12

2.1K 98 6
                                    

PRINCE


Ang hindi ko lang naman talaga maintindihan e kung bakit napunta kay Lindsey 'yung sulat ko na iyon? Paano napunta iyon sa kanya e nasa kahon lang naman lahat ng sulat na ginawa ko noon? Ilang beses ko pang chineck lahat ng kahon at wala namang signs na nabuksan 'yung mga 'yun. Kaya nagtataka ako kasi ang alam ko naka-seal lahat 'yung mga kahon na 'yun.


Kung ano man pong engkanto o multo ang meron dito sa kwarto ko, please po. Kunin niya na po ang lahat sa akin. 'Wag lang po kayong magpakita.


"Alam mo, medyo pa-hard to get ka pa e." Umupo si Hiro sa tabi ko matapos mag-ring ang bell at may thirty minutes pa kami para lumipat sa next class. Ewan ko, isang linggo na ang nakakalipas simula nung itanong sa akin iyon ni Lindsey, kung bakit kasi hindi ko na lang 'yun sinagot ng maayos. Prolonging the agony.


"Nangyari na."


"Ayan e. Diyan ka magaling. Pag nandiyan na yung solusyon sa problema lagi mong tinatakbuhan." Ewan ko kung bakit pati si Kenji ay nakikisali na rin sa pangongonsensya sa akin samantalang dati e halos wasakin na niya ang mukha ko dahil sinaktan ko si Cindy.


"E sa nangyari na nga. Ano pang magagawa natin mga, pre?" Kahit naman anong gawin ko, hindi ko naman na maibabalik 'yung oras. Haay, ganun talaga ang buhay. Minsan wala sa timing ang mga bagay-bagay.


"Nandyan na nga e. Siya na nga ang lumapit e."


"Kaya nga! Ni hindi mo na lang inamin na sa'yo galing 'yun at nakumpleto mo 'yung isang milyong sulat. E di sana kahit paano, medyo malapit na sa happy ending!"


"Baka naman kasi wala pa sa end kaya hindi pa happy."


"Ano 'yan, pang habang buhay na kayong magta-tug of war nang walang nananalo?"


"Sino sa inyong dalawa?" tanong ko. Walang sumagot sakanila at sabay pa silang yumuko. 'Wag nilang sabihing dalawa silang guilty?


"Kelan pa?"


"Naaalala mo 'yung time na pumasok ako sa kwarto mo nang hindi kumakatok at nahuli kitang umiiyak habang pinapanood sa Youtube 'yung lyrics video ng nothing's gonna stop us now?"


T_____T


Ayun 'yung sinagot ko si Kenji ng "theme song namin 'to e," habang hindi ko na alam kung luha ba o sipon 'yung nalalasahan ko habang nagsasalita.


Teka nga! Ang tagal na nun a!


"Kasi pre, aanhin mo naman 'yung mga sulat kung hindi mo rin naman ipapadala 'diba?"


"Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa inyong dalawa. Pero isang tanong pa. Ilan na?"


Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now