11

2.1K 102 16
                                    

Lindsey


Letter # 999,998

Kung Sino Ka Man,

Ano na?

Sumusuko na ba tayo?

Sumuko ka na ba?

Bibitaw na ba ako?

Kung Sino Man Ako


Gulat na gulat ako nang tabihan ako ng naka-winged eyeliner na si Cindy. Sig,e siya na ang maganda at chubby ang mukha. Siya na ang nakabraces at maganda ngumiti na nagmumukha akong bitter sa tabi niya dahil kunot na kunot ang mukha ko simula nung tabihan niya ako. Kahit si Mischa, hindi rin maipinta ang mukha.


"Hi!" friendly ang tono ng pananalita niya kaya ngumiti na rin ako.


"Kumusta?"


Ang simpleng pangangamusta ni Cindy ay umabot na sa kwentuhan kung saan subtle niyang ipinamumukha sa akin kung gaano siya kaganda. Kung gaano kalayo ang hitsura niya sa hitsura ko. Kung gaano kadaming nanliligaw sa kanya at kung gaano siya nahihirapan na i-reject sila isa isa. Isang oras 'yun, buong lunch break. Halos naikwento na niya ang lahat ng tungkol sa buhay niya. Pero ang highlight talaga ay 'yung mga nanliligaw sa kanya sa boarding house nila, sa mga ka-batch at kaibigan ngkuya niya at kung gaano niya madaling nakalimutan si Prince dahil sa pond niya na maraming isda at pwede niyang huliin any time.


"Hehe." 'Yun lang ang nasasabi ko habang si Mischa, imbyernang-imbyerna na. Kaso lang wala ka kasing kawala kay Cindy. Dun ko lang nalaman kung gaano siya ka-manipulative at the same time gaano ka-addictive ang mga kwento niya. Kasi gusto mo siyang makausap. Gusto mong makarinig ang kahit na anong may kinalaman kay Prince kahit kumakain lang siya ng fries habang lumalabas sila nila Cindy.


Kahit paano, naghihintay ako ng bits and pieces tungkol sakanya. Kung okay ba siya noong umalis ako. Kung siya parin ba ang Prince na kilala ko. Kung sisig parin ba ang paborito niyang ulam at kung hinahanap-hanap parin niya ang champoradong luto ng nanay ko.


Hindi ko alam kung ano ang agenda ni Cindy at bigla siyang naging mabait sa akin na halos gusto na niyang palitan si Mischa bilang BFF ko.Hindi ko alam ang dahilan ng bigla niyang pagkukwento kay Jason na nanliligaw daw sakanya at natututunan narin niyang magustuhan.


Hindi ko alam kung ano ang gustong gawin at iparating sa akin ni Cindy. Ang gusto ko lang naman kasing malaman kung may paki pa rin sa akin si Prince ngayon.Kasi kahit ayaw naman niyang sabihin, alam kong may masasabi at masasabi parin siya tungkol kay Prince. Tungkol sa kanya at kung ano man ang nasasabi niya, tungkol sa akin.


"Eto ha, tanong lang, pero don't think tinatanong ko 'to dahil nagseselos pa ako. Pero I'm over it." Hindi "it" si Prince, Cindy. Tao siya. I'm over "him" ganun dapat. Wag mong gawing inanimate object si Prince dahil lang sa pride mo 'Wag mong ipakita ang galit mo sa maling pag gamit mo ng mga salita, Cindy. Hindi mo iyon ikagaganda.


"Anong nagustuhan mo kay Prince?" Gusto kong sumagot ng pabalang. Tipong siyempre, gwapo! Ganun. Para lang iparamdam sa kanya na hindi ako affected sa ginagawa niya. Pero naisip ko, ano na lang kaya ang mararamdaman ni Prince kapag narinig niya 'yun, di ba?

Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now