ni Hiro.


Isang Milyong Sulat 2: The EndHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin