8

2.1K 105 13
                                    

PRINCE


"E akala ko ba galit ka kay Lindsey? Na nagmove on ka na? E bakit parang gusto mo uling punasan at lagyan ng red carpet ang lahat ng dinadaanan niya?"


Ewan ko kay Kenji kung bakit ganun nanaman ang sinasabi niya. Nagmove on na nga ako e. Ang sama ko naman 'diba kung magsusungit ako hindi ba? Tsaka hindi naman ako 'yung maangas na bad boy e. Mabait ako, ayoko ng pa-cool! I am me! Ganun!


"Hayaan mo na kasi! Malay mo, inlababo uli! Kung sila, sila! Huwag kang mabulag sa kaastigan ni Cindy! Hindi sila meant to be ni Prince!"


Minsan iniisip ko, parang mas may say pa 'tong dalawang 'to sa love life ko ha. Si Kenji, pro Cindy. Si Hiro naman, pro Lindsey!


"Kung alam mo lang kung gaano nawasak si Prince nung iniwan siya ni Lindsey, hindi mo masasabi 'yan! Kahit magmukha akong corny at baduy sa sinasabi ko, okay lang basta para kay Prince! Ang sa akin lang, gusto ko doon si Prince kung kanino siya hindi masasaktan." sabi ni Kenji habang gumagawa ng assignment namin sa Math sa may sala.


"Hindi nga siya sasaktan, pero mahal niya ba? Kung pipiliin niya si Cindy, para na ring nakipagdate si Cindy sa mannequin!"


"Wag nga kayo! Lalabas kami ni Cindy ngayon!"


Biglang tinaasan ni Kenji ng noo si Hiro.Sa totoo lang, napilitan lang naman akong sumama sakanya kasi ilang beses na niya akong inaya tapos lagi akong may excuse. Nakonsensya pa nga ako nung sinabi niyang, "aayain sana kitang magsine e. Libre ko! Taken 3! Kaso baka mag-general cleaning kayo nina Hiro e."


Alam mo 'yun? Hands down ako sa mga pang blackmail ng mga babae. Tipong kayang kaya ka nilang manipulahin para ikaw 'yung lalabas na masama kapag hindi ka susunod sa mga gusto nila. Iba si Cindy e. Masyado siyang magaling sa salita na kaya ka niyang paikutin para lang lumabas na siya ang tama at ikaw ang mali. Tipong kung sales lady siya sa isang department store at sinimulan akong isales talk, malamang sa malamang, bibilihin at bibilihin ko ang kahit na ano man ang ioffer niya para lang hindi ako magmukhang masama at kuripot.


Pati libre niya naman e. Ano pa bang irereklamo ko sa libreng pagkain at sine?


Matapos kong maligo, dumiretsyo ako sa kwarto para mamroblema sa susuotin kong damit. Pero hindi ko na pala kailangang isipin ang isusuot, dahil ayun may nakaready ng polo sa may ibabaw ng cabinet ko. Plantsado at mukhang na-sprayan na ng pabango. Seryoso? Polo at black pants sa sinehan? Nasa tabi nun ang wax at mamahaling signature cologne ni Kenji pati na rin ang whitening toothpaste nito. Ano bang akala niya, puputi na agad ang ngipin ko sa isang gamitan lang?


Ginamit ko 'yung wax at pabango pero 'yung pang binyag na damit? No way! Pagkalabas ko ng kwarto kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Kenji.


"Di mo sinuot 'yung polo, pre."


"Baduy naman nun, para akong ninong sa binyag!"


"Para kang mamamalengke sa suot mo!"


Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now