13

2K 105 9
                                    

Lindsey


Letter #414

Kung Sino Ka Man,

April 14 nung sinagot mo ako. Well, hindi naman as in sagot. Parang nagkasundo lang tayo na sige tayo na kasi doon din naman pupunta 'yun.


Kung maibabalik ko lang sana ang araw na iyon, siguro mas nakakakilig at mas memorable kung tatanungin kita kung pwede kitang maging girlfriend.


Pero alam mo Lindsey, para sakin, walang pagbabago 'yun. Sayo, siguro oo. Pero kahit anong oras ko balikan 'yung araw na 'yun. Kahit sa mga ganitong oras na nalulungkot ako kasi hindi kita mahanap, sa tuwing naiisip ko 'yun, hindi ko mapigilan na mapangiti sa kilig.


Lindsey, umalis ka na lang bigla nang walang pasabi. At ngayon ko lang narealize, hindi naman tayo nagbreak, hindi ba?


Kung Sino Man Ako


Habit ko na ang magpagupit sa tuwing feeling ko, ang pangit ko. Alam mo 'yun, tingin-tingin sa Tumblr o Pinterest ng magandang gupit tapos save sa phone sabay punta sa parlor at ipapagaya sa stylist ang napiling hair style.


Madalas kong gawain 'yun, at lagi na lang akong nagsisisi. Feeling ko kasi pag pinagaya ko 'yung buhok ng isang artista e magiging kamukha ko na rin siya. Hindi ba? Mula ulo hanggang paa, ma-feeling?


Kaya inis na inis na inis ako nang biglang pumunta dito si Prince pagkatapos kong magpa-make over. Kutab bangs and all. Parang grade two ang gumupit ng bangs ko at hindi isang professional sa isang salon.


"Bagay sa iyo, Lindsey. Hehe," ramdam ko sa pekeng tawa ni Mischa ang kasinungalingan. Kahit nga ako, hindi ko mabola ang sarili ko. Kapag ipipin ko naman ito, magmumukha akong noo na tinubuan ng mukha. Hay naku!


"Lindsey, mag-usap tayo."


"Tama na, nasabi ko naman na lahat. At tsaka sabi mo nga di ba, wala na rin namang magbabago kung ano man ang malalaman natin ngayon."


"Sige na kasi. 'Wag ka nang makulit diyan."


At ako pa talaga ang makulit? Ewan ko na nga! Tumalikod ako at naglakad palayo, hindi ko na pinansin 'yung mga kahon pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. Huminto na 'yung ulan nung tumigil kaming kumanta. Si Prince naman, hinila lang ako hanggang sa makasakay kami sa bus na hindi ko naman alam kung saan pupunta.


Hindi kami nag-uusap.Ang awkward nga e. Nung nakapara na kami ng bus, medyo narelieve ako na marami pang bakante na pwedeng upuan namin ng magkatabi. Nauna siyang sumakay, pero huminto parin siya sa tapat ng uupuan namin at pinaupo ako sa may bintana. Hanggang ngayon, alam parin niya.


Heavy traffic. Inoffer niya ang balikat niya para raw makapagpahinga ako. Nung una hesitant ako, pero ano pa nga ba, nadala pa rin ako ng kilig kaya dahan-dahan ko paring inilapat ang ulo ko sa balikat niya. Namiss ko ang malalambot niyang braso na pilit niyang pinapatigas at sinasabing muscle 'yon kahit na alam ko namang fats lang 'yun. Namiss ko ang pakiramdam ng pagdampi ng pisngi niya sa may buhok ko. Namiss ko ang lahat kay Prince. Kaya kahit hindi naman ako tulog e pinilit ko paring pumikit, baka sakaling maawa ang tadhana at paikutin ang oras pabalik kung saang high school pa kami. Kung saan lahat ng nararamdaman, kayang-kaya mong iconfess sa confession booth. At least noong highschool, pakiramdam ko may magic pa.


Feel na feel na feel ko na ang pag-eemote ko nang biglang tumunog ang phone ko. Kiber! Wala akong pakialam! Tumunog lang siya nang tumunog! Kapag binuksan ko ang mga mata ko, alam kong tapos na ang magic! Ayoko. Ayoko na tong matapos forever.


"Lindsey, 'yung phone mo, tumunog," sabi ni Prince pero mas lalo ko pang ipinikit ang mga mata ko. Ayoko. Sige na Prince,'wag kang kontrabida. Hayaan mo muna akong mabuhay sa sarili kong teleserye. Hayaan mo muna ako sa mga balikat mo dahil alam ko, kinabukasan, hindi na ulit ito mauulit.


"Sige ka,pag hindi ka gumising diyan, hahalikan kita."


Eto ang secret na ibabahagi ko. Kung ikukwento ko ito sa mga kaibigan ko in the future o di kaya naman kay Mischa, sasabihin kong tulog talaga ako nun at nagulat na lang ako nang bigla nga niya akong halikan. Pero ang totoo gising ako, gising ako habang iniisip na sige na, halikan mo na ako. Hindi ako papalag, I swear.


At kung sakali mang gawin ni Prince 'yun, pagdating ng panahon na babalikan namin itong araw na ito, sasabihin kong oo, tulog talaga ako nun at nagulat ako dahil hinalikan niya ako. Pero ang totoo naman niyan, gusto ko talaga, kaya nagtulug-tulugan ako. Ganun dumamoves ang mga babae minsan.


"Isa." Bilang niya.


Arte-arte! Magbibilang pa.


"Dalawa."


Hindi na umabot sa tatlo ang bilang nang halikan ako ni Prince.


At ang tatlong taong pagkawala ko... ay bigla ko na lang ibinaon sa ilang araw na muli naming pagkikita ni Prince.


Hindi ako nananaginip.


Hindi kami nananaginip.


Sa mga oras na ito, may Cindy man o wala, alam namin pareho na may magic. May perfect timing. May second chances.


Tama.


Kayang resolbahin ang lahat ng tatlong salita.


Sa case ni Prince, apat.


"Lindsey, mahal parin kita."

Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now