10

2.1K 108 19
                                    

PRINCE

"Heto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Sana may luha pa, akong mailuluha at nang mabawasan ang aking kalungkutan..."


Feel na feel ko ang kanta ng isa sa mga hit songs noon ng Aegis habang tumatakbo ako papalayo kay Lindsey. Alam mo 'yung parang nag-slow motion ang lahat at huminto ang mga sasakyan sa kalye nang huminto ka. Walang bubusina, walang makikiepal. At paglingon ko, andoon si Lindsey na basa rin sa ulan. "Prince, mahal kita." Dahan-dahan akong maglalakad papunta sa kanya at yayakap...


"HAAACHOOO!!!"


"Kumusta ang date?" walang buhay na tanong ni Hiro habang nanonood ng The Buzz. Kahit ano pang imagine ko na hinabol ako ni Lindsey, wala parin talaga.


"Sinipon ako pre."


"Wag mong paasahin kung hindi mo talaga gusto. Kawawa naman. Type pa naman ata ni Kenji."


Pinagsasabi nito? E si Kenji nga ang nagpupumilit sa akin na i-date ko si Cindy e.Tapos type ni Kenji si Cindy? E bakit hindi na lang siya 'yung pumorma 'di ba?


"Alam mo, kakanood mo 'yan ng The Buzz!"


Lumabas sa kwarto si Kenji papuntang kusina na hindi man lang ako napansin. Mukhang bad trip siya sa mundo. Para siyang niloko ng sampung tao kung saan nag-invest siya ng malaki. Lumapit sa akin si Hiro at bumulong, "kapag nakita ka niya, pustahan, tatanong niya kung bakit ganun ang ginawa mo sa date niyo ni Cindy."


"Sige!"


"Pag ako nanalo, mag-usap kayo ni Lindsey!"


"Sige!"


Tsss. Para namang mananalo si Hiro rito e nanghuhula lang naman siya. Lahat kaya eh hinuhulaan nitong mokong na to. Pati isasagot sa mga major exams, hinnuhulaan niyan, si Kenji pa kaya? At saka,para namang malalaman nila kung anong ginawa ko. To be fair, nanood naman kami ng sine a! Hindi lang nagtagal! Ako naman ang nagbayad ng popcorn a! Ano pa ba ang gusto ni Cindy? At tsaka ano pa bang pakialam ni Kenji 'diba? Malamang badtrip 'yan kasi hindi niya ma-solve 'yung assignment namin sa Algebra. Ganun naman 'yun e. Parang mawawalan ng oxygen kapag hindi niya masagutan ang isang bagay.


Tsaka ano 'yun? Nag-chika minute sila agad kung anong latest e kakauwi pa lang ni Cindy a?! Malamang natraffic pa 'yun!


Dumaan si Kenji sa harap namin pero dahil sa badtrip niya, hindi parin niya ako napansin. "Kenji!"


Ang kinalabasan matapos ang napakacheerful kong pagtawag kay Kenji? Isang malaking black eye galing sa matataba niyang daliri na pinagdikit-dikit niya para maging half kamao. Parang may breed 'yung suntok ni Kenji. Parang half suntok half sampal. Tipong nag-isip pa siya kung itutuloy pa ba niyang suntukin ako kaya nakulangan ng force.


Nanalo rin si Hiro sa pustahan. Habang ako ay stuck na sa kakaisip kung ano ba ang pwede kong gawin para kumawala sa pustahan namin ni Hiro.

Isang Milyong Sulat 2: The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon