9

2.3K 104 17
                                    

Lindsey


Letter # 989, 232


Kung Sino Ka Man,

Kung meron man akong idedate, siguro 'yun 'yung babaeng magpapatunay lang sa akin na nage-exist si Tohru Honda. Hindi dahil maganda at mabait siya. Kung hindi dahil siya lang ang makakapagpaalala sa akin na totoo ka.


Kahit anong mangyari, kahit sino pa ang ibigay sa akin ng tadhana para makasama ko sa buhay, kahit na hindi ikaw, ikaw at ikaw parin ang hahanapin ko sa kanya. Kasi, Lindsey, ikaw ang tadhana ko.


Kahit nasaan ka pa.


Kahit hindi ako ang tadhana mo.


Pipilitin kong ikutin at baliktarin ang tadhana...


Para lang sayo.


Kung Sino Man Ako.


Naglalakad lang kami nun ni Mischa sa mall. Hindi naman talaga kami manonood ng sine, instinct nalang siguro ang nagudyok sa aming dalawa na umakyat papuntang 4th floor para tignan ang mga sine na showing nang araw na iyon. Okay fine! Sige! Nakita namin si Cindy at sinundan siya dahil sa pustura niya, mukha siyang may kadate. At ayaw kong isipin na kilala ko ang kadate niya.


Alas tres 'yun ng hapon. Tirik na tirik ang araw at ayun si Cindy, nakapink na dress at pink na doll shoes, samahan mo pa ng pink na headband at bag. At eto pa, naka-tights. Buti hindi pink.Kasi, alam mo 'yun? Feeling ko tuloy pati skin tone niya, pink. Umupo siya sa may waiting area at ayun kami ni Mischa, feeling paparrazi na naghihintay kung sino man ang dadating kahit na alam naman naming pareho na si Prince ang hinihintay niya.


"Anyare, Lindsey? Umalis-alis ka pa para kalimutan si Prince eto naman tayo ngayon, parang mga batang nakakukot dito sa tabi at naglalaro ng tagu-taguan."


Hindi ako umimik. Bumalik ako para kay Prince. Bumalik ako para ibigay ang chance na hindi ko ibinigay sa kanya noon at bumalik na rin ako para humingi ng tawad kung ano mang sakit ang naidulot ko sakanya. Mali ang ginawa ko. Pero may mali rin naman si Prince.


Aaminin kong wala akong karapatang magselos. Ako na nga iyong umalis at iniwan siya, ako pa ba ang may karapatang mag-inarte at magalit sa kanya ngayong meron na siyang iba? Ang unfair naman sa part ni Prince 'yun. Unfair. Kahit na pinagpustahan niya lang ako.


Hanggang ngayon, napapanaginipan ko parin si Andrei habang paconyo niyang sinasabi na naloko ako. Naloko nila ako. Silang lahat!


Malinaw ko pang naaalala'yung practice ng graduation. Naglalakad ako noon pabalik sa classroom namin para sana balikan at kunin ang aking pamaypay dahil ang tindi ng init sa gym. Para akong sinisilaban ng buhay.Hindi ko rin naman magawang magpaypay gamit ang uniform ko kasi katabi ko si Prince. Tapos pinagpapawisan pa ako, ano na lang ang maaamoy niya nun?

Isang Milyong Sulat 2: The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon